Chapter 37

84 16 0
                                    

"Princess" Nakangising tawag sakin ng lalaki habang nanatiling naka sabit parin sa bewang nito ang babaeng ka make out niya

Lumingon sakin ang babae na agad akong tinaasan ng kilay. Kaya naman tinaasan ko rin ito ng kilay. Kala niya papatalo ako? No way.

"Who is She Babe?" Malanding sabi ng babaeng higad habang hindi pa rin bumababa sa pagkakapuloput sa kuya ko. Ano nasarapan? Ayaw ng bumaba?

Hindi ko pa rin inalis ang mapandiring tingin ko sa babae hanggang sa magsalita na si Kuya Symon

"Princess, sino kasama mo ? Bakit andito ka?" Hindi niya pinansin ang tanong ng babaeng higad bagkus ay binitawan niya ito

The heck! Gusto kong matawa sa itsura nito. Pero syempre dapat in character parin kaya hindi ko na siya pinansin.

"Hindi ba't ako dapat ang magtanong sayo niyan? Why are you here? Asan ang kambal?" Nagkamot lang ito ng ulo bago magsalita na SANA

"Hey babe. May anak kana!? OhMyGod! Akala ko ba single ka!? Tapos sino to!? Asawa mo?" Sabi nito habang may paturo turo pa sakin kaya naman napangiwi ako

"Oh shut up you monkey! Usapang tao to hindi kasama ang unggoy. Kaya tsupe na! Go." Naagaw nito ang atensyon niya. Nakita ko namang napangisi si Kuya Symon. Batokan ko kaya siya!?

"What!!" Galit na si Kong..

"Bingi ka ba?" Seryosong tanong ko na lalong nag papula sa mukha nito

"You call me Monkey!? You bitch!" Susugod na sana to ng sampal sakin ng humarang si Kuya Symon

"Don't you dare ever lay a single touch on her sheena. Ako ang makakalaban mo"seryosong sabi ni Kuya symon habang hawak ang kamay ng tinawag nitong sheena na dapat sasampal sakin

" It's Shane not sheena babe" nagkibit balikat lang si kuya symon bago ako hilain palabas ng Cr

Nang makalabas kami ay agad kong hinila ang kamay ko sa pag kakahawak nito "Teka nga" agad naman itong lumingo sa akin

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kuya Symon. don't tell me iniwan niyo yung kambal sa bahay!? Asan si Kuya Drew!? " tuloy tuloy na tanong ko

"Easy Princess. Nandito rin sila sa mall. Kasama nila si Andrew" agad naman akong nakahinga dahil sa sinabi nito. Kahit na malalaki na ang anak ko, ayokong iniiwan sila ng walang kasama

Nang malaman kong kasama naman pala ni kuya Drew ang kambal ay naglakad na ako papunta sa pwesto namin ni vell kanina

Nakalatag na ang pagkain namin sa mesa habang may kausap si vell sa telepono. Nakangisi ito kaya naman na curious ako kung sinong kausap nito

Nang makita ako ay tila ba natigilan ito at agad binaba ang telepono bago ngumiti. Agad akong umupo sa aking upuan katapat ni vell

"Bakit andito yan?" Kunot noong tanong ni vell sakin

"Who?" takang tanong ko habang tinitikman na ang pagkaing naka latag

"Him!" Galit na turo niya sa katabi ko. Oh? Hindi ko napansing sumunod pala sakin si Kuya Symon na ngayon ay nakatingin lang sa kanya

Agad namang umarko ang maganda kong kilay "Him? Hmm nakita ko siya sa Cr ng babae may ka making out" daredaretsong sagot ko na nagpaigting bagang kay vell

"Youuuuu..... Argh!" Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa sinabi ni vell maliban sa mahabang you

"Let's go Alie! Ayokong makita ang pagmumukha ng shokoy mong kapatid!" Sabi nito habang nag aayos na ng gamit. Oh oh.  Galit na talaga siya. Mali atang sinabi ko pa

"Pero hindi pa tayo nakain" sabi ko rito

"Papatake out ko nalang. Lets go, shokoy na ang bahala jan" mahinahon ng sabi nito

Agad na kong tumayo at tinulak si Kuya si para makalabas sa pwesto ko. Mahina lang naman kaya hindi siya natumba. Asa pa ko.

Nang makalabas kami ng resto ay agad kong sinabi kay vell na nandito rin sa mall ang kambal na agad naman niya kinatuwa at kinuha pa ang phone

"Ano bang meron sa cellphone mo? Kanina ka pa jan a" takang tanong ko habang sinusubukang silipin ang telepono niya pero agad naman niyang nailalayo

"Wala. Ano ba" tawa tawang sabi nito

"Sino ba kasi yang ka text mo?" Pangungulit ko pa. Ayaw niya talagang sabihin kaya pinabayaan ko na

Kinuha ko rin ang sarili kong telepono para tawagan si kuya Drew na agad naman niyang sinagot

"Asa Department store kami" wala pa man akong nasasabi ay nasagot na agad ni kuya Drew ang gusto kong itanong. Napangisi nalang ako bago ibaba ang tawag

"Sa dep. Store tayo" tumungo lang si vell habang patuloy pa rin sa pag tipa sa kanyang telepono

PROMISES (COMPLETED) Där berättelser lever. Upptäck nu