Doon

80 6 0
                                    

AMACon 4: Serendipitous
Poetry Day Eleven: A Quiet Rebellion

Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko
Bakit kailangang magkunwari at manahimik
Kung maaari ko namang ipagsigawan at ipalahaw sa buong mundo
Na ikaw lang, irog ko, ikaw lang, at ikaw lang ang minamahal ko
Kahit ilang beses nila akong ilayo
Kahit anong pilit nila akong itago
Dalhin man ako sa kasuluksulukan sa kabilang ibayo
Babalik at babalik pa rin ang aking kaluluwa't puso
Sa tagpuang ang tanging may alam ay ikaw lang at ako

Pagdating ng araw na maaari ka nang lumingon muli sa akin
Sa panahon na maaari nang isigaw ang pagtitinginan natin
Ipaghuhumiyaw ko na ikaw lamang ang mamahalin
At sa pangarap mong paraiso, doon kita dadalhin
Doon kung saan ako at ikaw lang at wala nang ibang magpipigil
Doon kung saan malaya kang ngingiti sa akin
Doon ko sasambitin ang mga katagang matagal ko nang gustong sabihin
Doon kita pagmamasdan at yayakapin
At lahat ng pangarap mo, para sa iyo at sa akin
Pinapangako kong lahat iyon ay tutuparin

(Originally published in "Tapunan Ng Feelings" on January 12, 2017.)

AMACON 4: SERENDIPITOUS (30-Day Writing Challenge)Where stories live. Discover now