8. Her Crying Face

5K 93 4
                                    

Reica's POV

Gigil na gigil ako sa sobrang inis. Alam mo ung pakiramdam na di ka mapakali ng di ka nakakaganti. Ganun! Kanina pa ako paikot ikot habang naghihintay ng balita mula kay Annie.

"Black Phoenix went to Paradis." Sabi ni Annie.

"Halika na!"

"Wait Reica we cant go there wearing our school uniforms. We need to change first" pigil ni Annie. "Lets go to my place first. I'll lend you my clothes then we can go clubbing!"

So hayun nga nagpunta kami sa malapalasyong bahay ni Annie at nagpalit ng damit. Naka micro miniskirt si Annie with haltered blouse samantalang si BFF ay nakablack na one piece dress. Ang hot nilang dalawa.

I chose skinny jeans at hanging blouse. Eto na ang pinakaconservative sa wardrobe ni Annie.

"Are you sure about this Reica? Wag kang magpadalos dalos sa init ng ulo mo" paalala ni BFF sakin.

"Yes! Saglit lang tayo dito. Once makausap ko si Blaze aalis din agad tayo."

"No we're not. Andito na tayo kaya we'll just enjoy ourselves!" Nakalabing sabi ni Annie. Hinila na kami nito papasok ng disco bar.

May kinausap saglit si Annie pagkatapos hinila na naman kami nito sa kung saang parte ng bar.

Naririnde ako sa lakas ng sounds. Di talaga ako bagay sa ganung lugar. Haist!

"Ayun sya Rei..."

Sinundan ko ang tinurong direksyon ni Annie.

Ewan ko ba may build in Blaze radar na yata ako dahil mabilis kong nakita si Blaze.

Bakit ang gwapo nya??? Inis na bulong ko sa sarili. Di ko dapat hangaan ang bwisit na hambog na un! Kahit crush di rin pwede!

"Crazy girl! Stalker ka na rin ba ha?"salubong sakin ni Trystan.

Tiningnan ko lang to ng masama. Napaatras naman ang jologs na unggoy.

"Di pa tayo tapos mag usap!" Galit kong sita kay Blaze ng makarating ako sa harap nito.

Napatingala naman sakin to. "Sit..." senyas nito sakin.

Umupo naman ako sa tapat nito.

"Not there. Here beside me..." utos nito.

Mabilis akong lumipat ng pwesto.

Ano ka ba Reica! Nginitian ka lang naging sunud sunuran ka na rito!

Sino ba namang hinde? May kung ano sa ngiti ni Blaze na nagpapawala sa katinuan ko.

Di ko na nga napansin ang pagyaya ni Aaron sa mga kaibigan ko na umupo rin sa mesa nila. Para tuloy kaming naging katable ng mga leader ng Black Phoenix.

"You are persistent. What do you want?"

Ano bang iniinom nito at mukhang good mood ito ngayon?

"I-ikaw kaya ang may kailangan sakin!"

Letsugas! Huwag ka ngang tingin ng tingin sakin!

Pinag igihan ko pa ang pagsimangot ko para pagtakpan ang kabang nararamdaman ko.

"A.... Do you mean being my girlfriend?"nakakalokong tanong nito.

Tumango ako. Hiyang hiya.

"You're accepting my offer?" Tanong ulit nito.

Tango ulit sagot ko. Malapit ko na yatang masira ang blouse na suot ko dahil sa kakakutkut dito.

Ang Astig kong Prinsesa!Where stories live. Discover now