❤chapter 11❤

115 22 0
                                    

Mabuti na lamang ay  sinalo ako ni Z bago ako tuluyang bumagsak sa sahig



"Mama! Mama!" Nag wawalang sigaw ko. Halos yakapin ko na ang puntod nito. Pinipilit kong makawala sa mga yakap ni Z



"Mama! Sorry! Sorry hindi ko po sinasadya.." Umiiyak pa ring sambit ko


"Shh tahan na hindi mo kasalanan" pag aalo sa akin ni Z. Pero wala itong nagawa, mas lalo lamang akong napa- hagulgol

"No.. No.. Kasalanan ko.. Kasalanan ko Z... Hindi ko sinasadya.. Sana ako nalang ang nawala.. Mama.. Sorry po.." Pailing iling pang ani ko. Sunod sunod ang naging pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko kaya naman hindi na ko nag abalang hawiin ito. Nanlalabo na ang paningin ko, ni hindi ko na makita ng maliwag ang lapida nito


"Patawad mama.. Ang sama sama ko.. Kung sana hindi nalang ako nangeilam *sob* kung sana naging good girl lang ako noon.. Sana andito kapa.. Mama sorry po"

"Mama *sob* ang sama sama ko.. Hindi ko man lang alam na andito ka.. Mama sorry talaga.. Hindi ko sinasadya.. Hindi ko ginusto. Kung alam ko lang... Kung alam ko lang... " walang nagawa si Z sa pag iyak ko kaya naman tanging pag yakap nalang ang nagawa nito. Marahan pa nitong hinahaplos ang likod ko, nagbabakasakaling mapapaluwag noon ang pakiramdam ko


Ang sama nila! Hindi man lang nila sinabi sakin ang totoo! Hindi man lang ako nakapag luksa sa pag kawala ng mama ko! Ang sama nila!


Nanatili kami ni Z sa ganong posisyon. Siya ay yakap yakap ako habang ako ay patuloy pa rin sa pag luha


Ang sakit sakit. Ang sakit sakit malaman na ikaw ang dahilan kaya nawala ang mama mo. Kahit pa sabihin na hindi ko naman ginusto, at hindi ko sinadya. Ako pa rin, ako pa rin ang dahilan


Nang tumigil ang mga luha ko ay sakto namang pag ulan kaya naman nag aya ng  umuwi  si Z. Dahil hindi ko magawang ibuka man lang ang bunganga ko ay tumungo nalang ako bilang sagot. Inalalayan ako nito sa pag sakay sa sasakyan.

Kahit masyado ng madilim at malakas pa ang ulan ay nag pasya pa rin kaming umuwi na. Gusto ko nang magpahinga

Masyadong nakakapagod ang araw na to.  hindi lang physical pati na rin emosyonal. Pakiramdam ko ay ubos na ubos ako ngayong araw

Buong bayahe ay tahimik lang kami at walang nag tangkang bumasag doon. Masyado akong nalulunod sa mga nalalaman ko . nag papasalamat na lang akong si Z ang kasama ko ngayon dahil alam ko na naiintidahan nito ang nararamdaman ko, kahit hindi ako mag salita.



Alam nitong kailangan kong mapag isip isip. Dahil kung hindi? Baka sumabog nalang ako bigla. Kailangan ko ng oras para mapag isa




"Andito na tayo" hindi ko man lang napansin na nasa tapat na kami ng bahay namin ni kurt. Tumango lang ako bilang sagot at hindi na siya inantay na pag buksan ako. Dali dali akong bumaba at hindi na lumingon pa pabalik

Daredaretso lang akong pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko. Alam kong nakatingin sa akin si manang kanina pati na rin si kurt. Pero wala akong pakealam doon ngayon. Masyado ng maraming laman ang utak ko. Ayoko na ng dagdagan pa hanggat maaari. Ayoko makipag usap kanino. Not now.


Pag dating ko sa loob ay hindi na ko nag palit pa ng damit at dumaretso na ng higa sa aking kama. Pakiramdam ko'y pawa kong isang lantang gulay dahil sa mga nalaman ko

Muli na nanamang bumalik ang nangyari kanina.

Doon nag simula nanamang mag karerahan ang mga luhang kanina pa naipon sa gilid ng mga mata ko

Z's POV

Hi? I'm Zander Xavier Del Valle. Pinsan ko si Vell

Sa totoo lang, Nag aalala ako ng sobra sa lagay ni Audrey ngayon. Mali pa ata ang naging disesyon kong dalhin siya sa puntod ni Tita Cassie. Ngunit karapatan niyang malaman ito. Lalo na't nagsisimula ng bumalik ang mga alaala niya

Nang matapos ko siyang maihatid sa bahay nila ni Kurt ay dumaretso na ko sa mansyon ng mga Sandoval. Naubutan ko roon ang kambal na kapatid ni Alie. mag kakaedad lang kami nila Kurt

"Xavier! Kelan kapa naka uwi?" Agad na bungand na Tanong sakin ni Symon. Wala si Tito,

"Nito lang" maikling sagot ko rito at dumaretso sa couch nila "pwede niyo bang papuntahin dito si Kurt ngayon na? May importante lang akong sasabihin"

Tumongo naman si Symon at agad na nag kalikot sa cellphone nito habang si Drew naman ay pumunta ng kusina para kumuha ng pag kain

Maya maya pa ay dumating na rin si Kurt. Agad silang umupo rin sa couch kung saan kaharap ng kinauupuan ko.

"Bakit?" Daretsong sabi sakin ni Kurt. Tsk. Ang init talaga ng dugo sakin ng Hayop na to!

"Nakakaalala na siya" daretsong sabi ko. Alam kong nagulat sila sa sinabi ko, ngunit agad din namang naka bawi. Pero hindi si Kurt


"Kaya pala" bulong Ni kurt pero rinig naman naming lahat


"anong balak mo Kurt?" Tanong naman sa kanya ni Symon



"Wala" kalmadong sagot nito. Tila ba wala lang sa kanya kung ano ang mangyayari pag katapos maalala ni Alie ang lahat

Tumayo ito at umalis ng tahimik. Sinundan lamang namin siya ng tingin ng kambal. Malaki na siya. Alam na niya ang ginagawa niya. Sana lang tama ang gawin niya

"Kelan pa?" Minsan lang magsalita si drew kaya nagulat pa ako ng mag tanong ito

"Kanina lang, dinala ko siya sa puntod ng mommy ninyo" paglilinaw ko. Hindi sila nagalit or what. Alam kong alam nila na kailangan malaman ni Alie kung nasan ang puntod ng mommy nya.




"Kamusta siya" this time si Symon naman ang nag salita. Pag dating talaga kay alie ay napaka seryoso nilang dalawa. Well, she's their only princess after all.



Akala ko pa nga ay magagalit ang mga ito dahil pinangunahan ko sila. Ngunit mukhang hindi na nila ito pinansin at tinuon nalang ang atensyon sa pag alam sa kalagayan ng kapatid




"Hindi maganda ang lagay niya sa tingin ko. Napakatahimik niya buong bayahe at alam kong sobra sobra ang nararamdaman niya ngayon" tumungo lang ang dalawa na tila alam na ang gagawin

"Bibisitahin na lang namin siya bukas" pagkatapos ng mga salitang yan ay nag paalam na ko dahil gabing gabi na rin. Kailangan ko ng umuwi. Sana naman ay ayos lang siya

----------

E D I T E D 💕

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now