New Acquiantence

1.1K 28 0
                                    

Naagaw ang pagpipitas ng bulalak ni Lowlah ng makarinig ng sunod sunod na doorbell.

Nasa garden siya kasama niya si Haruka, naiwan sa silid si Junpei dahil tulog pa ito samantalang nagtatabas ng halaman si Sky hindi kalayuan sa kanila.

Tuwing week ends ay namimitas siya ng mga bulaklak sa garden upang idisplay sa loob ng bahay.

She kept herself busy para makalimutan niya si Sky, ang totoong Sky.

Palagi na kasi niya itong naiisip nitong mga huling araw.

"Ako na ang magbubukas." Sabi ni Sky ng makita nitong tatayo siya sa pagkakayupyop sa gilid ng mga rosas.

Hindi siya nagsalita subalit sinundan niya ito ng tingin.

Nang buksan nito ang gate nakita niya ang isang magandang babae, nakasuot ito ng hanging blouse, jeans at mataas na sapatos.

Napansin niya na tila nahipnotismo ito ng makita nito si Sky.

"Yes? Sinong hanap mo?" tanong ni Sky

"Hindi mo ako natatandaan? Hindi mo ako nakikilala Sky?" tanong ni Ninia na halatang hindi kumukurap habang nakatitig sa lalaki

"No, I don't know you. Sino ka nga ba?" prangkang tanong nito.

Malapit lang naman siya sa gate kaya naririnig niya ang pag uusap ng dalawa.

Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ng babae.

"Oh, sa dami ng mga fans mo siguro hindi mo na ako natatandaan, well nagkita na tayo dati pero kalimutan mo na yun, sana this time ay maging magkaibigan na tayo." Nakangiting pakli ng babae na halatang nagpapacute kay Sky.

"I'm Ninia." Pagpapakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay

"Sky." ani Sky na tinanggap ang pakikipagkamay nito

Hindi na niya napigilan ang sarili, lumapit na siya sa mga ito at nagsalita.

"Ninia." Tawag niya sa babae

"Oh hi there Lowlah!" masayang bati sa kanya ng babae at nakangiting lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Kahit nagtataka sa pagiging close nito sa kanya ay hindi na niya iyon pinansin, siguro ay likas lang talaga dito ang pagiging palakaibigan.

"Napabisita ka?"

"Actually I brought you this." Anito at doon lang niya napansin ang dala nitong Tupperware,

"A seafood pasta." Anito na iniabot sa kanya ang dala nito.

"Wow! I love pasta!" narinig niyang bulalas ni Haruka na nasa likuran na pala niya.

Wala na siyang nagawa kundi patuluyin ang babae sa loob ng bahay niya.

Wala pa naman doon si nanay Dina dahil nasa bahay ito ni Sky at nakaschedule itong maglinis doon. Mamayang hapon na ang balik nito.

At Sky's happiness bar....

"Paalis ka?" tanong ni nanay Dina kay Sky na kabababa lang niya ng bahay, sukbit ang gitara at dala si magic.

"Nandyan na pala kayo nanay." Aniya sa matanda, kasalukuyan nitong tinatanggal ang kurtina ng bintana.

"Yes nanay, ngayon po ang flight namin papunta sa Japan, na cancel ang music video namin last month, we are expecting na next month pa ang schedule ng shooting ng video pero napaaga ang pagtawag ng director namin." Paliwanag niya.

Ibinigay niya ang pusa dito

"Isama ninyong iuwi si magic kay Lowlah."

"Bakit hindi ikaw ang personal na magbigay nito sa kanya." saad nito.

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now