CHAPTER 73

297 9 5
                                    

DRAKES POV

Hindi ko alam kung anong gagawin kong react sa sinabi ni Maxdrine. Tila isang hipnotismo ang ginawa nya saakin ng sabihin nya ang mga salitang yon.Ni hindi ko nga akalain na sasabihin nya rin ito sakin.Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala.

"A-ano?"

"Hindi kona uulitin ang sinabi ko drake,Kung mahina ang pandinig mo ay wala na akong magagawa" sagot nya bago tumalikod sakin

Tama ang narinig ko

"Kung ganon mahal mo din ako?Kailan pa?" tanong ko. Lumapit ako sakanya habang pinupunasan nya ang kaniyang buhok.Niyakap ko ito mula sa likod.Ramdam ko ang basang buhok nya at malamig na katawan.Amoy ko din ang bango ng kabuuan nito.

"Bakit gusto mong malaman?"

"Dahil gusto ko.Wala nang ibang dahilan kaya sabihin mona sakin" sagot ko

"Hindi ko alam kung kailan kita nagustuhan drake.Dahil ayokong gustuhin kita ng may dahilan.Hindi ako yung babaeng gugustuhin ka dahil sa ganito ka, sa ganan ka. Hindi.Gusto ko kusa. At ayon ang nangyare.Kusa kitang nagustuhan. Hindi dahil pogi ka,mayaman,astig o ano pang good words tungkol sayo. Hindi din kita nagustuhan dahil sa pambubully mo sakin. Nagustuhan kita dahil gusto nang puso kong gustuhin ka"

May kung ano sa pakiramdam ko ang kinuryente ng mga salita ni Maxdrine.Bigla ay napangiti nalang ako sa ganda ng sinabi nya. Parang nagwawala ang mga paru-parong nasa tiyan ko.

"Hindi ako mangangako sayo na uunahin ko ang sarili ko. Hindi ako ganong tao.Selfless ako. Mas gusto kong inuuna ang pamilya at kaibigan ko kesa ang sarili ko.Ayokong maranasan nila ang naranasan ko noon"

"Pero magtiwala ka sakin Drake.Kahit anong mangyare babalik at babalik ako.Hindi kita iiwan. Ako ata ang Mafia Boss" pagmamayabang nya.Kusa akong humiwalay sakanya para harapin ito.

Bakit hindi ko sya nakilala noon?

"Hannah! Take care! Baka madulas ka!"

"No I will not---Aray!"

"Bakit ba kase ang kulit mo? Sabi ko na sayo ay magdahan dahan ka.Ayan tuloy nadulas ka.Okay ka "Lang?"

"Dito"

"Tingen"

"Joke lang!HAHAHAHA uto-uto ka talaga kahit kalian!"

"Drake"

"Drake?Ayos ka lang?"

"H-ha?"

"Anong nangyare sayo?"

"Ah wala" sagot ko

"Sigurado k----"

Hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng muli ko syang yakapin. Ikinulong ko sya sa mga bisig ko at mas lalo pang hinigpitan ito na para bang wala ng bukas.

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now