❤Chapter 1❤

547 48 6
                                    

DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, Characters, places and events are either the product of authors imagination or used in fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, events and places is purely coincidental.

----------

Alie's  POV

"Class Dismissed!" Yes! Sa wa-- "Miss Sandoval maiwan ka." T_T jusko naman

"Sir? Bakit po?" Kinakabahan ako, huhu ang sungit pa naman nito. Wala naman akong maalalang ginawa ko na pwedeng dahilan para ipaiwan ako

"Please sit down" sit down daw kaya naupo naman ako, alangan naman sit down tapos humiga ako, diba? "kamusta naman ang tulog mo?" O to the M to the G! OMG! Nakita niya pala ko hihi. Sorry naman sir!

"Ah eh si-sir" eh kasi naman di ako nakatulog ng maayos kagabi kaya ayan puyat tuloy si ako. "Sorry sir puyat lang po" nakayukong sabit ko, tsk kung makapag reklamo naman to, e hindi lang naman klase niya ang tinulugan ko! Tsaka siya naman ang dahilan kung bakit ako napuyat! Kaya hindi siya dapat mag reklamo!

"Hmn, next time that I caught you sleeping in my class I'll call your parents! Understand?" tumungo naman ako bilang sagot

"By the way, ikaw ang napiling candidate ni ms. Anne para sa gaganaping ms. LU para sa klase nyo" eh? Si ms. Anne? Siya yung teacher namin sa Biology. Bakit naman Siya ang namili?

"Sir? Bakit naman po si ms. Anne ang namili?" Siya tong adviser namin! Kahit kelan talaga!

"May problema ba?" Bored na tanong nito at nag ayos na ng gamit . ano? Iiwan niya ko mag isa dito? Nagtatanong lang naman ako!

"Wala naman po. Pe-" bastos na teacher to! Di man lang ako pinatapos. Hmp!

"Walang pero pero. You may go ms. Sandoval" Sabi pa nito at tuluyan na talagang umalis. Bwesit na lalaking to! Hindi man lang ako tinanong kung okey lang sakin!? Argh!! Tristan Kurt Ashton Lee! Nakakabwesit ka talaga!

Lumabas na ko ng room dahil madilim na rin sa labas. 6:30pm kasi ang tapos ng klase ko at kamalasan na siya pa ang last subject namin.

Nagsimula ng maubos ang estudyante sa loob ng LU dahil pag dating ng 8 sinasara na ang school, maliban pa dun sa likod na parte may dorm para sa mga scholars.

Habang naglalakad ako unti unti akong nakakaramdam ng antok. Hayst, ito ang mahirap kapag hindi ka sanay mag puyat. Mabuti nalang at walking distance lang ang subdivision namin mula sa school.

" andito na po ako!" Sigaw ko ng makapasok ako sa  bahay. hinubad ko na ang aking sapatos at dumaretso sa kwarto ko. Wala akong narinig na sumagot

Nagbihis muna ko bago dumapa sa kama ko. "Oh my baby na miss kita" parang baliw na kausap ko sa kama. Inaantok talaga ko

Nangmaramdaman kong malapit na kong mahimbing ng bigla nalang akong nagising dahil sa isang si- "alie hija, bumaba ka daw sabi ni Kurt" sigaw ni nanay beth

"Wala akong gana nay, pakisabi nalang ho!" Sigaw ko naman pabalik. Argh!  Bwesit na lalaking yun!

Pinili ko namang pumikit ulit para makatulog na talaga. Ngunit tila nawala nalang bigla ang antok ko. Hayst. Kasi naman e! Napaka epal talaga ng lalaking to, kahit kelan!

Kinuha ko ang bag ko ng maalala kong may binigay nga pala sakin ang isa sa mga kaklase ko kanina. Agad akong bumango at kinuha ito

Hmm? Slam book? Uso pa ba to? Oh well sasagutan ko nalang. Wala namang mawawala kung sasagutan ko ito hindi ba? Bahala siya mag antay sa baba! Hmp!


PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now