chapter 25

100 16 0
                                    

*****Chapter XXV*****

"Z" sigaw ko ng makita itong nanonood sa mga nag tetraining, akma na sana akong tatakbo palapit dito para bigyan ito ng isang yakap ng hawakan ni Ash ang kamay ko

Nilingon ko ito, nagpabalik balik ang aking tingi sa kamay nitong nakahawak sa aking braso at sa malalalim nitong tingin

Agad na nangunot ang noo ko ng wala atang balak bitiwan nito ang aking braso. Anong problema nito?

"Ahem" nabaling ang tingin ko sa tumikhim sa aking tabi. Nakalapit na pala samin si Z, hindi ko man lang napansin ang pag lapit nito

Nang ibalik ko ang tingin kay Ash ay wala na sakin ang mga titig nito, sinundan ko ito ng tingin at nakitang parang nagpapatayan na si Ash at Z sa kanilang mga tingin sa isa't isa

"Ah eh Z, ano kasi, sabi ni Dad ikaw daw magsasabi ng una kong misyon" tila naman natauhan ito ng magsalita ako. Ano bang meron?

"Ah yeah, follow me" tumanango lang ako dito dahil muli nanaman akong hinapit ni Ash sa bewang

"Pupunta tayong bulacan tomorrow, at nandoon ang unang misyon mo" sabi nito habang patuloy pa rin kaming nag lalakad

Bukas agad? Parang ang bilis naman ata? E ilang araw palang akong nagtetraining. Pero kahit ganun na eexcite pa din ako hihi

"May kikitaing investor ang Costa Group sa Bulacan at kailangan nating pigilan yun" napahinto ako ng marinig ang pagbanggit nito sa nasabing Grupo

"Allyson Cassandra Mitchell Costa" wala sa sariling bigkas ko, ng lingunin ko ang aking mga kasama ay tila nakakita ito ng multo

"Eyy! Guys?" Sabi ko habang kinakaway pa ang aking mga kamay sa kanilang mukha

Unang nakabalik sa wisyo ay syempre the one and only, ang gwapong asawa. Sinundan naman ito ni Z na sinundan pa ng iba

"A-anong sa-sabi mo Alie? Pe-pwede bang paki ulit?" Putol pulot na ani ni Vell. Nagtataka man ako ay muli kong inulit ang aking binanggit

"Saan mo nakuha ang pangalang yan?" Seryosong tanong ni Kuya Symon, kaya natakot naman daw si ako

"Ano kasi kuya, bumili ako ng cake kanina dun sa malapit na Cafe sa bahay nila Ash tapos may lalaking tinawag ako sa pangalang Ally, akala ko naman ako kasi nga diba Alie din ang pangalan ko tapos binanggit niya yang pangalan na yan. Ewan ko ba. Pero sabi na nga ba e, kaya pala parang pamilyar yung pangalan dahil kalaban natin yung tinatawag niyang Ally" mahaba habang litanya ko pa sa mga ito with matching hand gesture pa

"Hmm?" Nilingon ko si Ash pero walang emosyon ang mababakas sa mukha nito

Ano bang problema nila? Kanina pa ah!

"Bakit?" Tanong ko sa mga ito pero nginitian lang nila ko

"Ito na pala yung kwarto na gagamitin mo AL" pumasok kami sa loob at isa itong malaki, as in malaking kwarto na kulay green

"Si Drew ang nagrequest na kulay green nalang imbis na pink" yiieeee ang sweet naman talaga ng kuya kong yun. Swerte ng magiging girlfriend nun. Apply kayo?

"Magpahinga kana, maaga tayong aalis bukas" sabi pa ni Ash bago ako halikan sa noo at naunang lumabas ng kwarto na siya namang sinundan ng mga kasamahan

Inilibot ko pa ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto ko daw, meron itong king sized bed, at isang mahabang sofa, isama mo na rin ang malaking flat screen tv na nasa harapan ng kama

Agad akong pumasok ng banyo  upang maglinis na ng katawan, meron namang ilang damit dito kaya nag palit na ako ng simpleng manipis na shirt na pink at cycling din na pink

Nang makalabas ay agad akong humiga sa malawak na puting kama, kailangan ko ng matulog dahil gaya nga ng sabi ni Ash ay maaga pa kami bukas

Umayos na ako ng higa at ipinikit na ang aking dalawang mata. Alangan namang matulog ka ng isang mata lang ang nakapikit at ang isa ay dilat na dilat

Nang malapit na akong makatulog ay bigla na lamang tumunog ang aking cellphone, agad ko itong kinapa dahil naka pikit pa rin ang aking mata

Napakunot ang aking noo ng makita ang message na natanggap

From:Unknown

Soon.
       -ACMC

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now