Sa Wakas

109 5 0
                                    

AMACon 4: Serendipitous
Poetry Day Ten: Frozen Sun

Sa haba ng panahong tayo'y magkakilala
Araw araw, gabi gabi, saglit tayong nagkikita
Nagkakasalubong sa panandaliang panahon
Nagkakasulpayapan, ako'y andito, ika'y andoon

Walang magtangkang sa iyo manlang ay dumampi
Sapagkat sa mga mata mo pa lang ay wala nang makapanatili
Mula sa malayo, kahit sino'y napapaso
Sa init ng iyong katauhang walang makapagtanto

Naniniwala ang lahat na kahit kailanman ay hindi ka maaabot
Mataas ka raw at nakakabulag, sa balat ay nakakasunog
Ngunit ang puso ko'y hindi ko mapipigilang lumapit
Sapagkat sa piling mo lamang maiibsan ang damdamin kong kay pait

Ang nais ko'y mahila ang matayog mong kinalalagyan
Ang pangarap ko'y maabot ang mga kamay mo mula sa aking kinasasadlakan
Tumingin ka sa akin, sabay ng luhang hindi napigilan
Sabay ng pagtangis sa langit ng hiling na sana'y pagbigyan

Nanatili kang kumikinang sa pagtulo ng nagliliyab na mga luha
Nagbibigay liwanag sa karimlan, kahit ang puso mo'y puno ng kadiliman
Ngunit kahit sa malayong iyong kinalalagyan
Ako'y hindi mo sinukuan, ika'y wagas na naghintay

Sa wakas, aking mahal, dumating na ang ating pinakahihintay
Ang araw na ikaw na mismo ay bumaba sa mataas na iyong kinauupuan
Sa wakas ay dininig ng bathala ang mataimtim nating hiling
Na sana dumating ang araw na ika'y aking makapiling

Sa pagdampi ng ating mga labi at pagdaupan ng ating mga nguso
Ay ang pagsumiklab ng nanlalamig na pusong matagal ko nang gustong isuko
Unti unti, ika'y aking ibinalot
Hanggang sa ako at ikaw, sa isa't isa'y pumulupot

(Originally published in "Tapunan Ng Feelings" on January 11, 2017.)

AMACON 4: SERENDIPITOUS (30-Day Writing Challenge)Where stories live. Discover now