My Sweet Robot Prince

1.2K 32 0
                                    

"I'm fine mom."

Sagot niya sa ina sa kabilang linya, nasa veranda siya habang inirerecord niya ang mga naobserbahan niya kay Sky nitong mga nakaraang araw.

"Bakit ganyan ang boses mo? may sakit ka ba?" nag aalalang tanong nito

"Sipon lang ito mom." Aniya na kumuha ng tissue at suminga roon.

Narinig naman niya ang pagpalatak ng ina.

"Hindi ka ba uminom ng gamot" tanong nito.

Umiling siya kahit hindi naman siya nito nakikita.

"Alam ninyo namang hindi ako nainom ng gamot, mapapaaga ang buhay ko kapag uminom ako ng mga gamot, nowadays medicines has a lot of dosages that can destroy our liver. Gagaling nga ang sipon ko mauubos naman ang atay ko." aniya

"Lowlah, hindi naman masamang uminom paminsan minsan ng gamot." Anito

"Hayaan ninyo mom, gagaling din kaagad ito. nagwa-water therapy naman ako." aniya na panay ang pagsinghot.

Nang sulyapan niya ang sarili sa maliit na salamin ay nakita niya ang pamumula ng ilong niya.

Napabuntong hininga siya, hindi naman niya akalain na sisipunin siya dahil sa pagkakabasa niya kanina. Siguro ay nababad lang ang katawan niya sa basang damit niya.

"Naipadala na namin ng papa mo ang mga computers at gamit na kailangan mo."

"Really? that's good to hear mom." Masayang sabi niya

"Mukhang masaya ka, may magandang result na ba ang naimbento mo ngayon?" tanong nito

Hindi pa niya sinasabi sa ina ang tungkol kay Sky, ang android version niya.

Gusto niyang masiguro na perpekto nga ang ginawa niya bago niya iyon sabihin sa mga ito.

"So far so good mom, I think this time I'm going to be a famous scientist." Masiglang sabi niya, nae-excite siyang dumating ang araw na iyon.

"That's good. Siguro naman kapag nangyari iyon ay makakapag isip ka na mag asawa na, hindi ka na bata Lowlah." Paalala nito

"Yeah, I know mom." Aniya

Madalas na pinagtutulakan na siyang mag asawa ng kanyang mga magulang.

Ang katwiran ng mga ito ay gusto pa raw ng mga ito na makita ang mga magiging apo ng mga ito. Palaging pinapaalala sa kanyang tumatanda na siya at ilang taon na lang ay mawawala na siya sa kalendaryo.

Hindi naman siya iyong tipo ng babae na nagmamadali sa bagay na iyon tutal naman wala pa rin naman siyang kasintahan.

Napangiti siya ng sulyapan niya ang mga kamay niya na may benda.

Sky always sweet like that, bakit nga ba ngayon ko lang iyon nakikita sa kanya?

Pero robot siya Lowlah hindi siya si Sky, sabi ng isang bahagi ng isip niya.

Hindi nga niya maintindihan kung bakit kahit alam niyang isang robot ang kaharap niya ay si Sky pa rin ang nakikita niya at pakiramdam niya ito ang totoong kababata niya.

Maya maya ay nagpaalam na ang ina niya.

Tahimik na nakatingala lang siya sa madilim na kalangitan habang nasa isip ang binata.

"Here, Drink this."

Naagaw naman ang pagmumuni muni ni Lowlah nang marinig niya ang tinig na iyon.

Nang sulyapan niya ito nakita niya si Sky na may hawak na tray na may lamang baso ng umuusok na inumin.

Napatuwid siya ng upo ng maupo ito sa tapat niya at ipatong nito ang baso sa ibabaw ng center table.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon