CHAPTER 85

122 8 14
                                    

-

Napaka daming tao sa buong paligid isang party ang nagaganap kung saan naroon ako sa kalagitnaan.Ang lahat ay nakasuot ng costume kaya hindi ko sila makilala.

Nasa party ako ng Montereal.

Pinilit kong hanapin sila Ian ngunit bigo akong makita ang mga ito, kahit si Gab ay hindi ko makita dahil sa dami ng tao.Maya-maya pa ay Nakita ko si drake na naglalakad palayo.

"Drake?"

"What are you doing here?"

"HEY DRAKE!!" Muling sigaw ko pero tila hindi nya ako naririnig

Pinipilit kong gumalaw pero hindi ko kaya, sobrang daming nakahawak sakin, Hindi ko kayang kumawala.

"Drake!!"

Maya maya pa ng makarating ito sa gate ng convention hall ay may isang van na dumating at pwersahang ipinasok sa loob si Drake, ng Makita ko yon ay pinilit kong kumawala sa pagkakakapit nila sa akin. Hanggang sa makagalaw ako ng ayos mabilis kong kinuha ang aking sasakyan at hinabol ang sasakyan kung saan naron si Drake.

Pinilit kong ikutin ang buong lugar ngunit hindi ko ito makita, at kahit isang tao ay walang mahagip ang aking mga mata.Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mawala ang mga taong nasa Convention Hall, Pero mas ikinagulat ko ng makita kong punong puno ng dugo ang paligid.

Hindi nakagalaw ang mga paa ko para tumakbo palayo, hindi ko kayang igalaw ang katawan ko. Ano ang nangyari?

"Gab?"

"Gab!?nasan ka!"

"Gab!"

"Heinz?" napalingon ako kung saan nanggaling ang boses nayon, at sa isang sulok lang ako dinala ng aking mga paningin. Nakita ko si Gab na punong puno ng dugo ang suot, kita ang takot sa mga mata nito pero agad nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nakatutok ang baril ng isang babae sa direksyon ni

O_O

"Gab---"

*Bang!

Hindi ko maigalaw ang paa ko para lapitan si gab, Nakita ko kung paano sya bumagsak, Nakita ko kung paano sya tinamaan ng bala ng baril at ng lingunin ko kung sino ang may hawak ng baril ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Mia..

Ngumiti ito sakin na parang nang aasar, puno narin ng dugo ang damit nito. Hawak nya ang baril samantalang ako ay wala kahit isa, ang ibinigay ni nanay na baril ay hindi ko makita.Nasan si Ian? Nasan si Nathan? si Drake? Si kuya? Si dad? Nasaan kayong lahat?

"Kung hinahanap mo ang magliligtas sayo, wala ng darating kahit isa"

"Anong----anong ibig mong sabihin?"

"Si Nathan? Patay na ganon din si Ian, Hindi naman pala sila mahirap kalabanin"

"Hindi"iiling iling na sagot ko "Sinungaling ka"

"HAHAHA! tignan mo ang buong paligid? Hindi ba't wala ng buhay bukod sayo?"

"Ang kuya mo? Pino protektahan ang kapatid mo mula sa labas,kaya kung umaasa kang darating sila para tulungan ka ay nagkakamali ka"

"I will kill you"banta ko

Hindi ko alam kung anong nangyari,Nahuli kami ng dating, Ang lahat ay nadamay dahil sakin. Madaming namatay ng dahil sakin.Pati narin sila Gab.Pero nasan si Drake?

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now