CHAPTER 43

1.5K 37 7
                                    

(playing-Say Something..🎶)

NATHAN'S POV

Hanggang ngayon Iniisip ko padin Ang mga katagang binitawan ni drake sa harapan ni heinz, May napapansin ako ngunit Hindi ako sigurado.Silang Dalawa ay tunay na magkatunggali sa lahat ng bagay ngunit nagkakaintindihan din kapag ang isa ay nasa pahamak na.Hindi ko maintindihan Ang mga Sinasabi Ng nasa ikapito kanina ngunit batid kong nagulat sya sa asal ni heinz sapagkat kahit Kami ay ganon din.Hindi ko inaasahan ang mga Katagang sinabi nya kanina.Kung ganon ay pati sa labas sinusubaybayan parin siya Ng mga nakapaloob sa sampu.

"Nathan?"

"Nathan?"

Nawala ang aking pagiisip ng Kalabitin ako Ni sam nilingon ko ito at tinaasan ng kilay.

"Ang lalim ng iniisip mo ah" wika nya at inabutan ako ng isang bote ng san mig At naupo

"Share mo naman yan"Pahabol pa nito ngunit hindi parin ako nagsasalita

"Wag kang mag alala kasama ng mga Bata ni Drake si Heinz Separate Room naman sya Nag bigay ang nga boys HAHAHA For the first time ata yon Ginalang nila ang nasa ikalimang pwesto Pero sabagay Nandon si drake kaya Siguradong mag bibigay ng ang mga yon"Tatawa tawang wika nya

"Hayyssst Nakakapagod na araw na to Hindi ko alam kung paano nagawang Gawin ni ian ang dapat nyang gawin kanina ng napakabilis na paraan Nakakabilib talaga Ang isang yon"

"Bakla kaba?"Tanong ko

"Gago kaba?diba pwedeng Sabihin na nakakabilib ang Mabilisang gawain nya? Nakngpusa to!Maka bakla ka Kala mo!Halikan kita jan ih!"banta nito na akmang lalapit

"Shit!confirmed" wika ko at imanbangan sya ng suntok

"HAHAHAHHA Baklang to!Biro lang no Ikaw naman napaka seryoso mo ano nanaman ba ang iniisip mo ha?Kung paano manalo sa puso ng babae?"Wika nya kaya naman sinamaan koto ng tingin

"HAHAHA biro lang ulit Grabe napaka taas naman ng dugo mo!dika na mabiro daig mopa ang babaeng may dalaw ah?ano ba kaseng Ginagawa mo dito?Nagmumuni muni ka?umiiyak ka?Iniisip mo yung kanina?Or Iniisip mo ang Sinabi ni drake kay heinz?"Tanong nito at nanahimik Narinig ko naman itong huminga ng malalim

"Napapansin mo?"Aniya Napatingin naman ako dito

"Napapansin mo rin siguro ang Isang Montereal Tama ba ako?"Muling tanong nya at nilingon ako

"Batid kong oo dahil Halos lahat Ay nakakapansin don Kung paano at Kung gaano nya tinatrato si heinz,Kanina kita sa mga mata nya ang pagaalala takot at kung ano man,Halos Tawagan nya na ang mafia dahil don"Tatawa tawang aniya

"By the way Heinz is a strong Girl Hindi ko sya Nakitaan ng Takot kanina She's calm when Solmayor showed"Wika nya

"Nakakapag taka lang yung mga sagutan nila kanina, bakit kilala ni Solmayor si Heinz?" tanong nito

"Dahil pang lima sya" sagot ni pierce nakakarating lang

"Hindi pre parang may mali! Kase look kanina yung mga usapan nila is parang kilalang kilala na nila ang isa't isa diba? yung mga sagutan nila kanina tsaka pano nalaman ni Heinz na mga bata ni solmayor ang nasunod sakanya? hindi ba't nakakpagtaka?"paliwanag ni sam

"Kahit ako ay nagtataka din" wika ko

"Oh diba!? Maiisip mo kase na bakit ganon ang usapan nila? parang hindi lang sila ngayon nagkita" aniya

"Hindi ko alam kung bakit ganon nalang kalakas ang loob nya para sigawan ito,Alam kong nasa ikalima siya Ngunit Hindi ko inaasahan ang Ginawa niya kanina Sobra nya kong napahanga,Bakit ganon kalakas ang loob nya para gawin yon ni minsan hindi ko nagawang sigawan ang isa sa sampu bukod sayo HAHAHA Bilib ako sa tapang nya"Kwento nito

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now