I'm inlove with my Robot

1.2K 34 0
                                    

Nang araw na iyon ay nagdidilig ng halaman si Lowlah

isa iyon sa paborito niyang gawin sa tuwing wala siya sa laboratory room niya,

She loves flowers. Iyon ang nagbibigay sa kanya ng kasiglahan.

Habang nasa garden siya ay nasa lanai naman si Sky at ang mga bata, they were playing ball.

Nang sulyapan niya ang mga ito ay masayang inihahagis ng binata ang bola sa tatlong taong si Haruka, bigla ay napaisip siya.

Mahilig ba sa bata si Sky?

Hindi niya matandaan na in-store niya sa microchips ang pagiging malapit nito sa bata.

Nagkibit balikat na lamang sila, habang hindi dumadating ang ni request niyang computers at iba pang gamit sa mga magulang ay magtityaga muna siyang obserbahan ang robot base sa nakikita niya.

Muli niyang itinuon ang atensyon sa pagdidilig.

Paano kaya niya sasabihin kay Sky ang lahat?

Hindi kaya magalit ito sa kanya dahil nilihim niya ang tungkol sa robot?

Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya na may android version siya?

"Nee-san." Tawag ni Junpei subalit dahil malalim ang iniisip ni Lowlah ay hindi niya naririnig ang pagtawag na iyon ng bata.

Hindi rin niya napansin na napunta sa kanya ang bola na gamit ng mga ito.

"Lowlah." Tawag ni Sky mula sa likuran niya, hinawakan din nito ang balikat niya kaya nagulat siya.

Dahil wala sa sarili ay hindi niya namalayan na humarap siya na hawak pa rin ang hose.

Hindi tuloy niya sinasadyang mabasa niya ang tatlo na nasa harapan na pala niya.

"Oh! I'm sorry!" natatarantang wika niya na imbis na bitiwan ang hose ay lumapit pa siya sa mga ito kaya lalo niyang nabasa ang mga ito.

"Hey." Nagulat ding sabi ni Sky

Narinig naman niya ang tawanan ng dalawang bata na halatang nagustuhan ang pagkakabasa ng tubig.

"Oh my God! hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin niya

Nakadadagdag pa ng pagkataranta niya ang nakikita niyang basang katawan ni Sky, palibhasa ay nakasuot lang ito ng puting tshirt kaya nang mabasa ito ng tubig ay bumakat doon ang napakagandang katawan nito.

She saw the fine specimen of a fine gorgeous man in front of her.

She bit her lower lips before her mouth could have fallen open.

He was dazzling gorgeous man!

Hindi tuloy niya napigilang hagurin ang mukha nito pababa sa pusod nito, ramdam niya ang pag iinit ng buong katawan niya ng gawin niya iyon kasabay pa ang pagsingit sa balintataw niya ang nakita niya noon, his naked body, his gorgeous naked body.

Oh God! Help me!

"Are you okay Lowlah?" Sky asked her

Pinilig niya ang ulo at inalis ang malaswang bahagi sa isip niya.

"Yeah, I'm sorry." Aniya

Binitawan niya ang hose at balak niyang patayin ang gripo ng magsalita si Junpei.

"Attack!" Junpei said, dinampot nito ang hose at itinapat sa kanya.

"Hey stop that! Nababasa ako Junpei." aniya subalit lalo lang nito iyong tinapat sa kanya.

Narinig naman niya ang matitinis na tawa ng dalawang bata at ni Sky habang sinasalag niya ang tubig, sa kaaatras niya habang sinasalag ng kamay ang tubig na binubuga ng hose ay hindi napansin ni Lowlah ang malaking batong naapakan niya.

Nawalan siya ng balanse at napaupo sa lupa, sa mabilis na pangyayaring iyon ay mabilis siyang dinaluhan ni Sky, napangiwi siya ng subukan niyang tumayo.

Kumirot ang balakang niya sa malakas na pagkakabagsak sa lupa.

"Lowlah, okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nito sa kanya.

May kung anong pumitik sa puso niya ng marinig niya ang pag aalala sa tinig nito, bumilis ang pagtahip ng dibdib niya ng masalubong pa niya ang mga titig nito, lalo tuloy siyang nanlambot.

There something in him na hindi niya maintindihan habang nakatitig sa mga mata nito.

There's an electrifying feelings na bigla niyang naramdaman. No, actually matagal na niyang nararamdaman iyon.

Hindi lang niya iyon pinapansin pero kakatwa naman, that feelings was the same feelings she felt with Sky, the real Sky.

Kung tutuusin ay kaya naman niyang labanan ang mga titig nito pero that deep man's eyes could melt her in an instant.

Nailang siya bigla at nawindang.

Kung bakit kasi napakalapit nito sa kanya.

Napakislot siya ng maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang mga kamay.

"Your hands are bleeding." He said.

Masuyo nito iyong nilinis ng tubig pagkuwan ay hinubad nito ang tshirt na suot at pinunit.

Wala siyang kakurap kurap habang nakatitig lang sa binata habang tinatalian ang nagasgasan niyang mga kamay.

Am I falling in love with this robot? No way!

'Hindi siya nakakaramdam, pigilan mo ang nararamdaman mo Lowlah, walang mangyayari sa pag ibig mo sa kanya dahil hindi siya marunong magmahal, isa lang siyang bagay na ikaw mismo ang gumawa.' Her mind said pero kung bakit pilit na winawaksi niya ito ay lalo pa yatang lumalakas ang pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa mukha nito.

"I'm sorry nee-san." Narinig niyang tinig ni Junpei habang mangiyak ngiyak na nakatingin sa kanya.

Bigla naman siyang nakunsyensya ng tuluyan na itong umiyak.

"No, it's okay Junpei. I'm not actually hurt." Pang aalo niya sa bata

"But your hands are bleeding." Anito sa pagitan ng pag iyak.

Kahit sumakit ang balakang niya ay pinilit niyang tumayo, inalalayan naman siya ni Sky.

Pinilit niyang h'wag itong tingnan upang hindi na madagdagan ang pagkagulo ng sistema niya.

"Look, there's no blood at all. Magaling na ako at hindi naman talaga masakit." Aniya na ipinakita ang dalawang kamay niya na may benda na ng tela.

Tumahan naman ito ng yakapin niya at halikan sa pisngi.

"Stop crying Junpei, we still playing right?" nakangiting sabi niya

Nakita naman niya ang pagliwanag ng mukha nito.

"Really? let's play catch and ball nee-san." Masiglang pakli nito.

"Okay!" nakangiting sabi niya.

Sinulyapan naman niya si Sky na nakangiting nakamata sa kanilang mag ninang.

Hindi naman niya maipaliwanag kung anong ibig sabihin ng mga ngiti nito sa labi.

His eyes are smiling too.

Hindi nagtagal ay nakitawa na rin siya at nakipaglaro sa mga ito.

She played with them, catch and throw with the kids and with Sky.

Aaminin niya na napakasarap niyon sa pakiramdam lalo pa at napapansin niya na panay ang sulyap nito sa kanya.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now