Chapter 27

89 17 0
                                    

******Chapter XXVII*****

"Nice meeting you your Highness" yumuko ito kaya naman agad iyong kinuhang pagkakataon ni vell para tumakas at tumabi sa aking pagkakatayo

Nagtaka naman kami ni Vell dahil  ginagawa niya. Baliw na ba to?

Tumayo ito at ng akala ko sususgod ay agad kong tinapat sa kanya ang baril na hawak ko

Agad naman niya yung sinipa kaya nainis ako. Ang sakit kaya! Tumama sa kamay ko yung paa niya!

Tumilapon ang baril sa hindi ko malamang lugar. Physicalan pala gusto niya a. Wrong move girl. Ngumisi naman ako at pinaurong si vell sa likod ko. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya pinabayaan nalang ako

Sumugod muli ng sipa ang babae na agad ko namang inilagan at hinawakan ang paa, pabalibag ko naman itong binitawan na ikinatumba niya

Tumayo ito at muling sumugod ng sipa, wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan ito, HAHA wala lang trip ko

"Are you done?" Tanong ko ng tumigil ito sa pag sipa habang hindi parin nawawala ang ngisi sa aking labi

Habang ang kalaban ko namang babae ay tila namumula na na parang kamatis sa inis. Dahil ba handi niya ko natamaan?

Tsk. Masyado kasi siyang mabagal -___-

Lumapit ako rito at ako naman ang nagbigay ng malakas na sipa na agad naman niyang ikinatumba dahil hindi inaasahan ang pag atake ko

"Alam mo kung may natutunan man ako, wag kang mayabang kapag nakikipag laban. Kahit gaano pa kahina ang kalaban mo kung mas mautak naman siya sayo, talo ka. Sabi nga nila Don't judge a book by its cover." Huling sabi ko dito bago gawin ang final attack HAHA.

"WHAAAA Ang galing mo talaga alie, tignan mo oh, tulog agad hindi ka man lang pinag pawisan" parang baliw na sabi ni vell. Madami pa tong pinagsasabi at nilalagyan niya pa ng actions pero hindi ko na naintindihan pa

Sa tingin ko ay nasa pinaka gitna na kami ng bodega, wala parin sila Ash. Ang usapan namin kanina ay magkikita kita dito, pero mukhang nauna kami ng dating

Nagtago kami sa gilid ni Vell ng makarinig ng nagtatalong mga tao.  Maya maya pa ay naaninag na namin ang mukha ng isang babae, maganda ito. Nakasuot ito ng maiksing palda habang naka jacket na hanggang bewang lang na itim.

Hindi naman namin maaninag ang mukha ng isa pa dahil nakatalikod ito. Sa tingin ko ay babae rin ito dahil sa tindig nitong ala modelo. Nakasuot ito ng itim na sandals, itim na jeans at jacket

"Mga walang silbi! Panong nalusutan kayo ng kalaban!? Siguraduhun nyong hindi sila makakalabas ng buhay!" Sigaw ng babaeng nakatalikod sa babaeng maganda

Agad namang umalis ang babae dahil pawang ano mang oras ay kakainin na siya ng buo ng babaeng nakatalikod mula sa amin

Naglakad ito tungo sa upuan sa kanyang harap at doon umupo. Nakatungo ito na tila ba nag iisip kaya hindi ko parin natatanaw ang kanyang mukha.

Hindi lang pala jacket na itim ang suot ni pang itaas. Nakasuot ito ng tube na itim bago patungan ng itim na jacket kaya hindi ko napansin kaninang nakatalikod ito

Unti unti naman nitong itinaas ang kanyang mukha at nagulat ako sa aking nakita, tinignan ko si Vell upang tignan kung nakikita ba nito ang nakikita ko

Gaya ng aking reaksyon ay nagulat din ang mababakas sa kanyang maamong mukha

Ngayon alam ko na kung bakit nila akong pinagkakamalang siya.

"Ma-mag ka-kamukha ka-Kayo a-alie"

PROMISES (COMPLETED) Onde histórias criam vida. Descubra agora