22. Her True Feelings

2.6K 66 14
                                    

Reica's Pov

"Beshie sobrang tagal namang umuwi ng Kuya Kayne mo. Miss ko na sya..." namumungay na ang mga mata ni Em. Nakakailang baso pa lang ito pero tinamaan na agad ang bruha.

"Cuz don't worry di nun matitiis si Baby Princess nya kaya sigurado akong uuwi agad iyon." Alo rito ni Michael. "It's your shot na Papa Kyle..."

Yinakap ako ni Em habang paulit ulit nitong binubulong ang pangalan ni Kuya Kayne.

"Ang lakas talaga ng tama mo sa bakulaw na iyon. Wala kang kataste taste! May isang gwapo na nasa paligid mo pero binabalewala mo lang." pagpaparinig naman ni Kyle.

Maganda naman kasi si Em. May crush nga dito si Kyle. Kaso mga bata pa lamang kami ay very vocal na ito sa pagkakagusto kay Kuya Kayne.

"Manahimik ka dyan Kyle! Pati ang bestfriend ko balak mong isama sa koleksyon mo ng mga babaeng lolokohin mo. Ayan si Micaela nasa tabi mo lang. Single and willing to mingle" sita ko rito.

Micaela ang female name ni Michael. Napangiti ito sa sinabi ko samantalang si Kyle ay napasimangot naman.

"Agreed sister! Sagutin mo lang ako Papa Kyle pag aaralin kita at popondohan ko pa ang luho mo! Willing pa akong magpakamartir sa'yo!" humilig pa ito sa balikat ni Kyle.

"Please lang! Di ako pumapatol sa bakla." Nangdidiring itinulak pa ni Kyle si Michael.

"Ouch Papa Kyle ha? Brutal ka talaga sa akin. Pero gusto ko yan... Saktan mo pa ako..." malanding wika ni Michael.

Wala tuloy nagawa si Kyle kung di tumayo at lumayo rito. Kaso sinundan pa rin ito ni Michael.

Naiiling na lang ako sa dalawa. Kay Michael lang talaga di manalo-nalo ng asaran si Kyle.

"Annie, okay ka lang?" tanong ko sa kaibigang kanina pang tahimik sa sulok.

Natigilan ako sa matalim na tingin na binato nito sa akin. Pero saglit lang iyon kaya napaisip ako kung imagination ko lang ba ang naramdaman kong galit mula rito.

"Oo naman! Para kang sira... Ikaw kaya ang masama ang pakiramdam dyan..." nakangiting wika nito.

"Sorry talaga Annie. Di ko sinasadya na magkagusto kay Blaze. Swear! Cross my heart hope to die!" naguguilty kong turan dito.

"Honestly, at first nagtampo ako sa'yo kasi tinanong naman kita before if you also like Blaze and you said no. So I felt slightly betrayed. Slight lang ha? Kasi naisip ko agad na who wouldn't fall in love with Blaze? He's handsome, rich and he's a Sullivan. He's the most perfect guy ever..."

"Hindi totoo yan Annie. Yes gwapo sya pero ang gaspang naman ng ugali nya. Mayaman nga sya pero dahil iyon sa pamilya nya. And so what kung Sullivan sya? Kahit isang royal prince pa sya, wala akong pakialam. Malayo sya sa dream guy ko..."

Trystan's Pov

Pabalik na kami sa bahay ni Crazy Girl. This will be the last time that i'll see her kaya susulitin ko na. Nakasalubong pa namin si Kyle na tila hinahabol ng sampung aso. Kasunod nito yung lalakeng nakita namin kahapon na kasama ng eldest brother ni Reica sa presinto. Ito na lamang ang hinarang namin dahil di na namin napigilan si Kyle sa bilis ng pagtakbo nito.

Ngumiti ito ng maluwang sa akin.

"I believe I haven't formally introduced myself to you guys. I'm Michael John Del Valle, one of the best friend of Reica."

Tinitigan lang ito ng masama ni Blaze. Lalong lumuwang ang ngiti nito sa reaksyon ni Blaze. Pati mga kaibigan ni Reica ay may pagkabaliw din e.

"Don't worry about me Blaze. We don't have the same preference. Pasok na lang kayo sa loob. We have a small welcome party for yours truly. I'm just going to follow my lalove okay?" sabay kindat nito sa amin.

Ang Astig kong Prinsesa!Where stories live. Discover now