CHAPTER 65

199 8 0
                                    

MAXDRINE'S POVI

Isang gabi nalang bago ilibing si Mom ni hindi ko pa sya kayang tignan na nasa loob ng kabaong, ni hindi ko magawang malapitan kung nasan sya ngayon,Hindi ko kaya...Hindi kopa kaya. Ang tanging pumapasok sa isip ko ay makabawi at bigyang hustisya ang nangyare kay mom,pero pano ko magagawa yon?Ni hindi ako hinahayaang lumabas mag-isa kahit saang parte ng Bahay bantay ako--

"Heinz kumain kana"

Nilingon ko ito habang dala dala ang isang tray na may lamang pagkain

"Busog ako" sagot ko

"Heinz look,simula ng lumabas ka sa ospital hindi kana kumakain, tanging wine lang iniinom mo tsaka yang bisyo mo! alam mo bang pwede kang magkasakit dahil sa ginagawa mo?" seryosong sambit nito nilingon ko ito at kinuha ang pagkain para hindi na humaba ang usapan

"Heinz, alam kong hindi mo padin matanggap ang nangyare ganon din naman kami, pero please i'm begging you kapag Nakita ka ni harvy na ganan ano nalang sa tingin mo ang mangyayari sakanya?"

"Alam ko ang nararamdaman mo at ang gusto mong gawin kahit ako gusto ko na agad silang bawian, pero nangako ako kay mom na hindi ko hahayaan na gawin mo ng magisa ang bagay nayon, Hindi tayo basta-basta gagalaw may plano tayo kasama AEM"

"May plano ako kahit wala ang AEM" sagot ko

"I know pero ang iniisip mo ay hindi pwede, malapit na ang pagkilala hindi ko hahayaan na mabulilyaso yon dahil lang sa gagawin mo, matagal nanating hinihintay yon" aniya at naupo sa tabi ko

"Please Heinz kahit ngayon lang makinig ka sakin,para sakin at kay harvy" aniya at hinalikan ang buhok ko tsaka tumayo

"Nasa designated area na silang lahat, wala kabang balak pumunta don?" tanong niya

"Susunod ako" sagot ko

"Okay" batid kong nakalabas na sya ng kwarto

Narito parin ako sa balkonahe habang pinagmamasdan ang mga taong dumadating, nakita ko rin ang tatlo na magkakasama, masaya ako dahil nagkaayos ayos na sila kahit hindi ko alam kung bakit sila nagkagulo.

"Apo hindi mo kasalanan ang nangyare, mas gugustuhin ng nanay mo na sya nalang ang mapahamak kesa kay harvy"

"Pero kung mas maaga akong dumating hindi mangyayari yon" sagot ko

"Nagkakamali ka, wag mong sisihina ang sarili mo, sa ngayon ang kailangan mong gawin ay maghanda,at hanapin ang taong hinahanap mo"

"Nanay bakit ayaw nyo saking sabihin kung sino?"tanong ko

"Dahil kapag nalaman mo kung sino sya, sigurado akong hindi lang ang history ng samahan natin ang maitatanong mo"------------

"Nagyoyosi ka pala"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at pilit kinukuha ang sigarilyo

"Masama sa katawan to" aniya at inapakan ang yosi

"What---"

"Kamusta ka?"tanong nya at naupo sa tabi ko

"What do you want?"

"Nothing, I just want to know how are you" wika nito at kumuha ng wine

"Tsk, what do you think?" walang buhay na sagot ko

"Look Maxdrine hindi ako pumunta dito para inisin ka or something na makakapag pabadtrip sayo okay? I just want to hear that you're okay, and if you don't please be okay, i'd rather see you with the serious eyes than like this, you've change a lot" aniya

Montereal AcademyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin