SPECIAL CHAPTER

184 6 1
                                    

First Day of School in Montereal

Habang naglalakad ako papasok ng Main Building ay napansin ko ang kagandahan ng Montereal Academy. Sobrang lawak nito. May medjo malaking field sa gitna pagpasok mo palang ng academy.Nasa dalawang gilid non ang Parking. Meron ding dalawang building na second floor sa magkabilang gilid nito at mga batang nakikipag usap sa kapwa nila. Kung hindi ako magtataka ay isang itong elementarya. Isa pang malaking gate paglampas ng field.

GATE 1

Nang makapasok kami sa gate nayon ay bumungad samin ang isa pang malaking field ngunit batid kong mas maliki ito kumpara sa nauna. Pinag gigitnaan ito ng malalaking buildings at mga facilities. Sa bandang kanan ko ay dalawang malaking kulay blue na building hindi ko alam kung ano ang building nayon ngunit pansin ko na doon lumalabas ang ibang mga estudyante.

Sa gilid ng field ay makikita mo ang isang Caferteria na kahilera ng dalawa pag malalaking building. Kapag nalampasan mo ang field ay mararating mo ang naglalakihang hall ng Montereal. Tatlo ito at sa tingin ko ay ang pinakamalaking hall na nasa gitna ay isang Convention Hall. Ang nasa kanan nito ay Gym at nasa kaliwa naman ay facilities. Sa gilid ng gym ay may malaking espasyo na pwedeng madaanan ng dalawang sasakyan.

"Wow grabe ang ganda ng Montereal"namamanghang wika ni Gab

At kapag nalampasan mo ito ay bubungad sayo ang mahaba ay malaking building sa likod ng hall na dumudugsong sa dalawang building sa gilid ng field. Maganda ang pagkaka ayos nito at ang disenyo. Pa L-Type ang building nayon.Pero may daan padin sa baba.

GATE 2

Sa likod ng building nayon ay matatagpuan pa ang isa pang malaking gate.Gate 2 ang nakalagay don. Ngunit nakakapagtaka dahil ito lang ang natatanging sarado na gate at napansin ko din na may dalawang building sa loob non at isa pang medjo maliit na field. Hindi ko alam kung anong rason ang meron don kaya nakasarado.

-

Pumasok kami sa isang kwarto at agad kong napansin ang pangalan nito sa table saaming harapan.

Kung ganon makakaharap kong muli ang Chairman ng Montereal?

Maya maya pa ay agad pumasok ang isang lalaki na medjo may katangkaran.Naka suot ito ng Fedora hat na kulay itim at may baston na hawak hawak. Naka itim itong suit at Longsleeve na puti sa loob. Agad syang ngumiti saamin ng kami ay kaniyang Makita.

"Magandang Umaga pamilyang Zamonte"bati nito at nakipag kamay saamin. At maganda syang ngumiti saakin ng ako na ang kaniyang kakamayan. "You are???" pagtutukoy nito kay gab

"I'm Gab po. Gabriella Santos" Pagpapakilala nito

"Maupo kayo" aniya

"Maganda pala ang inyong paaralan Chairman" wika ni dad

"Maraming Salamat. Medjo iba na nga ang kulay ng mga pasilyo dahil hindi na muling naaayos.Maiba ako ang dalawang anak mo ba ang papasok dito?" tanong nito

"Hindi. Si Heinz lamang ang papasok dito at si Gab dahil si Hxian ay tapos na ng Kolehiyo.Natatrabaho sya sa kompanya"paliwanag ni dad

"Ganon ba? Nakakatuwa naman. Ano nga ulit ang iyong grado ija?"tanong nito sakin. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha halos wala itong bakas ng pagtanda. Hindi mo mahahalata na may edad na ito. Hindi katulad ni Chairman.

"College Civil Engineer"sagot ko

"Civil Engineer din ang kinuha ng aking apo" nakangiting sagot nya

Madami pa silang pinag usapan nila Dad tungkol sa Montereal at kung saan saan pa.Hindi na ako mapakali dahil sa pagkainip. Siguro ay napapansin iyon ni Kuya kaya sinenyasan nya ako kaya inilingan ko sya para malaman nya na hindi ako Okay. Maya maya pa ay nagbago ang usapan ni Dad at Chairman.

Montereal AcademyWhere stories live. Discover now