AMACon 4: Serendipitous
Poetry Day Thirteen: Two For The RoadMagandang umaga, mahal ko, kumusta ka?
Tila kay tamlay ng iyong mga mata
Bakas ang hirap, pagod at puyat
Ngunit nagniningning pa rin ang iyong gandaMahal ko, halika, ayos ka lang ba?
Tumango ka at ngumiti, ngunit alam kong suko ka na
Araw araw kitang tinatanong, kaya mo pa ba?
Araw araw mo din akong sinasagot
Oo kinakaya dahil andyan ka paHalika mahal ko, tayo'y tumungo sa malayo
Halika, kunin ang aking kamay, kumapit lang sa aking puso
Halika at magpakatangay tayo sa hangin kahit saan man tayo makarating
Basta't ikaw lang at ako, tayong dalawa lang, walang makakapigil sa atin(Originally published in "Tapunan Ng Feelings" on January 14, 2017)
BINABASA MO ANG
AMACON 4: SERENDIPITOUS (30-Day Writing Challenge)
RomanceThese stories were originally published in my one shot/shorts collection "Tapunan Ng Feelings." Just moving all of them here so they're not mixed sa mga pagtatapon ko ng feelings 😊