CHAPTER 81

199 13 1
                                    

GAB'S POV

Nasa cafeteria kami ni Kean ng mag announce muli. Napansin ko din na patungo na ang lahat sa Convention kaya dinala ko nalang ang iniinom ko.

"Tara na"yaya ko ngunit hindi parin sya tumayo at tinitigan lang ako

"Saan?"

"Anong saan?Nakikinig kaba? Malamang sa Convention"mataray na sagot ko at binatukan ito

"Aray! oo na ito na nga"

"Bilisan mo!" utos ko at naunang lumabas. Nakita ko ang ibang kasamahan nila kean na sama samang naglalakad kaya kinawayan ko ito at dali daling lumapit sakaniya

"Nasan si Kean?"tanong ni Lawrence

"Ayon"turo ko kay kean na kalalabas lang ng cafeteria "Kahit kalian ay napaka bagal"wika kopa

"HAHAHA bagay talaga kayong dalawa"biro ni Dave

"Thank you--- Bilisan mo kean ano ba!!"sigaw ko wala akong pakialam sa mga nadaan kahit mabingi pa sila

"Hays! bakit moko iniwan?Akala ko nasa loob kapa"aniya

"Napaka bagal mo kase"wika ko at nagsimulang maglakad

Nililingon ko ang mga kasama namin at nagbabakasakaling Makita si Heinz dahil simula kaninang last period ay hindi ko na siya nakita. Kahit ang tatlo ay hindi.

"Nakita nyo si Heinz?" tanong ko umiling naman sila

"Hindi eh. Kahit nga si Drake ay hindi ko nakikita"

"Nakooo baka magkasama yung dalawa"

"Para daw may time sila sa isa't isa. Loving loving"malanding sagot ni dave at umaksyon pa. Hinampas ko ito sa braso dahilan para mapahimas sya "Aray naman!"

"Loko ka kapag ikaw narinig non loving loving mo yang muka mo!"

"Nagbibiro lang ako Gab"aniya

Habang naglalakad kami ay hindi ko napigilan ang aking sarili. Kanina pa kase ako puno kaya kailangan kong magbanyo.

"Kean?"

"Oh?"

"Mag c-cr lang ako"paalam ko at tumigil sa paglalakad

"Samahan na kita"

"Hindi na"sagot ko. Nauna naring maglakad ang iba samin

"Hintayin kita"

"Wag na,tsaka ang lapit lapit ng Restroom sa Convention oh. Susunod agad ako" wika ko

"Sure ka?"

"Oo"

"Sige bilisan mo ha?nasa taas kami don ka pumunta"

Hindi na ako nagpahintay sakanya at mabilis na pumunta sa Restroom. Sobrang sakit kasi ng tyan ko dahil sa halo halo ang kinain kaya kailangan kong magbawas.Nang makapasok ako sa Restroom ay agad akong pumunta sa pinaka dulo nito. Meron kasi ditong isang silid na para talaga sa pagbabawas at mas Malaki ito kumpara sa mga cubicle. Wala ng mga estudyante sa loob at tanging naglilinis nalang ang narito.

-

Ilang minuto din ako bago natapos. Naghugas ako ng kamay sa wash basin at ng ayos nadin ng buhok. Naglagay din ako nag light make up at liptint ng matapos ako ay nilagay ko ang gamit sa aking bag.Nakalabas na ako ng restroom ng biglang mag ring ang aking phone. Kaya naman pumunta ako sa likod ng Restroom para sagutin ang tawag.

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now