Get To Know My Guy Model

1.4K 41 0
                                    

Habang kumakain ang binata sa hapag ay pinagmamasdan niyang mabuti ang paggalaw ng bibig nito, kung paano ba ito ngumuya at lumunok ng pagkain.

Hmmm, ngayon lang niya napansin na maging sa pagnguya ng pagkain ay napakagwapo pala talaga nito. Titig na titig pa rin siya sa binata habang hawak niya ang notebook at ballpen niya,

isinusulat niya roon ang mga detalyeng nakikita niya,

nasa tapat niya ito at kasalukuyan nang umiinom ng tubig,

hindi niya alam kung bakit napalunok din siya ng mabahiran ng tubig ang natural na mapupulang labi nito,

maging ang paggalaw ng adams apple nito ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata.

Napakurap siya ng sunod sunod ng makita niyang tumigil ito sa pagsubo ng pagkain at salubong ang mga kilay na tumingin sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo? kanina mo pa ako tinititigan atsaka ano ba yang sinusulat mo?" kunot noong tanong nito,

mabilis na tinago naman niya sa kandungan niya ang notebook.

"Wala ito, gumagawa ako ng formula para sa susunod kong imbensyon." Sagot niya

"Nasa mukha ko ba ang sagot sa mga formula mo?" takang turo pa nito sa mukha nito,

bahagya siyang natawa dahil kitang kita niya ang kuryusidad sa mukha nito,

she need to take down notes of that expressions.

"Wala, masama bang tumitig sa'yo? ang masama kung pinagnanasaan kita no!" nakaingos na sabi niya, kahit ngumiti ito ay hindi naman iyon umabot sa mga mata nito.

"Hindi ka ba kakain?" pagiiba nito sa usapan,

umiling siya.

"Busog na ako. kumain ka lang, h'wag mo kong pansinin." Aniya,

hindi na naman ito nagsalita pa subalit mapapansin niyang panay na ang sulyap nito na halatang nagtataka sa ginagawa niya.

"Nah, I'm full. Ang sarap talagang magluto ni nanay Dina"

Bulalas ng binata ng makaupo sa mahabang sofa.

"Nasaan nga pala si nanay?" nagpalinga linga ito

"Nagpaalam siyang uuwi saglit sa mga anak niya, bukas na ng umaga siya makakauwi dito" aniya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa mga kilos at galaw ng binata.

Isa-isa niyang sinusulat ang lahat ng nakikita niyang gestures nito.

Napansin niya na tila hindi ito napakali.

"You mean, iniwan ka niyang mag isa dito sa bahay?"

"Oo, madalas naman na mangyari iyon, h'wag kang mag alala safe naman ako dito atsaka malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko." sagot niya,

hindi niya alam kung bakit nag iba ang ekspresyon nito

"No way! Sa panahon ngayon marami ng gago. Last time lang ay pinasok ang maid café ni Reika at pinagtangkaan ang buhay niya at kung hindi dumating si Kaizer baka napahamak na siya."

"Wala naman akong magagawa kung kailangang umalis ni nanay Dina, inaapoy ng lagnat ang bunso niya kaya pinayagan ko siyang umalis. Hindi naman siguro ako mapapahamak dito." pakli niya,

tumayo si Sky at sunod sunod na umiling.

"Dito ako matutulog, kailangan kitang bantayan." Anito na naglakad papalabas ng bahay,

"Ipapasok ko lang ang sasakyan ko sa garahe."

naiwan naman siyang napipilan pagkuwan ay napangiti,

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now