Chapter 38

84 14 0
                                    

Ilang minuto na siguro kaming naglalakad ni vell paikot ikot sa loob ng department store pero kahit anino ni kuya Drew at ng kambal ay hindi ko makita

"Sure ka bang andito sila?" Kinakapos na hiningang sambit ni vell

"Yes" Confident na sagot ko. Totoo naman diba? Sinabi ni Kuya Drew na andito lang sila

Hindi na muli pang nag reklamo pa si vell at sumabay na sa aking paglalakad kahit hinihingal na. Grabe naman kasing babae to! Panong hindi hihingalin agad!? E ang taas taas ng takong!

"Wait lang vell" sabi ko bago huminto sa isang accessory section

"Bakit?" Lumapit si vell at tinignlan na rin ang bagay na naka agaw ng aking pansin

"Ms? Pwede pang patingin nito?" Agad namang tumungo ang babae sa sinabi ko. Dali dali nitong binuksan ang istante at inabot sakin ang itinuro ko

"Ang ganda Alie.." Namamanghang bulong ni vell habang nakatayo lang sa aking tabi. Ngumiti lang ako habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa aking hawak

Isa itong kwintas. Napaka gandang kwintas. Simple lang ito pero napaka elegante. Hindi ko alam kung paano ko ito dapat Idescribe

"How much is this? " hindi pa rin maalis ang ngiti  sa aking labi habang tinatanong kung magkano ang presyo ng kwintas

"It is onl-" naputol ang dapat sasabihin ng babae ng isa pang babae ang lumabas mula sa likod niya

"I'm so sorry ma'am. But that necklace is already taken. I'm really sorry ma'am" agad namang ngumunot ang noo ko dahil sa baging turan nito. Taken pero naka display pa rin?

"No. It's okey. I understand" tanging nasabi ko nalang at ngumiti ng pilit sa mga to

Sayang. Sa tingin ko pa naman ay magugustuhan ito ni Ashley. Ipang reregalo ko sana ito sa nalalapit na birthday ng mga anak ko. Si Sam ay madali lang hanapan ng regalo dahil libro lang ay sapat na rito. Kung si Ashley naman ay pwede na ang damit na kulay Mint green

Inabot ko na ang kwintas pabalik at muli nanamang nag sorry ang babae na nginitian ko lang. Hayst. Ang swerte naman ng nakabili nun

"Mr Lee!" Naputol ang aking pag iisip dahil sa sigaw ng babaeng humihingi ng tawad kani kanina lang

Rinig ko pa ang mahinang malanding bulong ng babaeng kausap ko habang sinusubukan ayosin ang buhok niyang nasa ayos naman. Agad akong napangiwi

"Where it is?" Malamig at malaking boses ang aking narinig. Napaka manly. Boses palang ay nakakalaglag panty na. Oh shems!

Naramdaman kong nakakapit na sa aking braso si Vell habang may kung anong binubulong na hindi ko Naman maintindihan. Hindi ko na ito pinansin dahil nag sisimula ng mabuo ang mga butil ng pawis sa aking noo

Oh God. Hindi ko na kailangan pang lumingon para lamang malaman kung sino ang nagsalita. Ang boses na iyon? Kelan ko nga ba huling narinig yun?

"Pinabalot ko na po sir" bakas ang kaba at takot mula sa babae. Humigpit naman ang hawak ni Vell sa braso ko

Gosh! Hindi ko alam paano ko aalis ng hindi niya napapansin!

Ramdam kong papalapit ng papalapit ang presensya niya sa likod ko. Wala na akong takas. I'm Dead!

Huminga ako ng malamin. Mukhang panahon na talaga para magkita kami. Unti unti ak-

"Hon!" Para bang umikot ang sikmura ko dahil sa boses na yun

"Don't run" pasimple akong lumingon sa kanila na dapat hindi ko nalang ginawa

Naramdaman kong hinila na ako ni vell palayo ngunit nasa kanila pa rin ang aking mga mata. Lutang ang isip ko. Pinabayaan ko na lang na hilain ako ni Vell sa hindi ko malamang lugar hanggang sa hindi ko na sila matanaw

"Mi? Are you okey?" Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses na yun

"Ha?" Narito si Kuya Drew kasama ang kambal ko at nakatayo sa harap ko. Habang si Vell naman ay nakaupo sa tabi ko. Bakas sa mukha nila ang pag aalala

"Ahm.. Baby.. Pagod lang mommy niyo" hindi ko napansing narito na pala kami sa bahay. Sa kwarto ko to be exact

Isa isang humalik sakin si Sam at si ash bago lumabas ng kwarto. Sumunod naman si kuya Drew na hinalikan ako sa noo bago bumulong at lumabas

"Magpahinga kana"

Sumunod na lumabas si vell na parang nag dadalawang isip pang iwan ako kaya naman nginitian ko nalang ito

Humiga na ko sa aking kama at tumitig lang sa kisami

"Ash.." Wala sa sariling bulong ko

Muli nanamang nagpatakan ang mga luha ko ng muling maalala ang nangyari kanina sa mall

*Flash back*

Lilingon na sana ako ng biglang may sumigaw na babae

"Hon!" Ang boses na yun. Agad kong naiyukom ang dalawang palad ko. Ramdam kong muli nanamang humigpit ang hawak ni vell sa aking braso

"Don't run" seryoso ngunit malumanay na sabi nito. Kanina lang ay cold ito hindi ba?

Hindi na ko nakatiis at pasimple ng lumingo sa kanila. Tanga na ba kong matatawag ? Kung mas pinili kong lumingon kahit na alam kong masasaktan lang ako?

Bu-bu buntis siya!? Nasapo ko nalang ang aking bunganga mentally. Ano naman sayo Alie!? Ikakasal na sila!

Malaki na ang tiyan ni Allyson. Sa tingin ko ay kabuwanan na niya. Si Ash na mismo ang lumapit kay Allyson para alalayan itong maglakad habang naka sunod lang ang dalawang bodyguard sa kanilang likuran

Para sa kanya ba ang kwintas? Anak niya ba ang dinadala ni Allyson?

Para kong sinasaksak ng milyon milyong kutsilyo dahil sa iniisip ko

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now