❤️chapter 14❤️

116 21 0
                                    



Isang linggo na ang lumipas simula ng lumipat ako dito sa mansyon mula sa bahay namin ni Kurt. Wala naman akong narinig mula dito nung lumipat ako


Ayoko muna siyang makausap o makita man lang kaya naman pag dating sa school ay hindi na ko pumapasok sa klase niya. Ibagsak nya ko kung gusto nya, bahala siya! Charot.



Takot niya lang kay daddy kapag binagsak niya ko. Alam na rin ni daddy ang mga nanyayari kaya baka next week ay umuwi na ito mula Canada



Andito ko ngayon sa garden namin at nakatanaw lang sa mga bulaklak. Sinabi ko na bang mahilig ako sa bulaklak? Lalo na sa Pink rose kaya halos pink rose ang karamihan ang bulaklak dito sa garden




Naramdaman kung may umupo sa tabi ko. Ngunit hindi na ko nag abalang lingonin ito dahil kilala ko na ito dahil sa pabangong gamit niya



"Are promises really meant to be broken?" Wala sa sariling tanong ko rito. Bigla nalang itong lumabas sa bibig ko. Kahit ako ay nagulat sa tanong ko kaya hindi ko ito masisisi kung maging ito ay nabigla rin




Tatayo na sana ako ng wala akong marinig na sagot mula rito. Bigla itong nag simulang mag salita "no. Promises are made for assurance. But sometimes it's not called broken. Minsan kasi hindi pa yun ang tamang panahon para matupad yun. But we misunderstood it by assuming na dapat ma fulfil na yun agad"


Tuluyan na akong tumayo at nag simula ng maglakad. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi pa ngayon "naked eyes sees what only want it to see." rinig ko pang habol na sabi nito



Pumasok ako sa loob ng mansyon at umupo sa sala. Binuksan ko ang tv dahil masyado na kong nababagot dito



Ayoko namang buksan ang cellphone ko dahil tadtad na iyon ng missed call ni Z panigurado



Ganito lang ang gawain ko rito sa mansyon kaya sobrang nababagot na ako


"Ma'am alie? May bisita ho kayo" sabi ng isang maid sa akin kaya naman tinignan ko ito



Nang makita ko kung sino ito ay agad ko naman itong niyakap




"Vell." Bulong ko ng mayakap ko ito. Na miss ko ito ng sobra. Sobrang dami ko ng kwento "doon tayo sa taas" tumango naman ito at nag pahila na lang rin sa akin





"Mabuti naman at binisita mo ako dito. Buryong buryo na ako dito. Wala akong ibang magawa kundi ang matulog kumain at manood" sabi ko ng makapasok na kami sa kwarto ko. Malaki ito kaya pwedeng pwedeng tambayan




Nauna naman itong umupo sa kama ko kaya sumunod ako rito. Mag kaharap kami ngayon habang naka angel sit





"Gaga! Pano kita dadalawin e hindi mo naman sinasagot ang mga tawag namin ni Z! Kung hindi pa nga sinabi sakin ni Symon na an-" hindi nito natapos ang sasabihin niya ng bigla na lamang nitong takpan ang bibig niya na tila may nasabing hindi dapat




Tinignan ko ito ng matang mapang suri na tila napakalaki ng kasalanang ginawa nito "Nag uusap kayo ni kuya Symon?" Hindi makapaniwalang banggit ko rito na may nanlalaking mga mata



"Uyy bess wag mo kong tignan ng ganyan! Tinanong ko lang naman kung asan ka, nuh" Defensive na sabi nito habang nakanguso pa



"Hoy! Izavell Marie Del valle hindi tayo mag best friend dahil sa wala lang. Kilala kita. Matagal mo nang nirerape sa utak mo ang kuya Symon ko." Sabi ko rito habang nakatayo at dumuduro pa sa kanya





"Grabe ka sakin Alie! Hindi ko naman nirerape ang kuya mo! Pinagpapantasyan ko lang!" Painosenteng depensa naman nito




"Pareho na rin yun!" Huling sabi ko bago kami mag tawanan. Walang nakakatawa diba? E sa baliw na kami wala kayong pake




"Hoy Samantha wag mong iniiba ang usapan!" Argh sabi ng ayokong tinatawag na Samantha e! Tinawan lang ako nito ng makita ang namumula kong mukha





Nag kwentuhan pa kami or should I say nag asaran. Hayst sana ganto nalang ang buhay. Ayoko ng maraming iniisip, hindi para sa akin yun



Umuwi din kinahaponan si Vell dahil hinahanap na siya nila tito. Bibisita nalang daw siya ulit bukas





Nalaman ko rin na dito pala matutulog si kurt, hindi ko alam kung bakit




Nandito kami ngayon sa hapag kainan. Medyo awkward dahil kaharap ko si kurt. Tsk



"So Kurt? Kamusta naman kayo ni Aylyn?" Oh? How nice. May reunion ba ? At bigla silang nagsusulputan ulit




"Were fine" daretsong sagot nito habang patuloy parin sa pag subo ng kinakain. Mabulunan ka sana!



"Tsk" mahinang asik ko. Ramdam ko naman na napatingin sila sa gawi ko "What?" Inosenteng tanong ko sa kanila




"So? Ano ? Nililigawan mo naba?" Pag papatuloy pa ni Kuya Symon at ang G*g* na si Kurt ngumiti lang.





Aba naman! Respeto! Asawa oh! Asawa nasa harapan nyo lang! Kapatid ko ba talaga to!? Okay lang sa kanya na may ligawan si kurt kahit na asawa nito ang kapatid nya!?




Tumayo ako at binagsak ang kubyertos na hawak ko bahala sila sa buhay nila bwesit! Wala na kong gana!



"Princess?" Tawag sakin ni kuya symon na halatang nagpipigil ng tawa habang si kurt naman ay naka smirk lang. Tsk ano nga bang aasahan ko kay kuya Drew? Ayon tahimik na kumakain na parang walang nang yayari sa paligid niya. Hindi man lang ako pinagtanggol!




"Princess mo mukha mo! Bwesit!" asik ko rito at tuluyan silang iniwan. Bahala talaga sila jan!





-------------

EDITED 💓

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now