CHAPTER 67

205 8 1
                                    

DRAKE'S POV

Panibagong araw nanaman para saming lahat at unang araw to na magkakasama nanaman kaming tatlo ganon din ang mga kasamahan namin ang iba ay nagugulat sa nakikita nila ang iba naman ay masaya pero ang iba ay takot,bakit? kase buo nanaman ang samahan namin at ayon ang pinaka malaking bagay na kinakatakutan nila.

"Goodmorning" bati sakin ng isang babae at binigyan ako ng isang maliit na papel ganon din sila Nathan at Ian

"Pasensya na napagutusan lang ako" aniya at mabilis umalis

"Para san naman to?" tanong ni Ian

"Goodmorning masaya akong magkakasama muli kayo nakakatakot naman Enjoy your day" ayon ang nakasulat sa papel ang weird lang ng nakasulat

"Goodmorning mag-ingat ka" wika ni Ian

"Goodmorning mag-iingat Kadin, ingatan mo sila" wika ni nathan

"Anong ibig sabihin nito?" bulong ni Ian

"Pagbati ba'to or pananakot?" tanong ni nathan "Ang weird na nila ha tara na nga" aniya at naglakad

Ako?Pinakikiramdaman ko ang mga taong nasa paligid ko hindi na ito bago sakin pero masama ang kutob ko dito, hindi ito basta pagbati alam ko yon.

"Isa sa mga nagpapanggap na estudyante sa Montereal ay kabilang sa pinadala nilang spy"

"Kita sa galaw ng tao kung may bak itong masama o Mabuti mag masid ka at tumingin sa paligid mo kilalanin mo ang taong lumalandi at umaaligid sayo"

"Ngayon naiintindihan kona---"

"Uy! Drake!" sigaw ni Gab na kakarating lang kasama si kean

"Bakit kaba nasigaw?" tanong ko at naglakad

"Nasan sila Ian at Nathan?" tanong nya habang nakabuntot sakin

"Hindi ko alam--"

"Sagutin mo nalang drake" singit ni Kean

"Hindi ko nga alam" sagot ko

"A-ah Ayun oh"

"Nathan!Ian!" tawag ni Gab

Ang ingay nya talaga bagay silang dalawa ni Kean

"Alam mo bagay kayo ni Gab parehas kayong maingay" bulong ko kay kean

"Ang sama talaga ng ugali mo che!" aniya at sinundan si Gab

"Bakit may nangyari ba?" agad na tanong ni Nathan

"Wala naman"

"So bakit mo kami tinatawag?" tanong ni Ian

"Ah birthday kase ni Heinz ngayon---"

"HA!?" gulat na tanong ng dalawa

"Hatdog! oo nga so birthday ni Heinz ngayon eh ang gusto ni hxian pumunta kayo para mamaya isama nyo nadin mga kaibigan nyo para madami tayo" aniya

"Hays, bakit ngayon mo lang sinabi samin? pano kami makakabili nan ng regalo?" wika ni ian

"Alam mo bang ngayon ang birthday ni Maxdrine?" tanong ko kay kean

"Oo sinabi nya sakin kagabi bakit?"

"Bakit hindi mo agad sinabi sakin ha?"tanong ko

"Ah-eh--aray!" sigaw nya ng pingutin ko sya

"Drake sorry na!"

"Aray!"

"Wag mo ngang saktan yan" singit ni gab at tinanggal ang kamay ko sa tenga ni kean

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now