❤chapter 9❤

117 24 0
                                    


kinabukas ay hinatid ako ni Z sa bahay namin ni Kurt "Salamat" sabi ko rito ng maka baba sa sasakyan niya, kumaway pa ako rito at inantay itong makaalis bago pumasok sa loob ng bahay




"Manang?" Naka uwi na nga pala si manang nitong nakaraang araw "hija, mabuti naman at naka uwi kana, kagabi kapa tinatanong ni Kurt"



"Pasensya na po manang. Nawala po sa isip ko e" sagot ko rito. Bakit naman kaya ako hinahanap ng dragon na yun? Ano naman kaya kailangan nya sakin?


"hindi mo ba naka salubong si kurt? Kalalabas niya lang a" nagtaka naman ako dahil hindi ko siya nakita sa labas ,agad akong umiling



"Ikaw ba ija? Hindi ka papasok?" Oo nga pala "mag hahalfday nalang po ako manang" sabi ko at umakyat na sa kwarto upang makapag palit



Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Z bago ko bumaba ng sasakyan niya




Paano ko tatanongin si kurt? Maliban sa para kong hangin sa kanya, e hindi niya nga raw kilala ang tinutukoy ko. Ibig sabihin ba nito ay may hindi nag sasabi ng totoo sa kanilang dalawa? Si kurt kaya? Bakit naman magsisinungaling si Z sa akin.



Tsk. Minsan talaga may sayad rin yang si Z, manang mana sa Pinsan e. Bakit pa ba ako magtataka.




Lumipas ang oras at papunta na ako ngayon ng school, dahil panigurado marami nanamang gagawin ngayon dahil monday nanaman





Nang makarating ako ng school ay dumaretso na ko sa klase ko, mabuti nalang at wala pa ang teacher namin





Agad akong tumungo dahil wala naman akong makausap sa room na to. Hindi naman sa lonely ako, ayoko lang talaga makipag usap. Masyado kong madaldal, mamaya ay may masabi pa kong di dapat





Nagtuloy tuloy lang ang pag tsitsismisan ng mga kaklase kong babae at batuhan ng naka bilog na papel ng mga lalaki. Wala ng bago




Hindi naman sa tsimosa din ako, ngunit na agaw ang pandinig ko ng isang tsimisan mula sa aking harapan





"Grabe mukhang bad mood daw si sir lee kanina" tsimosa one





"pano naman nila nasabi " tsimosa two



"e pano walang estudyante ang maka tambay sa canteen kanina dahil sinisigawan ni sir" tsimosa one



"buti na nga lang at dumating si ms. Ay" dugtong pa nito

Tila naman napantig ang tenga ko sa aking narinig kaya sumabat na ko "Hoy, kung mag tsitsismisan kayo wag dito, di niyo ba nakikitang may natutulog" mahinahong sabi ko ngunit may diin



Inirapan lang ako ng mga ito at lumabas ng room. Bakit naman kaya bad mood ang isang yun? Tsk bakit mo ba siya iniisip alie? Kasama niya naman si ms. Ay kaya wag mo ng isipin ang isang yun. Ikaw nga di nya iniisip e.




Tuloy lang ako sa pag iisip kung paano papatayin sa isip ko ang dalawang higad ng bigla nalang tumunog ang Cellphone ko

From: Unknown
Hey. This is me, Z. Anong oras labas mo? I'll fetch you.

Napangiti naman ako kaya bago ko mag reply ay sinave ko muna ang number niya

To: ZX 💕

6:30, wait mo nalang ako sa parking.

Sent.



Ibabalik ko na sana ang cellphone sa aking bag ng tumunog muli ito. Bilis mag reply halatang hinihintay hihi

From:ZX💕

Okey. :)

Hindi na ko nagreply dahil baka hindi titigil ito kung hindi ko sisimulan . binalik ko ang cellphone sa bag

Mukhang hindi papasok ang teacher namin kaya naman dumaretso na ko sa next class ko

Pumasok na si sir marco at agad naman namin siyang binati. Nag discuss lang ito ng kung ano ano pero wala akong naintindihan. Lumulutang nanaman ang isip ko

Mabilis na lumipas ang oras at nag dismiss na sir marco, may ilan lang itong pinaalala na reviewhin dahil baka may quiz kami bukas


At ngayon? Klase naman ni Kurt ang papasokan ko. Badmood pa kaya siya? Siguro ay hindi na dahil andun naman si ms. Ay. Napangiti na lang ako ng mapait sa naiisip


Maya maya pa ay dumating na si Kurt "Good afternoon Sir Lee" sabaw sabaw na sabi ng mga kaklase ko, at dahil nga mukhang wala pa rin si kurt sa mood ay



"Again" muli nanaman kaming tumayo at inayos na ang pag bati dito dahil kung hindi, mauubos ang buong isa't kalahating oras namin sa pagbati


Nagdiscuss ito ng ilang formula ngunit kahit isa ay wala akong naintindihan, well na sabi ko naba na mahina ako sa math? Ngayon nasabi ko na. Well, tell me. Sino ba ang may gusto ng math?



Si Kurt. Sagot ng utak ko. What the!


At sa kamalas malasang pag kakakataon nga naman, dahil bad mood ang dragon ako yata ang napiling bugahan ng apoy




"Ms. Sandoval please answer this in the board" sabi nito habang nag susulat sa board ng problem. Hindi man lang ito humarap,



O M G anong gagawin ko!? Bakit pa naman kasi hinahanap pa si X e nanjan naman si Y! Buti nalang may Z ako hihi Charr lang loyal ako kay Kurt no! Shh lang kayo. Kay?





"Ah-eh" wala akong ibang ginawa sa harap ng board kundi ang titigan ang problem na nakasulat doon. Nag simula na ring mag tawanan ang mga kaklase ko kaya naman pilit kong inintindi ang nasa board para hindi mapahiya




At dahil nga magaling ako pag dating sa pag a analyst e nakuha ko naman ito. Sa tingin ko. Hehe



Buong tapang kong sinagot ang problem sa board at taas noong bumalik sa upuan ko. Sana naman tama. Nakita ko pang ngumisi si Kurt kaya naman kinabahan na ko.


Mali ba? Oh em Gosh! Bala siya jan! Ang mahalaga nag try ako!

------

EDITED 💕

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now