Dark Confession

2.3K 44 0
                                    

Mula sa back stage ay maririnig na ang malakas na sigawan ng mga tao, they were excited to see the band.

"FP3! FP3! We love FP3! We want FP3!" iisang tinig ng mga ito.

May sampung minuto pa ang banda upang makapaghandang mabuti,

nasa backstage na sina Einar at Kaizer habang hinihintay na lang ang oras ng paglabas nila sa stage.

It was the band grand concert.

"Where is Sky?" tanong ni Kaizer sa katabing kaibigan

natigil naman ang pagtuktok ni Einar sa upuang kahoy malapit sa kanya.

"May kukunin lang daw siya sa dressing room." Sagot ng binata

"Kanina pa yun ah." komento nito,

Einar shrugged while handed his drumsticks

pinagpatuloy niya ang pagtuktok sa kahoy nang hindi na umimik pa ang kaibigan.

"I love you Sky! Mahal na mahal kita!" pakli ng babae nang harangin nito ang akmang paglabas ni Sky sa dressing room

kinuha lang niya ang pick na gagamitin niya sa gitara niya para sa mamayang performance nila ng banda.

Nagulat naman ang binata sa sinabing iyon ng babae,

hindi naman bago sa kanya ang mga ganong sitwasyon.

Hindi iilang beses na may nagtapat sa kanyang babae.

"Please mahal na mahal kita Sky, gagawin ko ang lahat mahalin mo lang din ako. hindi ka magsisisi kapag tinaggap mo ang pag ibig ko. I'll give you everything you want, I have money. I can give you all my money." Muling saad ng babae,

lihim na nagtagis ang mga bagang niya

Mukha ba siyang pera?

Wala sana siyang balak na pansinin ito subalit ng lumapit ito sa kanya at yakapin siya ng mahigpit ay nagsalita na siya.

"Hindi ko alam kung anong nagustuhan mo sa'kin para ibigay mo sa'kin lahat ng kayamanan mo pero hindi tama na sabihin mo yan sa'kin." aniya na bahagyang inilayo ang sarili sa babae,

kumapit naman ito sa braso niya ng makawala siya sa pagkakayakap nito.

"Why not? I love you, mahal kita at iyon ang mahalaga." Anito,

umiling siya.

"I'm sorry miss. I still don't understand. Excuse me." He said

humiwalay na siya dito at nagsisimula ng maglakad ng maramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya.

"Bakit hindi mo maintindihan? Hindi mo ba nakikita na mahal na mahal kita Sky?" giit nito na humarang muli sa daraanan niya.

Ekseherado siyang bumuntong hininga

ayaw man niyang mapunta na naman sa crying portion ang sitwasyon na iyon at hindi niya kagustuhang maging magaspang sa babae subalit wala na siyang magagawa.

she need to face the truth.

Na hindi naman talaga pagmamahal ang nararamdaman nito sa kanya kundi isa lamang simpleng paghanga na humantong sa obsesyon.

Kailangan na rin niyang bumalik sa backstage dahil ilang minuto na lang ay tutugtog na sila.

"Look miss, hindi ko gustong sabihin to' pero kalimutan mo na lang ako, may mas karapat dapat na lalaki para sa'yo at hindi ako ang lalaking iyon." Aniya

nagulat siya ng bigla na lamang itong umiyak sa harap niya

nakuha pa nitong lumuhod sa harap niya at kumapit sa tuhod niya.

Nasa ganoong sitwasyon sila ng mapansin niya sina Einar at Kaizer na patungo roon

natitiyak niyang susunduin siya ng mga ito.

Gaya niya ay nagulat din ang mga ito sa nakikita.

"Ikaw ang gusto ko Sky. Ikaw ang gusto kong pakasalan. Ikaw ang gusto kong lalaki, pakiusap, mahalin mo rin ako." umiiyak na sabi nito habang nakakapit pa rin sa tuhod niya.

Muli siyang napabuntong hininga.

This isn't good!

"I can't love you; I'm not the one for you and I know there's someone out there who really deserves you. so you should forget me." Pag amin niya sa babae,

nakita naman niya ang naging reaksyon nito,

she looks upset.

pinilit din niyang lumayo sa pagkakapit nito sa tuhod niya. kahit na hindi niya kagustuhang iwanan ito na umiiyak mag isa ay wala naman siyang magawa,

kung magiging mabait siya dito baka lumala lang ang sitwasyon at kulitin pa siya nito.

Narinig pa niya ang malakas na pag iyak nito habang papalayo siya.

"Balang araw, magiging akin ka din Sky! Tandaan mo yan!" pahabol na wika ng babae.

Tinapik naman siya sa balikat nina Kaizer at Einar ng salubungin niya ang mga ito

Naiiling na napabuntong hininga na lamang siyang nagpatiuna sa mga ito.

Nang tumuntong sa stage ang banda ay nawala sa isipan ni Sky ang babaeng iyon,

nakaramdam siya ng kapayapaan ng makita niya ang maraming tao,

ang maraming tagasuporta ng banda.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now