❤chapter 3❤

192 43 0
                                    


Monday nanaman! Sino ba nag imbento na kapag monday kailangan maaga ang pasok!? Sino!? Papatayin ko!? Hihi. Charr lang


Bumaba na ko para kumain. Pag dating ko sa kusina walang pag kain. Huhu iyak. Nagugutom na ko

Oo nga pala, nawala sa isip kong wala si manang. Sa school nalang siguro ako kakain

Lumabas na ko ng Bahay at nagsimulang maglakad. Malapit lapit lang naman ang L.U kaya pwede kong lakarin. Natatakot na kasi akong mag drive dahil minsan na kong nasangkot sa car accident


"Hoy babae! Antagal mo naman! Malelate na tayo!" Andito kami ngayon ni vell sa canteen dahil nga maaga pa naman at hindi pa ko kumakain. OA lang talaga ng Bestfriend ko


"Oo, ito na." Makasigaw naman kasi. Ayan tuloy pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.


Agad kaming naglakad patungo ng aming klase dahil malelate na kami. Pag pasok ko ng room namin dumaretso na ko sa aking upuan dahil nagbabatohan nanaman sila ng papel. Hayst. Sanay na ko. Ganyan naman palagi. Naranasan nyo na yun?

"Aray! Ano ba!" Sigaw ko sa mga nagbabatuhan. Antagal naman kasi ni ma'am! Halos kalahating oras na siyang late a. Papasok pa kaya yun?


Tatayo na sana ako ng biglang "Good morning class" oh? Speaking off hihi

"Good morning ms. Ay" buti naman at may balak pa siyang pumasok! 30mins late kaya siya! Hindi ako galit a. Baka kung anong isipin nyo. Mabuting Estudyante kaya ako.


"Sorry kung medyo late ako." Sabi nito habang naka ngiti. Nakangiting wagas. Anong medyo! Super late ka kaya ma'am!


Pero syempre sa isip ko lang sinabi yan. Baka mapagalitan ako pag nagkataon


"Yiieeee.. Si ma'am nakipag date kaya nalate" asar ng isa kong kaklase. Mga tsismosa talaga. Oo sila lang. Mabait nga kasi ako!


"Shh.. Quiet guys. Kayo talaga. Kumain pa kasi kami ni sir Lee kaya medyo na late ako. Sorry talaga. " ani pa nito na tila kinikilig


Kainis! Ako nga di niya sinasabayan! Itong bruhang to sinasabayan niya!? E mas maganda pa ko dito!


Don't get me wrong guys. Wala naman talaga kong galit kay miss Ay pero the Fact na sinabayan at hinatid siya ng asawa kong baluga? Jusq. Sinong hindi maiinis diba?


At dahil nga nabwesit na ko sa bruha kong guro, nagsalpak nalang ako ng earphones at tumungo. Hindi naman siguro niya mahahalata dahil asa likodan ako nakaupo



"Alie?" Ano ba to? Uga ng uga! Hindi ba nila nakikitang natutulog yung tao?

"Alie?"

"Hmm.."

"ALIEMAYSUNOG"



"AYPALAKANGMAYTAESAPWET" gulat na ani ko


"HAHAHAHAHAHA" -___-


"HAHA.. Sorry na A.. Ayaw mo kasi gumising e hihi.."


"Pagbilang ko ng tatlo na wala ng tao sa harap ko" pa kanta kong sambit habang naka pikit.


"ISA" May diin kong banggit


"DALAWA" Nakarinig ako ng mga takbuhan


"Tatlo." Tsk. Tumayo ako para pumasok sana sa sunod kong klase kaso late nako, kaya sa canteen nalang muna ko.


PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now