Love against all odds

2.3K 63 3
                                    

"Hurry up."

Sabi ni Sky sa robot na kasunod niya, nakalabas na sila sa silid nila kanina at naghahanap na ng daan kung paano makakalabas sa lugar na iyon.

Napatigil sila ng makarinig siya ng mga yabag na patungo sa kanila.

Nagtago sila sa likod ng malaking kahon, natitiyak niyang nasa isang warehouse sila.

Punong puno kasi ng mga fragile structure box ang lugar.

"May mga pulis sa labas! Bilis, sabihin ninyo kay Ninia." Sabi ng isang lalaki.

Mula naman sa silid nila kanina ay nakarinig siya ng malakas na sigaw ng babae.

"Nasaan na si Sky?!" tili ng babae habang papalapit sa tatlong lalaki.

"Mga tonto! Hindi ko kayo binayaran ng malaki para patakasin lang si Sky! bilis! Hanapin ninyo sila!"

Nang makalayo ang mga ito ay kaagad na lumabas sila sa pinagtataguan nila.

Nakakita na siya ng liwanag kaya natitiyak niya iyon ang labasan, bago sila tuluyan makalabas ay may nagsalita sa likod nila.

"Where are you going Sky?!" sabi ni Ninia.

Nang balingan niya ito nakita niya na nakatutok sa kanila ang hawak nitong baril.

"Sige umalis ka at hinding hindi ka na makakalabas ng buhay dito." Anito.

Galit na nakuyom niya ang mga palad.

"Stop doing this to yourself Ninia! Stop stalking at me!"

"I'll stop if you're going to marry me." Anito

Nagtagis ang mga bagang niya, nababaliw na ito at hindi niya kayang magpakasal sa babaeng wala naman talagang pagmamahal na nararamdaman sa kanya.

"I'f you're going to marry me, all those fucking girls who always laughing at me, telling me I'm not good in everything, that I'm ugly makikita nila kung sino ang pinagtatawanan nila, kung sino ang binu-bully nila! kaya pakasalan mo na ako Sky, magiging masaya na ako kapag nangyari iyon." Anito.

Matagal na niyang alam ang tungkol kay Ninia, dati itong nerd katulad ni Lowlah pero mas nakaranas ito ng pambubully ng iba at dahil nagtanim ito ng galit ay naging makasarili ito, nagparetoke din ito ng mukha at ng buong katawan, binago nito ang lahat pero nanatili pa ring mapait sa lahat kaya naman naghanap ito ng taong ang akala nito ay magpapaangat ng pagkatao nito.

Akala nito kung magpapakasal ito sa isang sikat na katulad niya ay magiging maayos na ang lahat. Naaawa siya dito kaya hindi niya pinapansin ito noon, hinahayaan lang niya na gawin nito ang gusto nito, ang sundan siya at buntutan sa lahat ng lakad niya pero hindi niya akalain na mangyayari ang bagay na iyon, na hahantong sa malalang sitwasyong iyon.

"I'm not going to marry you! Please put your gun away and we'll talk about this properly." Aniya at dahan dahang lumapit sa babae.

Nakita naman niya ang paniningkit ng mga mata nito

"No! kagaya ka rin nila! pinagtatawanan ako, kung ayaw mo akong pakasalan then go to hell! Magsama sama na lang tayo." Sigaw nito na tinutok ang baril sa kanya

"Sky!"

tawag ni Lowlah sa kanya, nang marinig niya ang boses ng babae ay doon lang siya nagpanic.

Nag aalala siyang mapahamak ito.

"Lowlah? what are you doing here? hindi ka na dapat pumunta pa dito." aniya sa babae.

Doon lang niya napansin na nasa likod nito sina Einar, Kaizer at ibang mga kaibigan niya, mayron din mga pulis na nakapaligid sa kanila.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now