CHAPTER 08

3.1K 76 0
                                    

(Author's Note )

(Hi guys Sorry sa Mabagal na updates ha?Wag kayong mainip!kase sobrang dami kong school paper na kailangang ayusin at sagutan Marami din kaming assignments and Projects. Sorry talaga!!!!)

Drake Sy Montereal'POV

Pagkabalik na pagkabalik ko sa convention hall naupo agad ako sa table naming kung saan kitang kita ang buong dancefloor hindi madami ang nagsasaway dahil sweet dance pa ito, Kasama ko si Kean Dave at Lawrence sa table na kanina pa kain ng kain.

"Bukod sa pagkain ano pang pinunta mo dito kean?" tanong ko

"Ang sama ng ugali mo!syempre sinusulit ko'to dahil sayang ang bayad!" aniya

"HAHAHA pre para kang patay gutom!" asar ni dave

"Gago!Itahimik mo nga ang bibig ko ipapalamon ko sayo to!"

"HAHAHAHA easy kalang par"sagot ni Lawrence

"Tsk.parang mga bata"

Habang pinapaunod ko ang mga tao sa dancefloor nahagip ng paningin ko si Maxdrine na kasayaw si Nathan hindi ko alam ang pinaguusapan nila pero batid kong mahiwaga ito dahil sa ngiti ni Maxdrine nang matapos silang sumayaw ay umupo narin sila pero hindi parin umaalis si nathan sa tabi ni Maxdrine at parang seryoso ang pinaguusapan nila.

"Par kung yelo ang tinititigan mo baka tubig nayon ngayon" biro ni dave

"Eh kung gawin kitang tubig?"sakristong tanong ko

"Easy-- by the way Buo naba ang plano mo?" tanong ni Lawrence

"Araw-araw kong ginagawa ang plano ko Lawrence" sagot ko

"Alam mo par at kung siguro hindi tayo close nasapak na kita dahil sa ginagawa mo dun sa Heinz nayon" singit ni dave at nilingon naman naming sya

"Nakoooo!Siguro may gusto ka kay Heinz no!?" biro ni kean

"Gago ka pre syempre wala! Oo maganda ang isang yon pero hindi ko sya type!" bawi ni dave

"Kunwari kapa!HAHAHA eh kung dimo sya type bakit sinabi mo yon?"tanong ni kean

"Syempre Par babae din si Heinz at pansin ko naman hindi sya katulad ng ibang babae dito sa university na nagbebenta ng kaluluwa" paliwanag ni dave

"Sa bagay tama ka--"

"Edi kampihan nyo sya" seryosong sagot ko

"Sige kampihan mo sya dave!basta ako kakampi ni drake!"

"Gago ka talaga kean"

Kesa makipagtalo sa kanila ay binaling ko ang paningin ko sa pwesto ni Maxdrine at laking gulat ko ng Makita ko si Ian na lumapit sakanya.

"Oh san ka pupunta par?" tanong ni kean

"Watch and learn" sagot ko at pumunta sa backstage

Hinanap ko ang Staff ng Activity nito at sakto ---

"Ahh mia?" tawag ko kay mia Hinarap nya naman ako

"Oh Drake ano yon?bakit ka nandito?" tanong nya sakin.

"Pwedeng favor?" sagot ko

"Sure ano yon?"

"Ah pwede mo bang patayin ang ilaw after ang tugtog na iyan? "sagot ko

"Hmm." Tatango tangong sagot nya at ginawaran ko naman ito ng ngiti ."Sige Pero pwede kobang malaman kung bakit?" Pagtatanong nya

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now