❤chapter 8❤

122 27 0
                                    

"Z" malakas na sigaw ko,bago tumakbo at yumakap rito


Natawa pa sila tita ng bumagsak kami ni Z. nawalan ito ng balanse dahil sa pag yakap ko rito "WHAAA namiss kita" maiyak iyak kong sabi rito habang nakayakap pa rin



"HAHAHAHA... Halata nga" sabi nito habang hinahaplos ng marahan ang aking buhok "Ahem" napatingin kami sa may pinto ng may tumikhim doon


Nakita ko si vell na nakatayo sa pinto at masamang nakatingin sa akin.  Agad ko namang nginitian siya. kumalas na ko sa yakapan namin si Z.



Ngayon lang ako tinamaan ng hiya. Ang sagwa pala naming tignan. Nang bumagsak kami ni Z, dahil nga naka yakap ako rito ay nasa ibabawa ako nito. Kainis! Nakakahiya talaga!



Tuloy pa rin sa hagikhik ang mga magulang ni Z dahil na rin siguro sa naka simangot na ngayong mukha ni vell na hindi ko napansing naka lapit na pala.  pati na rin kulay kamatis kong mukha




Huminto na sa pag tawa ang mga magulang ni Z. Nakatingin na ngayon ito sa anak na ngayon ay mababakas ang ngisi habang naka upo parin sa lapag. Anong trip nya? Uso kayang tumayo.



"Sorry po tita, tito" nahihiyang paumanhin ko. Imbis na sumagot ay nginitian lamang nila ako ng payak.



"Nako, sakto lang ang dating ninyo halika na, at kumain na tayo" sabi ni tita. agad namang tumayo si Z at sumabay sakin papasok ng kanilang kusina


Habang nag kakainan ay si tito at si Z lang ang nag uusap. Hindi ko naman maintindihan ang kanilang pinag uusapan kaya nagpatuloy nalang ako sa pag kain. In fairness. Namiss ko talaga ang luto ni tita. Ang saraaaap. Grabe.



*****

"Audrey? Kamusta kana?" Andito kami ngayon sa garden nila, masyado ng gabi kaya naman dito na muna ko matutulog. Hindi naman ako hahanapin sa bahay. I'm 100% sure of it. Sigh.


"I'm fine. Really fine." sagot ko habang naka tingin pa rin sa mga bituin. Napapakalma kasi nito ang isip ko. ang sarap nitong pagmasdan. Mabuti nalang at di nila naisipang mag tago ngayong gabi



"I mean, kamusta ka na bilang asawa niya?" Napatingin naman ako rito dahil sa tanong niya. Oo nga pala alam nila ni vell ang tungkol sa amin ni Kurt. They are my best friend kaya!




Ngumiti ako ng tipid bago sumagot sa tanong niya "Ganun pa rin, parang hangin pa rin ako sa kanya. Pero natutuwa akong malaman na kahit papano pala ay nag aalala siya sa akin." Nang tignan ko ito sa mata, halo halong emosyon ang aking nakikita. Ganto rin ang mata ni Kurt noon...



"May problema ba Z?" Nag aalalang sagot ko ng hindi na ito sumagot pa. Iniling lang nito ang kanyang ulo bago ako niyakap at hinilig ang baba nito sa balikat ko. Wala namang kaso iyon, normal na iyon para samin.




"Z? Pwede bang ako naman ang mag tanong?" Mahinang tanong ko rito. Tama lang  para maririnig niya.




"Of course" sagot nito, ngunit hindi pa rin bumibitaw sa pag kakayakap. Ramdam kong inaantay nito ang tanong ko. Huminga muna ko ng malalim bago mag tanong. Kinakabahan ako sa pwedeng isagot nito

"Ahm.. May kilala kabang may pangalang Ash?" Natigilan ito sa tanong ko, kaya naman naka kuha ako ng pagkakataong makawala sa kanyang pagkakayakap para maharap dito




"bakit?" Pakiramdam ko ay tama talaga ang hinala ko. May tinatago sila.



Ngunit ibis na sagotin ang tanong ko.  Nag balik lang din ito ng tanong

"Tinanong mo naba si Kurt tungkol dito?" Marahan akong tumungo bilang senyales na oo. Siya nga ang unang taong tinanongan ko.




Nag buntong hininga pa ito, "tinanong ko siya ngunit hindi niya daw kilala ang tinutukoy ko. Kaya nag babaka sakali akong kilala mo"




"I see. Kilala ko siya" mahinang bulong nito. Hindi ito naging hadlang upang marinig ko iyon



"Talaga?" Tila na buhayan ako ng loob sa naging sagot nito.




Tumungo ito at ngumiti ng tipid "bakit mo ba na itanong?"



Kinuwento ko naman sa kanya ang tungkol sa batang lalaki at babae na napapaginipan ko



"Bakit ko siya napapaginipan Z? " nako confuse na tanong ko



" Gusto ko mang sagutin ang lahat ng tanong mo pero wala akong karapatan aud. Pasensya na." Nagtaka naman ako sa naging sagot niya



"Pasok na tayo sa loob para makapag pahinga kana" dagdag pa nito bago tumayo at nag patiunang pumasok




Hindi muna ko sumunod rito papasok bagkus ay muling ibinalik ang tingin sa mga nagkikislapang bituin. Kung sana'y kaya lang ako sagotin ng mga bituin




Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga na hindi ko alam kung saan ko hinugot. Gusto ko mang makapag isip isip ay mukhang hindi ko magagawa yun.




Mahirap mag isip kapag wala kang isip. Joke. Pero seryoso, madali lang mag isip. Pero kung kasagutang hindi mo makuha kuha ang iniisip mo, mahirap talaga.




Maliban sa kaaya ayang titigan at pag masdan ang mga bituin, ay may isa pang dahilan kung bakit gustong gusto ko itong titigan.





My mom die, because of car accident. Yun ang sabi nila. At yun din ang kinasangkutan kong aksidente. Pero ang sabi nila ako lang daw ang naka ligtas dahil niyakap ako ni mommy



At ang sabi ng mommy ko,

"Princess, If you miss someone just look up the sky."

"Why mom?"

"Because one thing is for sure. You both share the same sky."

Ito lang naaalala ko sa kanya. kahit na ang mukha ay hindi ko matandaan.




Kahit na hindi na ako bata ay naniniwala parin ako rito. Wala namang masama kung maniwala ako diba? Wala namang mawawala sakin




Pinikit ko ng mariin ang aking dalawang mata bago tumayo. Lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Pinagpag ko muna  ang aking damit bago ko naglakad papasok sa loob ng bahay nila Z


--------

EDITED 💓

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now