Meet the frustrated Scientist

1.7K 40 0
                                    

sa isang iglap ay naiba ang pakiramdam niya nang makita niya ang babaeng tila tamad na tamad na naglalakad palapit sa kanya.

She was wearing a white lab gown,

nakababa na ang mask sa leeg nito subalit suot pa rin nito sa kamay ang kulay puting gloves.

When the gate opened, he beamed a smile.

"Morning!" bati niya

Imbis na gantihan siya nito ng ngiti ay nakasimangot na nagulo nito ang magulo ng buhok.

Mukhang nagising niya ito,

malamang ay napuyat na naman ito sa nagdaang gabi at nakatulog na namang hindi nakakapagpalit ng pantulog.

"Oh bakit?" pati pagsagot nito ay tila napipilitan lang din.

Hindi man lang siya naapektuhan sa ginawa ng babae,

naiintindihan naman niya ang pagiging bugnutin nito,

natitiyak niya na napuyat na naman ito sa pagkakalkula ng isang chemical na gagamitin nitong imbensyon.

The woman was a frustrated scientist,

bata pa lang ay pinangarap na nitong maging isang kilalang scientist katulad ng mga magulang nito,

her parents were both well-known scientists,

Ricardo Ricafort was one of the top computer scientists and a member of a team that developed the computer systems in London, UK while Soledad Ricafort was a robot engineer and worked as a robot scientist in America trying to delevelop and experiment of a human robot.

Kaya naman malaking pressure para sa dalaga ang sumunod sa yapak ng mga magulang lalo na't wala pa itong napapatunayan at napagtatagumpayan,

palagi itong palpak sa mga ginagawa nitong imbensyon.

Nakangiting itinaas niya ang pusa,

doon lang niya nakita ang pagngiti nito.

tila may lumevel up sa loob niya.

Sa kabila ng makapal na salaming suot nito ay napansin pa rin niya ang pagngiti ng mga mata nito nang makita nito si magic.

"Bakit ngayon mo lang uli dinala si magic dito?" Nakangiti pa ring sabi nito na kinuha sa kamay niya ang pusa.

Napansin din niya ang pagkasabik ni magic ng makita ang dalaga.

Like what he felt right now.

"Ilang araw mo siyang iiwanan dito?" tanong pa nito.

"Isang araw lang, mamayang gabi kukunin ko rin siya." sagot niya

"Okay, I will take care of him." Nakangiting saad nito,

muli siyang na excite pagkakita sa mapuputi at pantay pantay nitong ngipin.

"I know, ikaw ang dating may ari sa kanya kaya alam kong maaalagaan mo siya."

Narinig niya ang pagtawa nito ng mahina.

"Nambola ka na naman, h'wag kang mag aalala, pakakainin ko si Magic ng paborito niyang cookies." Pakli nito habang tumatawa,

he chuckled. She knows me well.

"Anyway, kamusta ang pagiging scientist mo ngayon?" pag iiba niya sa usapan,

napansin niya ang pagkalungkot sa mga mata nito.

"I'm still trying hard, failed na naman ang ginawa kong invention, kagabi ko lang tinest, as usual it didn't work." Malungkot na sagot nito,

FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora