CHAPTER 79

189 12 1
                                    

KINAUMAGAHAN nagising ako sa malakas na anunsyo na nangga-galing sa sa labas ng aming kwarto.

"GoodMorning Montereal Academy!! today is September 02 and its already 7:30am. Since BER months na Simula ngayong araw The class will start in 9am everyday! ayan ang mga hinihintay nyo ang mahabang pahinga. At alam naman nating lahat na dahil BER months na walang makakalabas ng Montereal hanggang wala pang Christmas break! Wag na nating patagalin pa at Ito ang hinihintay ng lahat! your only request song.." anunsyo nya maya maya pa ay tumugtog ang isang mabagal na kanta na medjo may kalakasan

Playing : I WILL BE HERE

Tomorrow mornin' if you wake up

And the sun does not appear

I...I will be here

Bumangon ako at naupo sa kama habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Lalo na ang mga sinabi ni kean samin. Hindi ko lubos maisip kung sino ang may gawa non. Isa pa bakit nya gagawin ang iligtas sila kean kung kasama sya sa mga naka maskara?Nakapagtataka na gagawin ng isang leader iyon Lalo na't alam nila na kalaban sila Kean.

(FLASHBACK)

"Anong nangyari?" tanong ko

"Kanina Sinabi ni kean sainyo na may papunta sa gawi nyo kaya kailangan namin maghiwaalay para Makita ng maayos.Magkaiba kami ng pwesto ni kean. Ako yung nasa dulo at si kean nandito" Panimula ni lawarence habang pinaglalaruan ang tape na tinanggap sa kamay nito.

"Pumasok ako para kunin ang isa pang radyo na naka-konekta kila dave.Pero bago yon sinenyasan ko muna si kean na papasok ako. Hanggang sa makuha ko na yung radyo. Maya maya pa ay may narinig akong mga yabag ng tao paakyat. Naalala ko si kean kaya lumabas agad ako pero hindi ko na sya nakita" wika nito at tumayo

"Kinuha ko yung dos por dos para may gamit ako sakaling may mangyari. Hanggang makapasok ako sa kwarto nato. May Nakita akong isang imahe kaya akala ko si Kean nilapitan ko ito at laking gulat ko ng may umamba sa likod ko. Tinakpan nya agad ang bibig ko ng tape. Sinubukan kong mang laban pero napaka lakas ng isang yon parang si Drake. Tinalian nya ang kamay ko tsaka paa. Tsaka binuhat at itinabi kay kean."

"Pero nakapagtataka ng patahimikin nya kami at itago ng naramdaman namin na may paparating dito. Nakiramdam kami sa gagawin nya at ganon nalang pagtataka namin ng iharang nya samin itong table nato." wika ni lawrence at inupuan ang table na tinutukoy nya

Kusang nagsalubong ang mga kilay ko ng marinig ko ang sinabi nilang dalawa. Kahit ako ay nagtataka ng makita ang isang yon dito. Kung naka maskara ito katulad ng iba ay baka isipin ko na parte ito ng GPower 10.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Ian

"Ganon din yung unang ginawa nya sakin. Tinakpan nya ang bibig ko at pinatahimik nung may mga tao sa baba.Hindi sya umalis dito hanggang sa hindi nakakalampas ang mga bata nila zake.Hanggang sa dumating si Heinz.Hindi moba sya nakilala?" tanong ni kean saakin

"Anong nangyare?Sinaktan kaba nya?" tanong ni drake.Sinalubong ko ang tingin nya at muling umiwas. Ayokong malaman nya na nagkaharap pa kami ng isang yon.

"Wala"tanging sagot ko at sinenyasan si kean na tumahimik sa pwede nyang sabihin sa tanong ni Drake. "Hindi ko sya nakilala"sagot ko

"Hays!Hindi ko alam pero parang niligtas nya kami sa mga bata ni zake"sagot ni kean

"Ha?"

"Basta! ayon yung ginawa nya alam kong hindi kapani-paniwala pero ayon talaga ang nangyari kanina kaya nawala kami bigla"desididong sagot ni kean

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now