CHAPTER 66

211 6 1
                                    

HXIAN'S POV

Matapos ilibing si Mom hindi kona nakita ang presenya ni Heinz sa buong Bahay, nihindi nya din tinapos ang misa sa simenteryo at bigla nalang nawala, Hindi ko naman sya masisisi sa kinikilos nya dahil halos idiin nya sakanyang sarili na sya ang may kasalanan kaya nangyari ang bagay nayon---

"Hyung?"

"Oh Harvy? anong ginagawa mo dito? Dapat nagpapahinga kana sa kwarto mo" wika ko ng Makita ko ito

"Si Noona? nasan sya?" tanong nito lumuhod naman ako para mapantayan sya

"Ah si Heinz? Nagpapahinga lang sya" sagot ko

"Saan?"

"Hindi ko alam pero baka sa maganda at mapayapang lugar sya pumunta para walang makaabala sa pagpapahinga nya" wika ko

"Hmm ganon ba? sige hyung magpapahinga din ako--- ikaw din ha!?"

"Oo sige na umakyat kana" utos ko

"Bye Kuya!" aniya at mabilis na umakyat sa kwarto

"Tama ang kapatid mo, you should rest"

"Lolo"

"Hxian alam kong pagod ka, kaya dapat nagpapahinga kana kailangan mong magpalakas para sa dalawa mong kapatid" aniya at naupo

"Si Heinz? Nakita mona ba sya?" tanong nito

"Hindi pa lolo pero kilala naman natin ang isang yon baka pumunta lang sya sa mataas na lugar para magpahinga, kinausap ko na sya kaya wala tayong dapat ipagalala" sagot ko

"Hays, ang batang iyon talaga"

"Ah lolo?" tawag ko nilingon nya naman ako

"Birthday na bukas ni Heinz" wika ko

"Alam ko ijo--- Hinding hindi ko makakalimutan ang kaarawan ng batang yon" sagot nito

"At sa isang araw na ang pagkilala"

"Sa tingin mo ijo? sa kalagayan nya ngayon makakapunta kaya sya sa seremenyas?" tanong nito

"Sa tingin ko naman hindi nya tayo bibiguin kilala ko ang isang yon, isa pa kailangan nya talagang pumunta sa araw nayon dahil isa yon sa pinakamahalagang bagay na magaganap sa buhay nating lahat" sagot ko

"Tama ka sana nga ay makadalo sya, nga pala imbitahan mo lahat ng kaibigan ni Heinz bukas magluto kayo ng mga pag-kain paghandaan nyo iyon" aniya

"Masusunod po lolo"

"Isa pa dapat lahat ng yon ay paborito ng apo ko, para sa ganong paraan naman ay makabawi ako sakanya" pahabol nito

"Paano maiwan na kita may kailangan pakong gawin tsaka kailangan kong puntahan ang nanay nyo" aniya

"Sige po" wika ko bago sya tumalikod

Bukas ay 19th Birthday na ni Heinz August 28 at sa susunod na araw ay ang pagkilala Iniisip ko palang ang araw nayon ay halo-halong emosyon na ang mararamdaman ko, may galit dahil bakit kailangan sya pa ang maghirap para don, may pangamba dahil sa pwedeng mangyari , may saya dahil sya ang kikilalain sa lahat at kung ano- ano pa.

Napapaisip ako sa kaya ngang gawin, sigurado akong hindi nya papalampasin ang nangyare kay Mom, hindi nga hahayaan na magpagala gala nalang ng parang normal na tao ang mga gawa non, may kapangyarihan na sya at pwede ng matupad ang gusto nya kahit hindi nya ipaalam samin, Kaya nya ng gawin lahat kahit napakadelikado nito.

"Nakita mona ba ang kapatid mo apo?" tanong ni lola na pababa ng hagdan kaya nilapitan ko ito para alalayan

"Hindi kopa ho nakikita si Heinz" sagot ko

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now