❤Chapter 12❤

115 23 0
                                    

"Sam? Paglaki natin ikaw ang gusto kong pakasalan." Sabi ng batang lalaki sa batang babae

"Talaga?" Tila ba namamanghang sagot nito sa batang lalaki

"Oo, pangako" masayang sabi ng batang lalaki sa kasama niyang batang babae. Hinawakan pa nito ang kamay ng babae

"Teka lang Ash" paalam ng batang babae bago tumayo sa sinasandalan nilang puno sa likod ng isang bakuran

"Bakit? May problema ba?" Tanong ng batang lalaki sa babae na may pag aalala

"Nawawala yung Bracelet ni mama. Hanapin natin" sabi nito bago ipakita ang hawak na kahon na wala ng laman. Naluluha na siya

"Teka, saan kaba nag punta kanina?" Tanong ng lalaki na nag sisimula na ring maghanap. Nag isip naman ang batang babae

"Dito ka lang Ash a, titignan ko lang sa harap ng bahay niyo" tumango naman ang batang lalaki samantalang tumatakbo na ang batang babae

"Asan naba yun.." Bulong nito sa sarili habang patuloy sa paghahanap ng nawawalang singsing

Dahil sa sobrang pag hahanap ay hindi nito namalayan na nasa gitna na pala siya ng kalsada

"Audrey!" Sigaw ng isang magandang babae habang tumatakbo sa batang nasa gitna na ng kalsada at nakayuko

Tinulak nito ang bata kasabay ng pagsalpok ng isang sasakyan sa kanya

Habang ang batang babae naman ay tumama sa isang malaking bato na sanhi ng pag dugo ng ulo nito at mawalan ng malay

-------

Nagising ako na namumugto ang mga mata. Tumayo ako mula sa pag kakahiga sa aking kama at dumaretso sa Cr para makapag hilamos at mag sipilyo na

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now