AMACon 4: Serendipitous
Poetry Day Fourteen: For Your Eyes OnlyHindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo
Na sa dinami dami ng tao sa mundo
Sa'yo lang ako nakakatawa nang ganito
Sa'yo ko lang naipapakita
Ang sayang dulot ng pagdating mo sa buhay ko
Sa'yo ko lang nabubuksan ang buo kong pagkataoSabi nila, mapagpanggap daw ako
Na hindi nila talaga makilala yung tunay na ako
At hindi nila makita ang tunay na saloobin ko
Sabi nila, wala na akong ginawa kundi ngumiti, at umarteng masaya sa lahat ng bagay
Ngunit hindi nila alam ang tunay kong nararamdaman
Sapagkat ikaw lang, sa'yo lang nararapat na ang lahat ay ipaalamWala na akong pakialam kahit pa anong sabihin nila
Basta sa puso at isip ko, ikaw lang ang mahalaga
Sa'yo ko lang nais na ang pagmamahal ko'y maipadama
Sa'yong mga mata ko lang nais ipakita ang puso ko at kaluluwa**********
A/N: Guys, you have no idea how much I really struggled this weak. I confidently say that I suck at poetry and I am so damn proud of myself for surviving, albeit miserably, AMACon 4's Writing Challenge Poetry Week. Huhubells damayan nyo ko. hahahahaha
Ang sarap umiyak ng adobe, bes.
(Originally published in "Tapunan Ng Feelings" on January 15, 2017.)
YOU ARE READING
AMACON 4: SERENDIPITOUS (30-Day Writing Challenge)
RomanceThese stories were originally published in my one shot/shorts collection "Tapunan Ng Feelings." Just moving all of them here so they're not mixed sa mga pagtatapon ko ng feelings 😊