CHAPTER 76

127 6 0
                                    

MAXDRINE'S POV

UMAGA na ng magising ako sa katok na nang gagaling sa pintuan. Tinignan ko ang orasan at napabalikwas ng Makita ang oras.Nagsalamin muna ako bago buksan ang pinto.Saktong pagbukas ko ay muli syang kumatok pero napigilan din.Masama ang tingin nya sakin.

"Good Morning" bati ko

"Good Morning"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at iginala ang paningin sa paligid.Walang tao "Nasan sila?"

"Ano bang ginawa mo kagabi at parang Puyat na Puyat ka?"nakapamewang na tanong ni Gab

Napaiwas ako ng tingin habang inaalala ang mga nangyare kagabi.

"Tell me Heinz.Anong nangyare?"

(Flashback)

Sa gitna ng paghahap namin ng mga bagay na pinapahanap saamin ay bigla nalang nag-ingay ang buong paligid. Puro naghihiyawan at nag kani-kaniyang takbo.Halos madapa na nga ang iba.Isang putok kasi ng baril ang umalingaw ngaw sa buong paligid.Agad na hinanap ng aking paningin sina Gab kasama ang iba pa. Pero bigo akong Makita ang mga ito.

"Nakita mo si Gab?" pagharang ko kay nico

"Hindi"

"Si mia?"

"Hindi din!"

"Sige" sagot ko at mabilis na tumakbo mula sa pwedeng pang-galingan ng putok nayon. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit lamang iyon saamin.

"Gab!!!" sigaw ko hanggang sa mapadpad ako sa isang balon.Hindi ko ito namalayan. Hindi kase ito katulad ng ibang balon,sa sobrang lawak nito at para itong isang pababang daan na malalim. May isang puno ito sa gitna at batid kong may tao.Napansin ko din ang isang bala na nakakalat lang.

Tama ako,dito nga nanggaling

Nagdahan dahan akong lumapit don hanggang sa lumabas ang nasa tatlong lalake, ang iba ay hindi ko kilala, tanging si Zake lang ang namumukaan ko.Kasama nila si Alex.

"Hi there, Heinz" maarteng bati ni Alex na halos maging ahas sa pagkakayakap kay zake

Pinatulan sya ni Drake?grabe

"Hi" nakangiting bati ni Zake. Katabi nito ang isang lalaki na may katangkaran at laki ng katawan samantalang ang isa ay katabi naman ni Alex.

Hindi ko alam kung sino ang mga ito.Pero batid kong sila ang may pakana ng pagputok na iyon.

"First of all I want to introduce to you this guys" pagtutukoy ni zake sa kasama "This is Justine Solmayor, 6th place" pakilala nito sa lalaking katabi. Hindi ko agad namukaan ang isang yon noong huling pagkikita kasi namin ay masyadong madilim ang paligid kaya hindi ko siya masyadong Nakita. "And this is Alejandro Mapalad, 8th place" Lumaki ang ngisi nito sakin habang masama ang tingin.

Sila ang nasa pwesto. Kabilang sila sa GPower 10.

"What do you want?" tanong ko

"Well that's a good question Heinz" wika ni Zake at tinanggal ang isang botones ng polong suot bago seryosong tumingin saakin "What we want is you" aniya

"Pinagulo mo ang Montereal, Ikaw ang kauna unahang babae na naglakas loob na kalabanin ang lahat---ah hindi pala,may nauna pala sayo.Pero mas grabe ang ginawa nila at hindi narin ako magtataka kung gagawin mo ang ginawa nya noon" panimula nito

"Sa sobrang seryoso ng ginawala nila,halos binalot na ng takot ang Montereal"

" Batid kong hindi mo pa alam ang mga nangyari sa Montereal. At hindi ko naman sasabihin sayo dahil hindi ko naman obligasyon na mag kwento."

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now