Android Sky

1.3K 43 0
                                    

"Finally, I'm done!"

bulalas ni Lowlah matapos niyang i-download sa microchip ang system program na ginawa niya,

ang system program na iyon ay naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol kay Sky,

kung paano kumilos, magsalita at magreact sa mga bagay bagay.

Halos isang buwan din niya iyong pinagpuyatan.

She was thankful that she was excellent in computer programs and assembling electronics devices,

isang dahilan iyon kung bakit mabilis niyang natapos ang invention niya.

She was hoping it will work.

Malalaman din niya bukas ng umaga kung nagtagumpay ba siya o hindi sa kanyang imbensyon.

Habang nakatitig sa kanyang imbensyon hindi napigilan ni Lowlah na haplusin ang mukha nito,

perpekto ang pagkakagawa niya sa mukha nito,

he really looked like Sky,

pakiramdam nga niya ay nasa harap niya ang binata,

nang maisip niya ang binata ay nag iba na naman ang pakiramdam niya,

para bang sa tuwing sumasagi sa isip niya ang binata ay bumibilis nag pagtibok ng puso niya na ikinapagtataka talaga niya.

Wala siyang kaide-ideya kung ano ba ang ibig sabihin ng nararamdaman niya.

Nagbuga siya ng hangin at lumayo sa robot,

masyado lang akong masaya dahil palagi siyang nasa tabi ko,

kung hindi rin dahil sa kanya ay hindi ko mabubuo ang android na ito.

wala sigurong ibig sabihin iyon.

siguro nga...

Bago lumabas ng silid na iyon ay pinatay muna niya ang mga ilaw at isinara ang kurtina ng bintana,

doon lang niya napansin na umuulan pala sa labas.

"Umuulan din kaya sa Japan? I hope he'll be okay." bulong niya, muli na naman siyang napabuntong hininga,

malimit na maisip niya ang binata simula ng umalis ito.

matagal tagal pa bago muli niya itong makita.

Stop it Lowlah.

Bago siya malito sa nararamdaman niya ay lumabas na siya ng silid na iyon at isinara ang pinto.

Meanwhile, at the airport.........

Biglaan ang pag uwi ng FP3 kaya wala silang nakitang mga fans at mga press na sumalubong sa kanila, maganda na rin iyon upang makauwi sila ng maaga at makapagpahinga na rin siya.

Dapat ay sa susunod na buwan pa ang pag uwi nila subalit dahil nagkaroon ng problema sa schedule ng mga co-artists na kasama nila sa music video ay hindi na iyon natuloy.

Aaminin niya na mas sikat talaga sila sa Japan at Korea at doon malimit magkaroon ng concert at activities ang banda.

Hindi nagtagal ay naihatid na ni Sky ang mga kaibigan niya sa mga bahay ng mga ito,

habang nasa daan at papauwi sa kanyang bahay ay napansin niya na tila may kanina pa nakasunod sa kanya, isang itim na sasakyan, kanina pa iyon simula ng umalis sila sa airport.

Kaagad na nakapag isip siya ng mabilis, iba ang pakiramdam niya sa sasakyan na iyon.

nang lumiko siya ng daan ay napansin niyang lumiko din ito.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now