Sky's Big Secret

1.2K 34 0
                                    

"It was the best part of my life, Siya ang best friend ko at hindi na mababago iyon."

aniya na hindi napigilang ihilig ang ulo sa katabi, naimagine niyang si Sky ang katabi niya.

Nang sumulyap siya dito ay nasalubong niya ang mga titig nito na ikinatibok ng puso niya at dahil nagulo ng husto ang sistema niya ay hindi niya nakayanan ang mga titig nito, siya na ang kusang tumayo at nagpaalam dito.

"Pupuntahan ko lang ang mga bata baka magising sila na wala ako sa tabi nila." Aniya na naglakad na papalayo ditto.

Her heart still pounding hard.

Mula sa pintuan ay nakatayong pinagmamasdan ni Sky ang natutulog na dalaga

Ang totoo ay gustong gusto na niyang sabihin dito na hindi naman talaga siya ang robot nito kaya lang nag aalala siya na baka magalit ito sa kanya.

He hate himself dahil siya ang may dahilan ng pag iyak nito, kanina ng dumating siya at nakita niya ang mga luha sa mga mata nito na para bang gusto niya itong yakapin ng mahigpit upang pakalmahin ito at sabihin ang totoo subalit naunahan na siya nito.

She thought he was her robot,

that damn robot!

Hindi niya alam pero pinagseselosan niya ang robot na iyon, pakiramdam kasi niya ay masyadong malapit ang dalaga sa bagay iyon at hindi niya gusto ang bagay na iyon.

At bakit hindi? Kahit kailan ay hindi siya tinitigan ng ganoon ni Lowlah, ramdam niya na napapalapit na ito sa robot na iyon.

Nang tumunog ang cellphone niya ay isinara na rin niya ang pinto at sinagot ang tumatawag sa kanya.

"How's that damn robot?"

Tanong niya kay Kaizer, doon niya idiniretso sa bahay nito ang robot matapos mag short circuit kagabi. Kaizer was a computer programmer kaya malaki ang maitutulong nito sa pag aayos ng system ng robot.

"Okay na siya, man! This robot looks real. Akala nga ni Reika ay ikaw ito, pati ang mga kilos at pagsasalita niya ay parang ikaw. Lowlah was great!" komento ni Kaizer sa kabilang linya

Narinig pa niya si Einar na nakikipagtawanan sa robot.

"Hey, he can play guitar too! Pwede na pala itong ipalit kay Sky." narinig niyang saad ni Einar

Nagtagis naman ang mga bagang niya.

That monkey, ang lakas talaga mang asar....

"I'll hang him! Tell Einar I will hang him kapag pumunta ako diyan." Napipikong sabi niya

Nang ulitin ni Kaizer ang sinabi niya sa kaibigan ay narinig lang niya ang pang asar na tawa nito na lalong ikinapikon niya.

"Anong balak mo sa robot na ito?" ani Kaizer

"Diyan muna siya, ang alam ni Lowlah next month pa ang balik natin mula sa Japan kaya hayaan mo muna siya diyan sa bahay mo." Aniya

Ayaw na muna niyang isauli sa dalaga ang robot.

"Okay." Anito

Eksaktong ibinaba na niya ang phone at maglalakad sa kanyang silid ng makita niya sa likuran niya si nanay Dina, kunot ang noo at halatang narinig ang lahat ng sinabi niya.

"Nanay." Naibulalas niya

Imbis na magalit ay ngumiti lang ito

"Sabi na nga ba at ikaw yan, hindi ako naniniwalang robot ka." Anito

Nakahinga naman siya ng maluwang.

"Bakit pumayag kang mapagkamalan niyang isang robot?" tanong nito

Napabuntong hininga siya, wala siyang nagawa kundi ipagtapat dito ang nangyari kagabi.

"Ganon ba? kailan mo naman balak magpanggap na isang robot?" tanong nito

"Hindi ko po alam nanay, ayokong isauli ang robot na iyon kay Lowlah."

Napansin naman niya ang kakaibang ngiti nito

"Bakit nagseselos ka?"

Hindi naman siya nagsalita, nakayukong nahimas niya ang batok

"Noon pa man ay napapansin ko na ang kakaibang tingin mo kay Lowlah, may gusto ka sa kanya hindi ba?" muling wika nito

Hindi na rin niya nakayanan ang nararamdaman, ipinagtapat na rin niya sa matanda ang matagal na niyang nililihim.

"She was the first girl who'd I known for so long and I don't know when I started to like her, basta isang araw na lang paggising ko sa umaga naramdaman kong mahal ko siya." pag amin niya sa matanda.

"Susuportahan kita Sky, mabait kang bata at alam kong magiging masaya si Lowlah sa piling mo." anito na nilapitan siya at niyakap.

Nabuhayan naman siya ng pag asa.

Ang totoo kasi ay matagal na niyang minamahal si Lowlah, mga bata pa lang sila ay gusto na niya ito. hindi lang niya iyon maamin sa babae dahil baka mag iba ang pagtingin nito sa kanya, alam niya na hanggang kapatid at kaibigan lang ang turing nito sa kanya at mas gugustuhin niya iyon kaysa tuluyan itong lumayo sa kanya.

Pinilit naman niya itong kalimutan at ituring na kaibigan lang din subalit hindi niya kayang gawin ang bagay na iyon. paano ba niya gagawin iyon kung sa tuwing makikita niya ito ay kusang tumitibok ang puso niya. alam niyang lalong lumalalim ang pagtingin niya dito subalit pinipigilan lang niya ang sarili. Siguro nga magaling siyang magtago ng nararamdaman niya pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya iyon maitatago.

Si Lowlah rin ang dahilan kung bakit hanggang sa sandaling iyon ay wala pa rin siyang nagiging kasintahan, she was the girl he dreaming of, ito ang gusto niya, ito ang mahal niya at wala na siyang gustong mahalin pa kundi si Lowlah lamang, gagawin niya ang lahat maging masaya lamang ang babaeng minamahal niya.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon