❤️chapter 20❤️

114 20 0
                                    

Buong maghapon ay ganun lang ang aming ginawa. Mag training at mag training. Medyo nahirapan ako lalo na at si Ash itong ka one on one ko.


Masakit na rin ang katawan ko dahil minsan ay hindi ko naiiwasan ang mga sipa at suntok nito. Walang asaasawa sa training.


At ang Bwesit! Imbes na tanongin kung okey lang ako at magsorry ay nagagawa pa kong sigawan kagaya nalang ngayon



"Mag pokus ka Sam." Madiing sabi nito ng tamaan nanaman ako ng isang suntok sa tagiliran. Seryoso na talaga to


Imbis na sumagot ay pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata, at lalo pang nag pokus. Nang maramdaman ko ang galaw nito sa aking likodan ay agad akong nag handa sa isip ko. Hindi nito pwedeng malaman na alam ko na ang sunod na move nito



Nang maramdaman ko ang atake nitong malapit ng tumama sa akin ay agad akong lumiyad at patalikod na sinipa ang sipa nito gamit ang isa kong paa



Nagsunod sunod ang atake nito na agad agad ko rin namang sinangga. Kahit nakapikit ay alam kong nakangisi na ito ngayon. Ito ang gusto mo ha





Dahil masyado ng masakit ang aking katawan at dahil na rin sa pagod ay unti unti ko ng naramdam ang panghihina




"Last move.." Bulong ko ngunit alam kong hindi niya ito narinig. Nang aakmang susuntok ito ay akin na siyang inunahan




Sinuntok ko ito sa mukha at tumalon patikod at hinawakan ang kamay nito bago iminulat ang aking mga mata


"I win." Nakangiting ani ko rito bago ko ito binatawan at tulungang tumayo. Nakangisi lang ito hindi iniinda ang naging suntok ko.




Naglakad kamipatungo na sa loob ng bahay dahil padilim na rin sa labas. Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig namin. Masyadong nakakapagod


Inabot ko ang tubig na kinuha ko kay Ash na bagsak ang katawan ngayon sa Sofa. Kung pagod ako ay siguradong mas pagod ito, bigla naman akong naawa.



Umayos naman ito ng upo para makainom ng ayos, nang matapos ay agad kong kinuha ang baso para hugasan




Nang balikan ko ito sa Sala ay nakapikit na ito. Pagod na pagod talaga siya



Madumi ang suot na damit nito ganun na rin ang sakin. Umakyat ako sa kwarto niya upang kumuha ng damit dahil gusto kong maligo. Masyadong malagkit ang pawis



May mga damit na ko dito sa kwarto niya na pinakuha niya kanina sa isa sa nagbabantay samin dahil dito daw muna kami habang nagtetraining




Nang makakuha ako ng damit ay agad akong pumasok sa Cr. Kumuha lang ako ng isang pink na short short at isang puting T-shirt ni Ash. Malaki ito kaya mukhang preso sa katawan



Nang matapos akong maligo ay agad kong pinatuyo ang aking buhok. bumaba na ako sa sala para gisingin si Ash na tuluyan na talagang naka tulog sa Sofa.



"Ash... " Inuga uga ko pa ito para magising. Mahina naman itong umungol na simbolo na nagising ko na ito. Ang pwesto nito'y naka pamaluktot. Masyado siyang matangkad para sa Sofa

"Ash.. Maligo kana muna para makapag pahinga na tayo" nakangiting sabi ko dito, unti unti naman itong nagising ng tuluyan at tumayo. hinila na ako papuntang kwarto




Daredaretso itong pumasok ng Cr. wala itong kadala dalang damit! Tsk. Bahala siya jan!



At dahil tuyo naman na ang aking buhok. humiga na ako sa kama ni Ash. Hindi ko na naantay itong matapos sa pagligo dahil tuluyan na akong nilamon ng antok





---------------

EDITED ❤️

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now