CHAPTER 59

598 14 0
                                    

HXIAN'S POV

Hindi ko inaasahan na isasama nya ang tatlong mokong na ito, Oo alam kong ngayong araw ay nakilala na nila si Heinz bilang isang leader ng gang, pero ang dalin ito dito sa hospital ay hindi ko iinaasahan,Hindi man lang sila nagalit kay Heinz? Sabagay mas maganda na iyon.

"How's your mom?" tanong ng chairman

"She's already fine, bukas ay pwede na daw syang iuwi kung magigising siya ngayon" sagot ko dito tumango naman sya at naupo sa kabilang side ng kwarto.

Nasa kwarto ako ni mom si Heinz ay hindi ko alam kung nasaan sila dad naman ay nagpaalam dahil may importanteng aasikasuhin, si harvy naman ay nagpapahinga sa kabilang kwarto kasama si lolo.

*katahimikan

"Alam mo kung saan galing ang kapatid mo tama ba ako?" tanong ni chairman napatingin naman ako sakanya at tumango bilang sagot.

"Sa lola mo?para maglabas ng sama ng loob at mag kwento?"muling tanong nito

"Paumanhin chairman hindi ko din ginusto na umalis sya para maglabas ng sama ng loob at abalahin pa si nanay ,Siguro hindi lang kinaya ni Heinz ang mga nangyayari sakanya nitong nakalipas na araw, kilala naman natin ang isang yon chairman, At tanging si nanay lang ang nakakapagpahinahon sa kanya, sating lahat si nanay lang ang nakakakilala ng lubusan kay heinz" paliwanag ko

"Ganon naba ako kasama para umalis pa siya ng bansa at tumungo sa lola mo? para magkwento at maglabas ng hinanakit?" aniya napaiwas naman ako ng tingin

"Hindi ko sinasadya na masabi sakanya ang mga salitang iyon, kahit ako ay mabigat ang nararamdaman dahil sa nangyari, kahit ako ay may sama ng loob saking sarili" wika nito

"Sa pangatlong pagkakataon nasaktan ko nanaman ang damdamin nya, sa pangatlong pagkakataon hindi ko nanaman napahinahon ang sarili ko para kausapin siya ng mahinaho, hindi ko nanaman napakalma ang sarili ko pagdating sakanya" aniya

"Alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyare iyon sakanya ngunit pinagkait kopa sakanya ang katotohanan..
Tatanungin kita ijo, Hindi nyo ba gusto ang buhay nyo? ang binibigay naming magandang buhay para sainyo? saan pa kami nagkulang?" sunod sunod na tanong niya nag-igting ang bagang ko dahil don

"Kilala ko si Heinz sa ilang pagkakataon na nasaktan nyo sya, mapapatawad at mapapatawad nya kayo ngunit asahan nyo na lalayo ang loob nya sainyo, Hindi ko kayo kini-kwestyon o sinisisi ngunit sana alam nyo na unti unti ng bumabalik ulit si Heinz sa dati, Dahil sa nalaman nya, at sa pagkakataon nato ibang iba si Heinz sa nakilala ko ." seryosong wika ko

"Kung ako ang tatanungin nyo, hindi ko gusto ang buhay nato ,para sa kay mom kay harvy at lalong Lalo na kay Heinz chairman, Hindi ko gustong mapahamak sila o malagay ang buhay sa alanganin, Ayokong Makita sila na nanghihina at pagod na pagod sa pakikipaglaban, ayokong nakikita silang nasasaktan Ayokong umabot sa point na kailangang mamili samin ni Heinz kung sino ang ililigtas, Ayokong Makita syang nahihirapan sa mapagdaraanan nya ." wika ko at ikinuyom ang kamao ko sa pagpipigil

"Paumanhin ngunit Kahit ako may sama ng loob sinyo chairman, Hindi nyo dapat sinaktan si Heinz ng ganon, hindi nya deserve ang mga sampal nyo chairman,Hindi nya deserve ang masasakit na salita nyo, dahil una sa lahat kayo ang may kasalanan kung bakit nagging ganto ang buhay nya"wika ko at tumingin ng daretsyo ditto

" Ang buhay namin.Sana tinanong nyo din kami kung gusto namin ang gantong buhay,Sana tinanong nyo din kami kung okay lang ba kami or what sana pinaramdam nyo samin na takot kayong mawala kami pag dumadaan kami sa gera" wika ko at huminga ng malalim

" Malakas si Heinz sa lahat ng larangan, Ngunit natatalo lang sya pag yung inaasahan nyang tutulong sakanya ay sasaktan pa sya, at ta-traydutin. Kayo ang may kasalanan kung bakit naipon lahat ng sama ng loob ni Heinz at kaya sana alam nyo kung pano sya maamuhin..sana kahit minsan lang naiparamdam nyo o naipakita sakanya na hanga kayo sa aking galing niya at sana naiparamdam nyo na proud kayo sa kanya" wika ko at naglakad patungo sa pintuan ngunit bago ko iyon buksan ay...

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now