EPILOGUE ❤

156 17 2
                                    

This is it pansit! Huehue. Before you proceed I want to say Thank You for Supporting this story Until the End. Thank you, thank you very muuuuch. ❤😘

Votes and Comments are Highly Appreciate 💞

Bare with me Readers. Mhuaw.

Enjoy Reading!

******************************************************




Walang perpektong tao. Same as our lives. Walang perpekto. Ikaw, ako o kahit pa ang pinakamayamang tao na nabubuhay sa mundo. Sabi nga, nilalang ng Diyos ang bawat tao na pantay pantay. Hindi man perpekto ang buhay na natatamo mo, matuto nalang tayong i-appreciate kung ano ang meron tayo.

Imagination is always better than Reality. Sobrang sakit kapag na ranasahan mo na ang sinasabi nilang 'reality hits you'. Kaya kung minsan, mahirap  mabuhay sa isang imahinasyon lang. Hindi mo kasi alam kung kelan ka tatamaan ng 'reality' o kung tatama pa ba siya sayo

Pero kagaya nga ng nabasa ko sa isang libro "every story has it own Happy ending" hindi man ngayon, bukas, O sa susunod na araw, siguro... Hindi pa lang ito ang kataposan.. Siguro, may mas maganda pang plano na nakalaan para rito.

Ending is just a new beginning...


But for me...


You can not called it Ending not Until It called Happy Ending...


"Mom? Magkapatid po ba talaga sila?" Sa isang King Size Bed ay nakaupo ako at ang mga ako habang ako'y kanilang napapagitnaan


"Hmm.. Yes.. And that is another story Son" hinalikan ko ito sa noo ganun rin ang kapatid nito na kanina pa tahimik. Nilingon ko ito at nakitang ito'y nahihimbing na


Tumayo na ako ng maiayos na ng higa si Ashley "Good night sweetie" muli ay hinalikan ko sila sa noo

Pipihitin ko na sana ang hawakan ng pinto ng muli  pang magsalita ang anak kong lalaki "But mom.. Hindi mo pa po kinukwento ang Ending. I am Curious"

Nilingon ko ito. Nakaayos na ito ng higa na tila ba handa na upang matulog. Naglakad ako papalapit rito at naupo sa gilid nito. Dahan dahan kong inilandas sa napakagandang mga mata nito ang aking palad upang ito'y pumikit bago mag salita

"It's not yet the Ending sweetie.. The story just beggan." Marahang bulong ko rito "Now, sleep tight my love."

-----

"Hey, Are you okey?" Napatingin ako rito

"Yeah, of course" matipid akong ngumiti rito. Binigyan naman ako nito ng matang mapanuri na tila ba sinusuri kung nag sasabi ako ng totoo

"Don't look at me like that" ngunit ibis na tumigil ay tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa bago ngumisi

"Ashton!" I exclaimed.

"What?" Bakas pa rin ang ngisi sa mga labi nito

"Anong What! Tigilan mo nga ako!" Sigaw ko pa rito ngunit hindi man lamang ito natinag ni katiting

"Your so cute wife! HAHA!" Hindi ko na ito pinansin at inawan na ito sa Balcony ng aming Kwarto

-----

"Where are we going Ash" Tanong ko rito habang inaayos ang pag kakakabit ng Seat belt

Si Ash ang nagmamaneho habang ako naman ang nasa passenger seat. Tahimik naman sa likuran na nakaupo ang kambal habang merong sarisariling mundo. Si Ashley na hawak ang iPod nito. At Si Samuel na iba nanaman ang hawak na libro. Ilang libro ba ang kayang taposin ng anak kong to sa loob ng isang araw? Isa? Tatlo? Lima? Siguro ay higit pa. Sa sobrang talino nito ay natatakot na nga akong baka mabaliw ito. You know? Sabi nila kapag sobrang talino daw ay nakakabaliw. Buti nalang talaga huehue

Nilingon muna ako nito at nginitian bago mag salita na nasa daan nakatingin ang mga mata "we'll just visit someone" hindi na ako sumagot pa. Namutawi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Nakakalunod ang katahimikan

Ilang minuto pa ang tinagal ng aming bayahe bago makarating sa aming distinasyon. Kung tahimik na sa loob ng aming sasakyan, ay hindi ko na alam kung paano ko pa ilalarawan ang katahimikan pag labas ko ng kotse.

Nang makalabas kami ng sasakyan ay malamig na simoy ng hangin ang agad na sumalubong sa aming katawan dahilan ng pagyakap namin sa aming katawan. Sinilip ko ang aking mga anak na nasa bandang likuran lamang namin ni Ash at mga seryoso lang nakatingin sa unahan. Hindi ko na lamang ito pinansin at hinawakan na ang mga kamay nito upang mag simula ng maglakad

Huminto kami sa isang lapida. Matagal tagal na rin simula ng huli kaming bumisita rito. Ilang buwan na ba? Lima? Ang dapat ay masayang araw para sa kambal ay nauwi sa kagimbal gimbal na pangyayari

"Kamusta kana? Ayos ka lang ba jan? Siguro ay kasama mo na si Mommy and Daddy. Ikamusta mo ko sa kanila a. Pero paki sabi ring wag na silang mag abala na dalawin ako." Umupo ako sa harapan ng lapida nito habang marahang hinahaplos ang pangalan nitong nakaukit roon

"Pasensya na kung ngayon lang kami naka dalaw sayo. Masyado mo kasi kaming binigla. Ako specially." Ramdam ko ng umiinit ang gilid gilid ng aking mga mata senyales na ano mang oras ay maari na akong mapaluha

"Sino ba namang hindi mabibigla hindi ba? May isang babae lang naman ang sumulpot sa birthday party ng mga ako pag ka tapos ay nagpakilala kakambal ko?" Tumawa pa ako kahit ramdam ko na ang pamamasa ng aking mga pisngi

"Alam nang diyos na hindi ka pa man humihingi ng tawad ay ibinigay ko na ito sa iyo." Naalala ko pa ang mga sinabi nito

"Sorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko Alie. Sana mapatawad mo ko. Mas gugustuhin kong ako nalang ang manakit sayo kesa ang ibang tao"

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maisip ng mga oras na yun. Tila ba nagbababala ka o something na may pinapahiwatig. Noong una ay hindi pa kita maintindihan" pinunasan ko ang ilang takas na luha bago huminga ng malalim at muling magsalita

"Tila ba kinapos ako ng hininga sa mga sumunod na nangyari " napatingin ako sa langit na nagsisimula ng magdilim " muli, may pumasok na babae. To my surprise, It's Aylyn. Sobrang tagal na simula ng huli kaming magkita." Napangiti nalang ako ng mapait

"Hindi lang yun,mas lalo akong nagulat ng itutok nito ang bunganga ng baril sa direksyon ko. Tila ba ang takot ay nabuhay sa aking katawang lupa at sinimulan na akong kainin. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata." Tuloy tuloy na luha na ang pumapatak sa aking mga mata

"Hindi lang Isa. Dalawa. Kundi tatlong pag baril ang aking narinig. Dahan dahang minulat ko ang aking mga mata na may kabang nananalantay sa aking katawan. Nilibot ko ang aking paningin. Tila ba huminto sa pag ikot ang mundo dahil sa tatlong katawan na naka hilata sa sahig na naliligo sa sarili nilang mga dugo."

"Aylyn... She's now in the Mental Hospital. Nagiguilty ako dahil alam kong sobrang mahal lang nito si Ash kaya ito nag ka ganun."

"Z... Hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Sabi ng doktor wala daw kasiguraduhan kung magigising paba ito"

"Si AA naman. Wag kang mag alala, nasa pangangalaga ito nila Kuya Symon at Vell. Masasabi kong nasa mabuting kamay ang anak mo." Ramdam ko na ang unti unting pag patak ng mga butil ng ulan lulan ng aking balat. Umiiyak ka rin ba?

"Wife lets go" nasa sasakyan na ang aming mga anak. Habang si Ash ay ito, may hawak na payong at inaantay ako

Sa huling pagkakataon. Muli kong sinulyapan ang kanyang lapida. Ang daya mo, hindi man lang tayo nakapag bonding

"Rest in Peace my Twin.  Rest in Peace Allyson Cassandra Mitchell Costa." Ito ang huling mga salitang aking binitawan bago tumalikod at maglakad palayo sa puntod nito.

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now