Chapter 30

94 16 0
                                    

******XXX*****

3rd Person POV

Isang Madilim na umaga ang tatambad sa iyong paningin kung titignan ang kalangitan

'Uulan'

Ang nasa isip ng bawat isa. Kaya naman kanya kanya ng takbo ang mga tao upang makarating lang sa kanilang mga tahanan bago pa bumuhos ang malakas na ulan

"Excuse me, Did you see my Mommy?" Naiiyak na tanong ng batang babae sa naka salubong nitong dalaga na agad din namang umiling sa kanya at siya'y nilampasan. Bawat taong kanyang nakakasalubong ay walang sawa niyang tinatanong ngunit parepareho lang ang mga nagiging sagot ng mga ito

"Nah"

Nag patuloy lang sa pag tatanong ang batang babae at hindi rin nagtagal ay tuluyan na ngang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Isama mo pa ang malakas na pag kulog na lalong nag paiyak sa bata

"Mommyyyyy!" Sigaw nito sa gitna ng daan ngunit wala pa ring sumagot. Napaupo nalang ito at nag patuloy sa pag iyak hanggang sa mag isa na lamang siya sa daan

Nahiwalay ang batang ito sa kanyang ina't kapatid habang namamasyal sa isang parke kung saan merong kasiyahang nagaganap. Sa dami ng taong nanood sa kasiyahan ay bigla nalamang itong napahiwalay ng hawak sa kamay ng kapatid

Patuloy sa pagbagsak ang mga patak ng ulan sa batang babae na naka upo sa gitna ng daan. Makikita na nanginginig na ito dahil na rin siguro sa lamig at takot. Patuloy lang ang pag labas ng mga malalakas na kulog na nakadagdag kung bakit nangangatog na ang bata

"Ash?!" Sigaw ng babae habang ang kamay nito ay nakahawak sa isang batang lalaki na kung susuriin ay kasing edad lang ng batang babaeng umiiyak sa gitna ng ulan

"Ashley?!" Sabay na sigaw ng dalawa

Dumako ang tingin ng batang lalaki sa kanilang kanan dahil sa kidlat na tungo doon. Nang  may matanaw itong rebolto ng tao ay agad itong tumakbo papunta roon

"Sam!" Sigaw ng babae ng bumitaw ang batang lalaki sa pagkakahawak  nito sa kanyang kamay  at tumakbo patungo sa salungat na daan  na agad din naman niyang sinundan

"Ashley!" Rinig niyang sigaw ng anak kaya naman hindi na napilang tumulo ng kanyang mga luha ng makita ang kanina pa nila hinahanap

"Ashley! Anak!" Sigaw nito bago yakapin ang batang nakaupo sa lapag at basang basa na rin ng ulan

"Pinag alala mo"pabulong na sabi pa nito, habang ang batang lalaki naman ay nakisali na rin sa yakapan ng dalawa. Sobrang pag aalala ang mababakas sa mukha ng babae ngunit halata naman na naka hinga na ito ng maluwag

"I-Im S-Sorry My"

ALIE'S POV

"Dito lang kayo, okey? I'll just buy foods" bilin ko sa dalawang batang ngayon ay naka upo sa isang bench dito sa park bago lumakad papunta sa isang stall pagkain

"Yes miss? " tanong ng babaeng nagtitinda

"Ahmm, One family bundle with three extra large coke and fries" sabi ko sa babaeng nag titinda with matching turo turo pa

It's been five years? Six years? Oh! It's been seven years. Pitong taon na ang lumipas mula ng umalis ako ng pilipinas at pumunta rito sa US. Nung una ayaw pa kong payagan ni Dad but then wala na siyang nagawa dahil buo na talaga ang disesyon kong lumayo

Yes, pumayag ang daddy ko na lumuwas ako ng ibang bansa but there's a condition, kailangan kong tapusin ang pag aaral ko. Well dahil ng sa bwesit na mafia mafia na yan nakalimutan kong nag aaral nga pala ko

Balak ko na sanang mag enroll noon sa hindi naman masyadong kilalang university dito sa state ng may isang supresa akong natanggap na hindi ko talaga inaasahan. Bago ako mag enroll noon ay bigla akong nawalan ng malay, pasalamat na lamang ako na may roong mabuting loob na tumulong sakin

Then I found out that I am 4weeks Pregnant that time. I don't know what to do. I really don't.

Ayokong madisappoint ang daddy ko. Paano ko haharap sa kanila? Ayong lumaki ang anak ko ng walang kinikilalang ama. Kaya ko ba silang buhayin na ako lang? What if hindi ko kaya? What if?

Sobrang daming bagay ang tumatakbo sa aking isipan ng mga panahong yun. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula o sisimulan ko pa ba.

Dahil nga ayokong ma disappoint si dad ay tinago ko ang pagbubutis ko sa kanya. Siya lang naman ang nakakaalam kung nasaan ako dahil pinangako niya saking wala siyang pag sasabihan. Gusto kong makalayo sa kanila. Gusto ko ng lumagay sa tahimik na pamumuhay

"Miss? Here's your order" inabot ko naman ang pagkain tsaka nag pasalamat at nag bayad. Agad na kong bumalik sa pwesto kung saan ko iniwan ang kambal ko

"Mommy!Ash is missing" humahangos na sabi ng anak kong lalaki

Agad kong nabitawan ang hawak ko tray dahil sa narinig. No. No. Not again!

"Saan ba kayo huling pumunta?" Kahit na dito sa US pinanganak at lumaki ang mga anak ko ay tinuturuan ko naman sila ng FILIPINO language kaya kahit papano ay maalam ang mga ito

"May nagtatanghala po kasi My kaya nanood kami ni Ash, tapos po bigla nalang siyang nawala" umiiyak na salita ng anak ko

"It's okey. We will find her" pag aalo ko dito. Alam kong sinisiai niya ang sarili niya sa pangyayari ngunit hindi ko naman pwedeng pabayaan ang anak kong babae

Sam, my Son is Strong. But my daughter Ashley she's so innocent.

"Where are you Ashley?"

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now