2. The Search is On!

7.2K 135 4
                                    

Trystan's Pov

Nakanganga kaming sinundan ng tingin ang babaeng iyon na mabilis tumakbo papasok ng SIA.

Member ba ito ng marathon team? Ang bilis tumakbo e!

Nagawa pa nitong sumingit sa mga pumapasok pa rin lang na mga estudyante ng walang kahirap hirap. Parang palos din syang kumilos!

"Amazing!"

Napatingin ako kay Aaron. Mukhang nahawa ito sa kabaliwan ng babaeng un!

"I command that you stop whatever you're feeling right now Aaron." Utos ni Blaze.

Buti naman pinigilan agad ni Blaze ang kahibangan ni Aaron. Di kasi makikinig sa akin ang mokong na to...

"She's mine!"

Huwhat????!!!

Seriously? Ganun ba katindi ang virus ng babaeng un pati si Blaze nahawaan din ng kabaliwan nito?

Bumababa na tuloy ang respeto nya sa mga ito. Ano ba naman nakita ng dalawa nyang kaibigan sa Amazonang baklang un?!

Pero syempre sinarili ko na lang muna ang opinyon ko. Ayoko kayang mabigwasan ni Blaze. Quota na ako sa black eye ngayong araw na ito. Uminit na naman ang dugo ko sa crazy girl na un!

"I want you Aaron to mobilize our guys. Find everything about that girl! It will be easy since she's also studying in our school. I want your reports by the end of the day." Utos pa ni Blaze.

Napanganga ulIt ako sa naglalarong ngiti sa mga labi ni Blaze bago Ito tumalikod at naglakad papunta sa school building namin.

First time kong makita na ngumiti ang cold hearted leader ng Black Phoenix!

____________________________________________________________________

Kyle's Pov

Wahahahaha!

Kanina pa ako good mood! Naisahan ko kasi kanina ang kakambal ko! Matagal na akong asar dun e!

Palaging si Reica kasi ang kinakampihan sa bahay tuwing nag aaway kami. Katulad na lang kagabi, trip kong magpatugtog ng electric guitar pero kumontra ang pangit na un!

"Pwede ba Kyle manahimik ka dyan!"

Kung di lang ako nababadtrip dito e tinawanan ko na eto! Paano ang itsura nito parang abstract na painting. Ang hirap maintindihan.

Nakahati sa gitna ang buhok nito na nakapusod lang na parang maglalaba. Nakasalamin din ito ng makapal. Lumabo na kasi ang mata nito sa kakabasa ng mga libro.

Wala naman talagang pangit sa Catacutan clan at kakambal ko si Reica. Since gwapo ako kaya dapat maganda rin sya. Kaso kung gaano kasipag mag aral si Reica ganun naman to katamad mag ayos!

Kaya nga minsan di mo ako masisisi kung kinakaila kong kapatid ang isang ito e!

"May nagpapatugtog ba ng walang sounds? Minsan talaga may pag ka eng eng ka Kalaykay e!"

Pet name ko un sa kambal ko. Bukod sa karyhme ng name nya: Reica Kalaykay, mukha pang kinalaykay ang itsura nito.

"Sa ibang lugar ka mag ingay! Wag dito! Nag rereview ako e. Di ako makapagconcentrate!"

"Ano? Tinawag mo bang ingay ang pagtugtog ko? Wala ka talagang kaalam alam sa music Kalaykay! Kung gusto mo ng tahimik dun ka sa sementeryo!"

"Kuya si Kyle o!" Tili nito ng mapikon sa pang aasar ko.

"Dyan ka magaling! Sa pagsumbong sa Kuya mong kunsintidor!"

As usual kinampihan ito ng kapatid kong sanggano without hearing my side. Spoiled na spoiled dito si Reica. Kahit papaano si Kuya Kyan nagtatanong bago manapak. Kaso wala dito si Kuya Kyan, nasa abroad sya nagtatrabaho para sa pamilya namin.

Ang Astig kong Prinsesa!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن