CHAPTER 72

299 11 3
                                    

NATHANS POV

"What!? Anong ginagawa nya dito?" agad na tanong ko

"Hindi ko alam.Pero siguro isa sya sa nagmamatyag sa mga galaw natin" sagot ni Ian na prenteng prente sa pagkakahiga

"This is serious" wika ko "Kailangan nanating ibalik ang mga utos. Unti-unti na silang nalabas. Kailangan nating balaan ang lahat"

"Alam mong magkakagulo sila singit ni kean

" I know pero mas lalong magkakagulo kung hindi sila aware sa nangyayari.Hindi tayo pwedeng magbulagbulagan nalang" sagot ko

"Tama si Nathan.Kung hindi natin sasabihin sakanila ay baka mas lalo pang madaming madamay pag nagkataon" wika ni Lawrence na ngayon ay kaharap ni Ian

"Nakita ko sya kanina.Bago ako pumasok dito ay nakita ko sya na may kausap na lalaki" wika ni Ian

"What?sino?"

"Hindi ko nakita kung sino ang kausap nya pero may kutob akong hindi sya galing dito sa loob.Outsider sya" paliwanag ni Ian

Ngayon ay nagulat kami sa paglitaw ng isa sa sampu.Kung sa tutuusin kase ngayon lamang sya lumabas ng lungga nya at nagpakita ng harapan kay Heinz. Masama ang kutob ko sa isang yon.Hindi ganon ang Gawain nya kapag may bago.

"Bukas na bukas ay ilagay nyo muli ang mga utos. Papuntahin nyo ang lahat sa Hall.Isa pa September na ngayon. At ang ber months ay isa sa ayaw natin. Makukulong ang lahat ng estudyante sa Loob ng Montereal.Hanggang matapos ang taon" wika ko at pinagmasdan sila isa-isa "Kaya mas Malaki ang chance na madami ang madadamay kapag hindi natin sila sinabihan"

"Kailangan natin ng tulong" singit ni Lawrence "Kasama kayo sa isang pinakamalaki at pinaka malakas na Mafia sa buong mundo.Bakit hindi tayo humingi ng tulong sakanila? Papasukin nyo ang Mafia sa Monterea---"

"Hindi nyo gagawin yan" Seryoso at malalim na sagot ni Heinz na kakapasok lang kasunod si Drake

"Bakit naman?Gusto moba ay mapahamak tayong lahat?" sagot ni Lawrence na walang kaalam alam

Gusto kong tumawa ngayon.Siguro kapag nalaman niya na Mafia Boss ang kausap niya ay baka mamatay sya sa takot. Nilingon ko si Drake na nagkibit balikat nalang at pinigilan kami ni Ian na sumabat. Naupo sa harapan nya si Heinz at nakinig sa sinasabi ni Lawrence.

"Ayon ba ng pinaka magandang plano mo?" tanong ni Heinz

"Oo. Isa pa malakas ang Mafia hindi yon basta-basta. Mas malakas yon sayo.Lalo na ang Mafia Boss.Isa pa kakilala nila Drake ang isang yon baka matulungan nila tayo" sagot ni Lawrence na walang kaalam alam sa sinasabi nya. Nagpipigil ako ng tawa ng lingunin nya ako "Bakit ka natawa jan?" tanong nito.Umiling lang ako bilang sagot

"Kung ganon.Kung may chance kang makausap ang Mafia Boss ano ang sasabihin mo?" tanong ni Heinz at Dumekwatro ng upo sa harap ni Lawrence.Habang si drake ay nakasandal sa table at nakakrus ang dalawang kamay.Si Ian naman ay nakadekwatrong nakaupo sa tabi ni Heinz. Kaming tatlo ay masusing nakikinig sa usapan nila.

"Kung bibigyan ako ng chance syempre!magmamakaawa akong tulungan nya tayo.Dahil sobrang mapanganib ang kakalabasan ng paglabas ng Sampu.Hindi ko sya tatantanan hanggang hindi sya pumapayag! Dahil ayoko pang mamatay! Gagawin ko ang lahat ng sasabihin nya para lang tulungan tayo!" daredaretsyong sagot nya na para bang nag rarap

Pinagmasdan ko si Heinz na prenteng prente sa pagkakaupo.Ni hindi sya kakikitaan ng pag-aalala o ano man sa mga sinabi ni Lawrence.Sobrang hinahon nya tignan.Hindi mo aasahan na salikod ng maamong mukha ni Master ay isa pala syang Mafia Boss.

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now