CHAPTER 80

135 11 4
                                    

AUTHOR'S NOTE!

"Hi readers!! I just want you to know that MONTEREAL ACADEMY will be end soon. Kahit mahirap bitawan ang story na ito ay kailangan ko po for my new STORY. Don't worry alam ko namang magugustuhan nyo ang Story nayon. READERS LISTEN UP! i need your help! 112k reads naman na tayo so alam ko na matutulungan nyo ako. Now how can you help me? Easy lang! I need 1k followers and 3weeks lang ang ibinigay nila sakin. So please! I'm begging you to FOLLOW me and VOTE. As my readers narin po. I badly need lang talaga. Sa lahat ng mag FO-FOLLOW thankyou! i Hope na matulungan nyo ako SALAMAT! HAPPY READING!!!"

-

LUNCH na ng makalabas kami sa Classroom.Gustuhin ko man umalis para hanapin ang mga sobreng tinutukoy ng kapatid ni Sarmiento, ngunit hindi ko maiwan si Gab. Masama ang pakiramdam ko simula pa kaninang umaga ng magkaharap kami ng grupo nila Zake.Hindi ako mapanatag. Alam kong may pwedeng manyari.

"Ayos ka lang ba?"tanong ni Drake habang naglalakad kami

"Oo. Medjo masama lang pakiramdam ko"sagot ko

"Samahan kita sa clinic"

"Hindi na"

"Maxdrine" pinigilan nya akong maglakad tsaka hinarap "Anong nangyari kanina?" nakipag titigan ako sakanya at nagpakawala ng malalim na hininga. Nilingon ko ang mga kasama namin na malayo na. Tsaka muling humarap kay Drake

"Something will happen, I have a bad feeling about it"wika ko agad namang nagbago ang emosyon ni Drake

"About what?"

"Naaalala mo si Sarmiento? Yung pinatay"

"What about it?"

Bago pa man ako magsalita ay may nag anunsyo muli.

"Maganda Araw Montereal Academy. Inaanyayaan ang lahat para mamaya sa isang pagtitipon ng mga estudyante upang malaman ng lahat ang mangyayari sa pang araw-araw nating Gawain. Ang lahat ay inaasahan na naroon. Alam nyo ang patakaran natin. Magkita kita tayo alas dos ng hapon. Binago na namin ang oras. Uulitin ko Alas dos ng hapon" anunsyo nito

Sakto pwede ko ng hanapin ang mga sobreng tinutukoy ng kapatid ni Sarmiento.

"Maxdrine?"

"Sumama ka sakin" agad kong hinila si Drake, sinalubong namin ang mga estudyante na patungo sa canteen at sa iba pang silid. Hindi ko ininda ang pagkahawak ng kamay ko kay drake lalo na ang mga estudyanteng nakatingin samin. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa Dorm. Pinapasok ko sya at siniguradong walang nakakita samin, bago ko isarado ang pinto.

"Anong gagawin natin dito?"pagtatakang tanong nito

"Tulungan mokong mahanap yung tinutukoy nyang sobre"wika ko at binuksan ang mga drawer na pinaglalagyan ko ng sobre.Inilapag ko ang mga yon at naupo. Napansin ko namang nakatingin lang sakin si Drake "Ano pang hinihintay mo?"tanong ko

"Sorry. Nabigla lang ako sa dami ng Death Threat na meron ka" aniya at nagsimula ng tumulong sa paghahanap.

"Kulay Pulang sobre at may asul na sobre pa sa loob. May guhit din itong ibon" paliwanag ko sakanya.

Halos daan-daan ang sobre na ito. Iba't iba ang kulay. Pero kahit ganon ay hindi ko pinagtuunan ng pansin ang basahin ito isa isa. Halos magkakaparehas lamang ng laman. Hindi bago kung tatakutin ako sa note nayon.Kaya inipon ko nalang.

Sa aming paghahanap ay agad agad akong nakakita ng kulay asul na sobre,hindi ko muna ito binasa at muling naghanap. Kung paulit-ulit niya akong pinadadalhan ay possible na magkakasunod ang mga laman nito. Magkakasunod ang pangyayari

Montereal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon