Mga Iniwang Pangarap

109 7 0
                                    

AMACon 4: Serendipitous
Tagalog FF Day Fifteen: Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?

Ang sabi nila, kapag ang isang tao ay nangarap, yung talagang taos-pusong nangarap na makamit ang isang bagay, lahat ay gagawin nya, kahit na gaano pa kahirap, upang makamit yon. At sa oras na dumating na ang pinakahihintay na pagkakataon na maabot ang pangarap na yon, ano pa ba ang gagawin mo kung hindi sunggaban yon diba? Kumapit daw sa pinakamahigpit na paraan na kaya mo. Ibigay daw ang lahat para pangalagaan ito at hindi ito mawala.

Biglaan ang pagbugso ng mga alaala sa kanyang isipan, na wala na lamang syang nagawa kung hindi mahigpit na kapitan ang kanyang pusong animo'y nais tumalon mula sa kanyang dibdib. Napabuntong hininga na lamang sya sa likod ng sasakyan habang nakahinto sa kalagitnaan ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Bago pa man sya sumakay ng eroplano kahapon pauwi ng Pilipinas ay inasahan na nyang ito ang mararamdaman nya. Limang taon. Limang taon na ang lumipas nang nagdesisyon syang iwanan ang lahat at magsimula ng mas tahimik na buhay sa ibang bansa. Marami ang nalungkot, marami ang nagulat, ngunit marami din namang naging masaya para sa kanya. Iyon yung panahon kung kailan nasa kalagitnaan sya ng pagtatamasa ng kanyang pinakamimithing pangarap, ngunit dumating sya sa puntong kinailangan na nyang pumili. Nang kanyang ianunsyo na iiwan na nya ang lahat, hindi agad siya pinaniwalaan ng kanyang mga taga-hanga. Inasahan ng lahat na kinabukasan ay sasabihin nyang isang malaking biro lamang iyon. Ilang linggo din ang hinintay ng mga tao, hanggang sa lumabas na ang mga litrato ng kanyang pag-alis mula sa paliparan. Limang taon. Limang taon na ang lumipas nang sya'y huling nakita ng mga kaibigan at taga-hanga nya. At ngayon, sya'y bumalik upang daluhan ang pinaka enggrandeng pagtitipon ng taon. Matagal nya itong pinaghandaan dahil pakiramdam nya ay maraming naghihintay sa kanyang pagbabalik. Natatakot syang maungkat pa ang nakaraan, ngunit hindi nya kayang tiising hindi dumating sa napakahalagang araw na ito.

Isang malakas na busina ang pumutol sa kanyang pagmumuni-muni. Pagtingin nya sa kanyang relo ay napansin nyang napakaikli lamang ng kanilang iniusad sa nakaraang tatlumpong minuto.

"Manong, wala po ba tayong ibang madadaanan?" tanong nya sa tsuper, matapos makita ang oras. Malapit na syang mahuli sa pupuntahan nya.

"Sir, traffic talaga kahit saan eh. Alam nyo naman kapag umuulan, parang biglang dumadami ang mga sasakyan." sagot ng tsuper, sabay ng pagkamot ng ulo.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumandal at panoorin ang pagtulo ng ulan sa bintana ng kanyang itim na sasakyan. Nakahinto siya sa tapat ng isang malaking paskil ng isang produkto sa buhok. Yung lalaking nakangiti ay nakatingala na kala mo'y nakatingin doon sa babaeng nakatayo naman sa katabing paskil nito. Napangiti na lamang sya at napailing.

"Kung hindi lang... sana ako yan... sana kami yan..."

Tumingin syang muli sa kanyang relo at umiling na lamang sa tumatakbong oras na mas mabilis kaysa sa daloy ng trapiko. Matapos ang ilang minuto ay umusad na rin ang mga sasakyan.

Nadaanan ng kanyang sasakyan ang iba pang naglalakihang paskilan ng mga pinakasikat na artista sa kani-kanilang mga produktong ineendorso. Karamihan ay nakikilala pa nya, ngunit may ilang mga baguhang hindi na nya mamukaan. Ngunit may isang magkapareha ang palaging nakakapukaw ng kanyang pansin.

"Tigilan mo na yan. He's perfect. She's perfect. They're perfect for each other." kanyang bulong sa sarili habang dinadaanan ang maliwanag na paskilan ng dalawang artistang umiinom ng Coca-Cola. Wala na syang magagawa kung hindi ang tanggapin na lamang na ito na ang katotohanan, ito na ang ngayon.

Pagdating nya sa simbahan ay halos nakaupo na ang lahat. Eksaktong alas-sais ng gabi ang simula ng misa, at swerteng nakarating sya nang may nalalabi pang labinlimang minuto. Pumasok sya sa pinto sa tagiliran ng simbahan sapagkat nakasara na ang malaking pinto, kung saan nakaparada ang mahabang puting sasakyan. Magmamadali na sana syang tumakbo papunta sa pila na binubuo sa likod, ngunit natigilan sya sa kagandahan ng mga dekorasyon sa simbahang minsan na rin nyang napagdaluhan ng misa noon.

AMACON 4: SERENDIPITOUS (30-Day Writing Challenge)Where stories live. Discover now