Reminisce

1.2K 30 0
                                    

Hinintay muna niyang makatulog ang dalawang bata bago lumabas ng silid si Lowlah,

alas otso na nang gabi at maghapon niyang kasama ang dalawang bata, hinanap niya si Sky sa buong bahay at natagpuan niya ito na nasa garden habang nakaupo sa bench at nasa kandungan nito si magic. They seem close too.

"Nandito ka lang pala."

agaw niya sa atensyon nito, naupo siya sa tabi nito at nakangiting tumingin dito, kahit na nagumpisa na namang tumahip ang puso niya ay nanatili siyang kalmado.

Tumingala siya sa langit at nakangiting pinagmasdan ang mga bituin.

"The stars were really beautiful." she said,

Tumingala din ito sa langit.

"Did you know that the stars could possibly grant your wish?"

Mula sa pheriperal vision niya ay nakita niyang sumulyap sa kanya si Sky.

"Funny it may sound but I had this wish na pakiramdam ko ay unti-unting natutupad."

"Maaari ko bang malaman ang hiniling mong iyon?" tanong nito

Ngumiti siya na nakatingala pa rin sa mga bituin.

"Hiniling ko na sana balang araw ay maging isa akong scientist, maging isang kilalang scientist at alam kong matutupad na iyon dahil nandyan ka." aniya na tumingin sa robot.

Tahimik lang itong nakatingin lang din sa kanya.

"At iyon ay dahil sa isang taong malapit sakin, kailangan kong bumawi sa kanya." natatawang saad niya, "Alam mo bang siya ang nagturo sa'kin noon na maaari akong humiling sa mga bituin, We were best friends, naalala ko tuloy noong mga panahon na magkasama kami ng ganito habang nagi-star gazing, nagbibilangan pa nga kami ng mga shooting stars. He really loves stars and constellations so much. Isa iyon sa mga masasayang aalala naming dalawa" nakangiting sabi niya.

Nasa mood siyang mag reminisce.

"Pero isa sa mga hindi ko malilimutan na kasama siya ay noong prom night namin, I really hate my gown that time, ang sabi niya I'm the most beautiful girl that night kaya kahit ayoko ng suot ko ay umattend pa rin ako ng prom. Ganon siya kalakas sa'kin, Gustong gusto kong maging prom queen pero hindi ako ang napili kundi si Emma na napakakapal ng make up."

Napabungisngis siya ng maalala ang panahong iyon.

"Siya ang napiling prom king, expected ng lahat na isasayaw niya ang prom queen, I still remembered how Emma love to be the prom queen dahil crush na crush niya ang bestfriend ko, nang dumating ang oras ng solo dance nila bigla siyang nawala sa dance floor pati ako ay binitbit niya, ang sabi niya ayaw niyang isayaw ang isang katulad ni Emma pero ang nakakatawa ako ang isinayaw niya sa rooftop ng school building." Nakangiting sabi niya habang nakatingin pa rin sa mga bituin.

Bigla ay nagflashback ang nakaraan.

Highschool, prom night...

"Saan ba tayo pupunta Sky? hindi ba at may solo dance kayo ni Emma."

Nakasimangot na sabi niya ng banggitin ang huling sinabi.

"Ayokong kasayaw siya." anito habang hawak pa rin ang kamay niya, hila hila siya nito at hindi niya alam kung saan sila patungo hanggang sa marating na lang nila ang roof top ng school building.

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong niya sa binatilyo

Sumilip muna ito sa baba ng building kung saan ginaganap ang prom night, naririnig pa nila ang pagtawag sa pangalan ni Sky para isayaw ang prom queen na si Emma pagkuwan ay naupo sa sahig at tumingala.

"Halika dito sa tabi ko." yakag nito,

Tumalima naman siya at tumabi sa binatilyo, nakangiting tumingin ito sa kanya.

"Mas gugustuhin ko pang tumitig sa mga bituin kaysa isayaw si Emma." Nakatawang biro nito, napabungisngis naman siya.

"Grabe ka, isa siya sa mga fans mo dito sa school." Tudyo pa niya

Ngumiti lang ito pagkuwan ay tumingin muli sa madilim na kalangitan.

"I really like my name, did you know why?" narinig niyang sabi nito

Sumulyap muna siya dito pagkuwan ay tumingala sa langit.

"Cause you love to stare at the skies?"

Hindi naman nito sinansala ang sinagot niya, hindi naman niya napansin na nakatingin na ito sa kanya

"Because Sky could see us, Lahat sa mundo ay nasasaksihan niya, lahat ng ginagawa ng mga tao. Nakikita niya kung ano ang pinakamagandang tanawin sa mundo kahit ang pinakamagandang nilalang ng Diyos." Anito

Napangiti siya sa sinabi nito

"Napakalalim naman niyon." aniya na bumaling sa binatilyo

Nawala ang mga ngiti niya ng makita niyang nakatitig ito sa kanya, bahagya siyang lumayo dito.

"Anong problema mo? may dumi ba ako sa mukha?" takang tanong niya

Bahagya itong natigilan pagkuwan ay ngumiti muli.

Tumayo ito ng marinig nila ang pagtugtog ng mabagal na tugtugin, sumilip muli ito sa baba, tumayo rin siya at sumunod dito, nakisilip din siya sa ibaba.

Nakita naman niya na nagsasayaw ng sweet dance ang mga kaklase nila.

"Mukhang nakasimangot si Emma habang hinahanap ka." natatawang komento niya ng mapansin niya ang prom queen na magisang nakaupo sa gilid at nagpapalinga linga, halatang hinahanap nito si Sky.

Sa kabilang banda naman ay nakaramdam siya ng mumunting inggit sa mga kaklase niyang babae na isinasayaw ng mga kaklase rin nilang lalaki.

"Ano kayang pakiramdam na isinasayaw?" naibulong niya

Nagulat naman siya ng hawakan ni Sky ang kamay niya.

"Oh bakit?" takang tanong niya.

"I'll dance with you."

"Pero hindi naman ako marunong sumayaw, kanina nga na magpartner tayo pinagtatawanan mo ako dahil parehong kaliwa ang mga paa ko." nakalabing wika niya

Nakangiting hinila siya nito sa gitna.

"Hindi ba gusto mong maramdaman kung anong feeling ng isinasayaw?" anito

"Oo nga pero hindi nga ako marunong sumayaw." Giit niya

Hindi ito sumagot bagkus ay hinawakan nito ang mga kamay niya at ipinatong sa mga balikat nito.

Halos nakatingkayad siya dahil napakatangkad nito.

"Baka matapakan ko na naman ang mga paa mo." nakangiwing paalala niya.

Tumawa lang ito sa sinabi niya

"Put your feet with mine." Bulong nito

"Ano?" nabingi pang tanong niya

"Sabi ko tapakan mo ang mga paa ko." ulit nito

Kahit nagtataka ay ginawa naman niya.

Ganon na lamang ang pagkagulat niya ng maramdaman niyang sumasayaw na silang dalawa na hindi man lamang gumagalaw ang mga paa niya, iyon pala ang purpose ng pagtapak niya sa paa nito, isasayaw siya nito sa ganoong paraan.

Hindi niya napigilang mapangiti.

"Thank you Sky." she said while smiling at him

Habang sumasabay sila sa malamyos na tugtog ay napapikit siya at ninamnam ang mga sandaling iyon, napakasarap ng pakiramdam niyang iyon.

"I want you to be happy and if this makes you happy kahit hindi ka marunong sumayaw, I'll make a way para makasayaw ka." anito na ikinataba naman ng puso niya.


FLOWER PRINCE TRILOGY 2: SKY, My Robot PrinceWhere stories live. Discover now