CHAPTER 64

230 10 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Malapit na ang araw ng pakilala" aniya

"Tama ka ngunit batid ko na hindi pa handa ang batang iyon sir"

"Sa palagay ko inihahanda siya ng kaniyang pamilya, ang pagsubok na nararanasan nila ay isang patikim palamang" sagot ko at uminom

"Ano ang ibig mong sabihin sir?"

"Kapag dumating na ang panahon na ang batang iyon ay nakaupo na,lahat ng pagsubok ay mararanasan nya,sila,ang buong pamilya niya at ang mga taong malalapit sakanya na kahit siya ay ang hihinaan ng loob sa mga mangyayare"

"At kapag dumating ang araw nayon babagsak ang mga taong malapit sakiya Lalo na ang pamilya nito Kaya tinuruan siya kung paano lumaban"

"Kaya pala ang batang iyon ay sobrang lakas kahit ang ministro ay hindi sya matalo"

"Hindi lang sya malakas, Isa syang mabungang puno sa panahon ng taglagas at tanging bunga nya lamang ang kayang bumuhay sa mga nakapalibot sakanya kaya kailangan ingatan..Dahil sa panahon nayon kahit tayo ay kakailangan sya" sagot ko

"Kung ganon hayaan nyoko at ang mga bata ko na bantayan sya" alok nito

"Masaya ako sa alok mo ngunit hayaan natin ang mga binata ang gumawa non para sakanya, at ang tanging gagawin mo lang ay bantayan ang magnae, paniguradong gagamitin nila itong alas laban sa kaniya"

"Maghanda na kayo aalis na tayo" utos ko agad naman silang tumayo

"Masusunod"

Habang nakatingin ako sa kawala hindi mawala sa isip ko ang bagay na ginawa ko noon pero hindi ko ito pinagsisisihan dahil alam ko na tama ang ginawa ko.

"Alam kong darating ang panahon na makikilala mo ang totoong pagkatao ko,haharap ka sakin at magtatanong nang mga bagay-bagay na hindi mopa nalalaman at sa araw nayon hindi ako magdadalawang isip na ilahad sayo ang katotohanan"

"Hihinatayin ko ang araw na gugulatin moko sa akin mong kakayahan---mali you never disappoint me for your own strength and strategy, hanga ako sa kakayahan mo,hihintayin ko ang araw na papasok ka sa opisina ko bitbit ang walang buhay na emosyon at titindig sa harap ko bilang pinakamataas at pinakamalakas na tao sa buong organisasyon"

"Ikaw ang hihirangin na pinakamataas at alam ko na hindi nila hahayaan na dumating ka sa posisyon nayon na hindi nahihirapan at nasasaktan, darating ang araw na kailangan mong mamili at lumayo sa mga taong nasa paligid mo, nagsisimula na silang pahirapan ka"

"Kailangan mong isang tabi ang nararamdaman mo sa batang iyon dahil pag nalaman nila na isa sya sa magiging kahinaan mo gagamitin nila ang batang iyon laban sayo sa panahon nayon batid kong kahit na sino ay hindi ka mapipigilan sa gagawin mo para mailigtas at maprotektahan ito"

"Kahit noon pa ma'y hindi mona binigo ang mga tao sa paligid mo may angking galing ka para linlangin ang kalaban malakas ang pang amoy mo ngunit kinain ka ng galit ng araw na magkasalubong kayo ng isang katunggali, at magpapahirap sayo, kaya kailngan mong kontrolin at labanan ang galit nayon kung hindi mapapahamak silang lahat"

"Nung araw na magkasalubong tayo hindi ko inaasahan na muli kitang makakausap at alam kong ang mga tingin nayon naramdaman mona na ibang tao ang nabangga mo, Hihintayin ko ang araw na magkaharap muli tayo at sa araw nayon Ipaliliwanag ko sayo kunng bakit ko inilayo sayo ang anak ko"

(flashback)

"Ano ang gusto mong gawin ko?hayaan nalamang na madamay ang anak natin!?gusto mo bang mapahamak ang anak mo?ganon ba!?" sigaw ko habang nagaayos ng gamit

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now