❤️chapter 16❤️

116 20 0
                                    




Isang linggo na simula ng mag kaayos kami ni Kurt. Dito muna siya tumira sa mansyon specifically sa kwarto dahil nandito si Daddy. Wala namang malisya yun dahil kasal na kami nuh!

Andito kami ngayon sa kwarto nakahiga sa kama ko. Wag kayong ano, nakahiga lang talaga kami. Oo nga promise.

Nakaunan ako sa braso nito habang siya naman ay nakayakap sakin


" ano ang pinag usapan niyo ni Daddy?" Tanong ko rito dahil ipinatawag ito kanina

"Wala naman" ramdam kong nakangiti ito. Siniksik ko ang ulo ko sa may bandang leeg nito at ipinikit ang mga mata


"Ash... Kung nananaginip ako, pwede bang dito nalang ako sa panaginip? Wag na sana kong magising." Niyakap ako nito ng mas mahigpit at hinalikan ang buhok kong kanina niya pa pinaglalaruan


"I Love you wifey" bulong nito na tila naman musika sa pandinig ko


"I love you more Sir" napangisi ako


-----

Nagising ako ng maramdamang unan nalang ang aking katabi

"Sir?" Patanong sigaw ko. Mukhang wala siya dito sa kwarto. "Ash?" pagtawag ko pa ulit, ngunit wala talaga. Napanguso naman ako. Bakit nya naman ako iniwan hays. Di man lang ako ginising

Lumabas ako ng kwarto na ang tanging suot lang ay pantulog na manipis ang tela



Nang makababa ako ay tanaw kong asa sala si Kurt, kasama si Daddy. Nag uusap ang mga to. Pero di naman siguro seryoso ang pinag uusapan nila dahil nag tatawan ang mga to.


"Dad" bati ko dito bago humalik sa pisngi at dumaretso sa asawa ko. Ginawaran ako nito ng yakap at isang halik sa noo. Always this sweet hihi


"Magbihis ka muna wifey" bulong nito, agad naman akong pinamulhan ng mukha dahil nakalimutan kong manipis pala ang damit na suot ko tapos puro lalaki pa ang nandito


Tumango naman ako rito bago patakbong umakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa ang tawa ng dalawang lalaki sa baba. Agad akong nag palit at nag ayos bago bumaba, syempre nuh! Andito asawa ko dapat maganda ko!


Nang makababa ako ay naka upo na ang mga ito. Nandito na din ang dalawa kong kuya. Umurong naman si Kuya Drew na tila binibigyan ako ng space upang maka upo sa tabi ni Ash. Yiiie ang sweet naman kuya



Pagkaupo ko palang ay agad na ipinulupot ni Ash ang kamay nito sa aking bewang. Possessive much huh!



"Kompleto na, pwede na tayong mag umpisa" nagtaka naman ako sa naging turan ni Daddy ngunit ng tignan ko ang mga lalaki sa palagid ko ay tumutungo lang ang mga ito, hoy teka! Ano yun?


"Umpisahan mo Kurt" seryosong dagdag pa nito. Kahit na wala akong maintindihan sa nangyayari ay nag patuloy pa rin ako sa pakikinig




"Nag uumpisa na pong kumilos ang kabilang grupo Supremo" seryosong sabi ni Ash kay Daddy. Bakit ba ang seseryoso nila? Tsaka Wait. Supremo? Sinong Supremo? Si daddy ba tinutukoy niya?


"Kagaya nga po ng sinabi ni Alpha ay nagsisimula na silang kumilos. Nitong nakaraang araw lang ay namataan sila ng isa po nating tauhan na nagmamatyag sa Luma ninyong mansyon ganun na rin sa lumang bahay nila Alpha" mahabang litanya ni Z. Oo nandito rin si Z.



"Wag kayong mag alala sumpero gumagawa na rin kami ng hakbang" seryosong sabi din ni Kuya Symon habang ang Kuya Drew naman ay natiling tahimik


Naguguluhan na talaga ko! Can someone explain what's happening ha!




"Supremo, mawalang galang na po. Bakit kasama ang asawa ko sa pagpupulong na to" oyy asawa daw! takang tanong ni Ash. Sa Wakas! Nakaramdam din ang loko



Tumango lang si daddy bago naman nag salita ang kanina pang tahimik na si Kuya Drew "kailangan siyang itrain"




"WHAT!?" Hindi pa ko nakakareact ay OA na sumigaw na si Ash. Siya na nag react para sakin. Galing.



"Kailangan niya ng matrain sa lalong madaling panahon. Malapit na siyang mag eighteen" -Kuya Symon said, Oo nga pala. Malapit na ang birthday ko! Nakakaexcite hihi




"Marami ang umaasa sa kanya Kurt" -Z



"Marami na ang nakapaligid sa kanya. Hindi natin siya pwedeng bantayan segusegundo" -Kuya Symon, ang OA naman ng bantayan bawat segundo!



"Alam ko."- Ash




Tumayo ito at nag bow sa harap ni Daddy na kagaya ko ay nakikinig lang pero alam ko namang aware siya sa pinag uusapan nila hindi kagaya ko



" lets go wifey" hininali na ako nito paalis. Hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos sa mga tao doon, kainis.




-------

EDITED ❤️

PROMISES (COMPLETED) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें