❤️Chapter 21❤️

108 19 0
                                    



Nagising ako ng maramdaman na merong mabigat na bagay ang nakapatong sa binti't bewang ko


Nang imulat ko ang aking mga mata, isang Gwapong nilalang ang bumungad sakin at ito ay naka ngisi


"Good morning" Sabi nito ng higpitan pa ang kanyang pagkakayap at ipinikit ang mga mata, ang boses nito ay bagong gising kaya naman nakakaakit. Shh! Samantha, ang landi mo aga aga!

Tumungo lang ako dahil hindi ko magawang magsalita dahil masyadong mahigpit ang yakap nito, tinapik ko naman ng mahina ang kanyang braso na naging sanhi ng kanyang pagbitaw


Nangunot naman ang maganda nitong noo kaya napatawa nalang ako ng mahina bago sumagot "Hindi kasi ako makahinga"


Agad naman itong nag sorry bago ako halikan sa aking noo bago sa labi, tumayo ito at doon ko lang napagtanto na naka boxer short lang pala ang G*go


Pwede bang dito nalang ako mag almusal? Kape nalang ang kulang oh.. Meron ng anim na pandisal



"Are you Done examining my Abs Wifey?"



"AY ANIM NA PANDESAL!" Pakiramdam ko ay talo ko pa ang sobrang hinog na kamatis sa sobrang pamumula ng mukha ko



Uyy try nyo minsan kumain ng kamatis, nakakakinis ng mukha yun hihi


Nang tignan ko ang mukha nito mula sa butas ng aking kamay na pinangtakip ko sa aking mukha ay umiiling lang ito habang naka smirk


Agad din naman itong tumalikod at nagsimulang pumunta ng banyo ng makitang wala akong balak tanggalin ang mga kamay ko sa aking mukha



Nang makapasok na ito sa loob ng banyo ay agad akong tumayo at binun ang pagkakatali sa buhok ko


Bumaba ako sa kusina para magluto na ng almusal namin, nang buksan ko ang refrigerator nila ay TARAAAAAN! Wala itong laman kundi tubig -___-


Pano ako magluluto ng almusal? Naluluto ba ang tubig? Napapakuluan pero hindi naluluto. Asan na yung mga pagkain kahapon? Naubos lahat yun?


Umakyat ulit ako sa kwarto ni Ash Para sana mag paalam dito na lalabas at bibili ng grocery dahil anong oras na din naman



Nang makapasok ako sa loob ay sobrang tahimik, baka nasa Cr pa siya. Kumuha muna ko ng pamalit na damit dahil hindi naman ako pwedeng lumabas na naka ganto


Isang black na leggings at isang V neck white t shirt lang ang sinuot ko at pinarisan ko ito ng black na rubber shoes



Tapos na ko lahat lahat sa pagbibihis ay hindi ko pa rin nakikita si Ash, nilugay ko ang aking itim na buhok at sinusuklay ito habang hinahanap ang magaling kong asawa


Wala na akong naririnig na lagasgas ng tubig kaya naman sa tingin ko ay wala na ito doon sa loob ng Cr


Inikot ko pa ang buong kwarto dahil hindi ko naman narinig bumukas ang pinto kaya sigurado akong andito lang iyon


Nang buksan ko ang kurtina na tumatakip sa glass door ng veranda ay nakita ko ang aking hinahanap  na may kausap pala sa telepono


Mukhang hindi nito napansin ang aking presensya ng tumayo ako sa kanyang likodan, niyakap ko ito patalikod at tila naman para itong nagulat



Agad nitong binaba ang tawag na agad ding kinakunot ng noo ko "Sino yun?" Nakasimagot na tanong ko rito


Humarap muna ito sa akin bago ako sagotin "Nothing." Then bakit kailangang ibaba mo ang tawag? Gusto ko sanang itanong muli pero pinabayaan ko nalang


"Where are you going?" Sunod na sabi nito na agad ko namang sinagot bago humiwalay sa pagkakayakap namin



"Bibili lang ako ng groceries natin, ubos na kasi laman ng ref niyo. Or should I say puro tubig na ang laman nito" mahabang sabi ko na tinawanan lang nito

Lah? Baliw?


"Okey. Papasamahan nalang kita ng isa sa mga batay" sabi nito na agad ko namang tinutulan, jusq naman malaki na ko



Wala na itong nagawa ng mag insists ako na ako nalang mag isa dahil kaya ko naman




Nang makalabas ng bahay ay ang sasakyan nito ang ginamit ko dahil sad to say, mayaman kami pero wala akong sasakyan



Naging saglit lang ang bayahe dahil malapit lang naman sa bahay nila Ash ang market. Yes sa Wet and dry Market ako nag punta



Nagikot ikot upang makabili na ng dapat bilhin, kasi kung tatayo lang ako ay hindi magkukusa ang mga karne at gulay na lumapit sakin



Nang masigurado kong nabili ko na ang lahat ng dapat bilhin ay dumaretso ako sa isang cafe para bumili ng paborito kong Cake



"Excuse me miss, I want this BlackBerry Cake" tumungo lang ang babae bago umalis sa harap ko



Umupo ako sa isang pang dalawahang upuan malapit sa counter habang inaantay ang BlackBerry cake ko



Habang inaantay ang BlackBerry cake na inorder ko ay tumunog ang nasa taas ng pintoan ng entrance nitong cafe tanda na may bagong costumer



Nang tignan ko ito ay isa itong gwapong lalaki na sa tingin ko ay kasing edad lang nila Ash



Nang magtama ang mga paningin namin ay tila ba nagulat pa ito kaya naman nginitian ko ito ng alanganin. Friendly kaya ako!

Naglakad ito papalapit sa akin, wait? Sa akin? Lumingon pa ako sa kaliwa't kanan ko upang makasiguradong sakin nga ito papunta

"Namiss kita Ally... " ano daw?

"ah eh kilala ba kita?" nag aalinlangang tanong ko.

Bagama't hindi ito nagulat sa tanong ko. Ngumiti lang ito ng tipid. A sudden pain flashed to his eyes.



-----------------
EDITED ❤️

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now