The Video Recorder

1.2K 28 0
                                    

Habang pinapanood at pinapakinggan niya ang mga bagong video records ay lalong lumalakas ang tibok ng puso niya, lalo siyang nalilito sa nararamdaman niya.

Imposible naman na ang totoong Sky ang kasama niya, nasa Japan ito ng mga panahon iyon.

Darn! I can't think normal things, God help me please...

Nasa ganoon siyang pagiisip ng biglang nag iba ang video record.

Nasa happiness bar na ang lugar, Iyon na siguro ang totoong Sky, dumating na roon si Sky galing Japan.

Nakita niya na nasa band rehearsal ang mga ito, kahit hindi perpekto ang video at napakalikot ni magic naririnig naman niya ang musika ng banda, naririnig din niya ang mga boses ng mga ito.

"Hey Sky! wala ka na naman sa sarili mo!" narinig niyang komento ni Einar.

She was sure it was the Korean hottie guy na drummer ng banda, nakilala na niya ang mga ito dahil madalas din niyang kasama ang mga ito noon sa university.

"Okay, break muna." Saad naman ni Kaizer na ipinatong sa stand ang mic na hawak.

"Next week na pala ang pagpunta natin sa Japan, tumawag si director Min, they're already settle the video shoot, this time tuloy na tuloy na iyon." dagdag pa nito na bumaba ng stage

"Yosh! Finally" komento ni Einar

Nawala ang mga ito sa video, malamang ay umalis sa pwesto nito ang pusa subalit hindi niya maintindihan kung bakit ganon na lamang ang kabang nararamdaman niya.

Anong ibig sabihin ng mga ito? Na hindi natuloy ang music video?

Pero imposible, hindi naman niya nalaman na umuwi si Sky at hindi natuloy ang video shoot ng mga ito.

Bigla ay natigilan siya..

Hindi kaya?

Nasa ganon na siyang pag iisip ng muling marinig niya ang boses ng mga ito

"Here magic." Narinig niyang sabi ni Kaizer.

Nakita niya sa video ang cupcake na ibinigay nito sa pusa.

Maya maya ay nakarinig siya ng tawanan at biruan hanggang sa maging seryoso na ulit ang usapan ng mga ito.

"Nagawa mo ba yung ipagawa ko sa'yo Kai?" narinig niyang sabi ni Sky

"Ang alin? Yung pag store ng new program sa robot na yon?"

"Yeah, yung mga information ba kumpleto? Yung hindi mahahalata ni Lowlah na nagbago ang robot niya."

"Nagawa ko, mabuti na lang hindi ako nahirapan i-hack ang security system ng chips."

"The best ka talaga, hacker master!" komento ni Einar

"Pwede mo bang i-hack ang fb account ni Kei. Baka may mga hidden photos ang kakambal mo, I'd love to see that." dagdag nito, narinig niya ang paglagutog ng ulo nito.

"Loko ka! layuan mo ang kapatid ko."

"Ouch, that's hurt." Reklamo nito

"Akala ko ba wala ka ng balak na isauli ang robot kay Lowlah?" tanong ni Kaizer na hindi na pinansin ang kalokohan ng kaibigan.

"Oo nga, nag eenjoy akong kalaro sa basketball si Sky the second." Sabad na naman ni Einar

"I want her to be happy." sagot ni Sky

"Magpapatalo ka ba sa isang robot? Bakit hindi mo sabihin na ikaw talaga ang nakasama niya noon at hindi ang bagay na iyon, sumusuko ka na ba sa kanya? All these years na inilihim mo sa kanya ang lahat?" ani Einar

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now